Tunog ng alarm clock ang nagpagising kay Althea. Pinatay niya ito at sandali pang ipinikit pikit ang mata.
Bumangon siya sa pagkakahiga at umupo sa kama. Iniikot muna niya ang paningin sa kabuuan ng kanyang kwarto bago niya napagpasyahang tuluyang bumangaon at maligo.
Hindi siya maaaring tamarin dahil mayroong kompanya at mga tauhan na umasa sa kanya. Hindi man niya gusto ang ginagawa niya, ngunit wla siyang pagpipilian. Hindi niya maaaring pabayaan ang pinaghirapan ng kanyang ama.
Nag-iisa siyang anak kaya natural na sa kanya mapupunta ang lahat ng asset at ari arian na iniwan ng mga magulang niya kasama na ang pamamahala sa kompanya nila.
High school siya ng mamatay ang kanyang ina dahil sa sakit sa puso. Kaya lumaki siya na ang kanyang tita Lydia ang nag-aalaga sa kanya. Kapatid ito ng kanyang ama at wala itong sariling pamilya kaya siya ang itinuring nitong anak.
"Althea, nakahanda na ang almusal." Ani ng tiyahin niya sa labas ng pinto.
"Sige po tita, susunod na po ako."
Sa buhay na kinakaharap niya ngayon ay masasabi niya na hindi siya maaaring maging mahina. Ang daming buwitre na nakapaligid sa kanya na sa isang kisap mata lamang niya ay tiyak na mawawala ang lahat sa kanya.
Lalo na at alam niyang umaaligid ang peke niyang madrasta. Naging asawa asawahan ito ng kanyang ama. At alam niya na kaya lamang nito pinatulan ang yumao niyang ama ay dahil sa pera. Sa kayamanan nito na sa kasamaang palad ay wala siyang nakuha ng mamatay ang daddy niya.
Wala siyang tiwala sa babaeng iyon. May hinala siya na sinadya ang aksidente ng ama niya noon. Dahil kasama niya ito ng mamatay ang daddy niya sa aksidente. Ngunit ito lamang ang nakaligtas at namatay ang ama niya.
Isang taon na ang nakakalipas ng mamatay ang ama niya. At pilit siyang ginugulo ng babae dahil sa mana daw niya na maliwanag naman na wala siyang makukuha ni kusing sa pera ng kanyang ama.
Naalala pa niya nang magwala ito nang basahin ng abogado ang last will and testament ng daddy niya. Ipinama kasi sa kanya ang lahat at mayroon din itong iniwan sa tita niya. Samantalang isang million lamang ang iniwan nito para sa babae. Kung tutuusin ay para na lamang itong limos sa kanya.
Bumaba siya sa dining at umupo sa hapag. Kung nasaan ang abala niyang tiyahin sa paghahanda ng pagkain.
"Anak, mamaya darating iyong bago mong driver. Ako na ang naghanap para sayo." Nakangiting ani ng tita niya.
Napakunot ang noo ni Althea. Dapat ay siya ang kukuha ng driver niya ngunit naunahan naman siya nito.
"Sigurado ka ba doon tita? Alam mo naman na maraming masasamang loob ngayon. Hindi tayo pwedeng basta na lamang magtiwala kahit kanino." Ani naman ni Althea na nagsisimula nang kumain.
Umupo na rin ng tiyahin niya sa tabi niya at nagsimula na rin mag-almusal.
"Oo naman. Ang ninang Ella mo ang nag-recommend sa kanya kaya sigurado akong mapagkakatiwalaan yon."
Tumango siya bago uminom ng kape na nasa tasa. Sabagay hindi naman sila ipapahamak ng ninang niya. At kilalang magaling na NBI agent ang manugang nito.
"Sige po, kayo na lang ang bahalang kumausap sa bagong driver. Sabihan nyo na dito na tumuloy sa bahay dahil ayaw na ayaw ko ng late."
Ngumiti ulit ang tiyahin niya. "Oo sasabihan ko. Siya nga pala Althea. May nagpapadala pa ba sayo ng mga death threats?" Nag-aalalang tanong nito.
Tumingin si Althea sa tiyahin at bumuntong hininga siya. Alam niya na nag-aalala ito sa kaligtasan niya. Ang totoo ay halos araw araw siyang nakatatanggap ng tawag mula sa mga ito. Pinagbabantaan ang buhay niya ngunit wala siyang pakialam dito. Naniniwala kasi siya na kung oras mo na, oras mo na. Kahit anong gawin mo wala kang ligtas kung mamamatay ka.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Alexander Lopez o mas kilala bilang Xander. Isang magaling at mahusay na NBI agent na magpapanggap at papasok bilang personal driver ng isang maganda at sikat na CEO na si Althea Jimenez. Dahil nasa panga...