Chapter 6

2.1K 85 1
                                    

Matapos ang aksidenteng nangyari ay agad nadala sa ospital sila Althea at Xander. Sa tulong ni Ruiz ay na respondehan agad sila kaya hindi sila gaanong napinsala. Himalang puro galos at sugat lamang ang natamo ng mga ito.

Nagtamo ng mga sugat si Xander sa ibat ibang parte ng katawan. Dahil nabasag din ang salamin ng sasakyan at iyon ang halos sumugat sa kanya. May sugat din siya sa noo at pasa sa gilid ng baba. Nagkaroon din ng bale ang kaliwang braso niya kaya kinailangan itong isemento.

Kaliwang braso niya ang medyo napuruhan dahil ito ang iniharang at iniyakap niya sa katawan ni Althea upang huwag itong mapinsala ng husto.

Habang si Althea ay nanatiling tulog ng dalawang araw dahil sa malakas na pagkakabagok ng ulo nito. Dalawang araw matapos ang aksidente ay nanatili sa ospital si Althea habang si Xander at ang tiyahin nito ang nagbabantay dito. Hinihintay nila na magising ito. Kahit papaano ay napanatag sila ng sabihin ng doktor na maayos ang kalagayan nito ay wala silang dapat ipag-alala dito.

Sobra ang pag-aalala ni Xander kay Althea, halos hindi na siya umuuwi dahil sa naging kalagayan ng dalaga. Sa isang banda ay sinisisi niya ang sarili dahil hindi niya nagawang protektahan ito ng maayos.

Pakiramdam niya ay naging pabaya siya kaya umabot sa ganon ang sitwasyon ni Althea. Kinausap din niya ang kapitan nila na itatago muna niya si Althea habang hindi pa nahuhuli si Herman. Ang lalakimg kinakasama ng madrasta nito.

Napagkasunduan nilang lahat kasama ang tiyahin nito ang desisyon niya para sa kaligtasan ni Althea habang hinahanap pa ang nakatakas na suspect.

Nakatakas ito matapos ang naging engkwentro nila sa grupo nito at malaya itong nagpapagaling. Napag alaman nilang may tama din ito ng bala sa katawan at mukhang matatagalan upang lumantad ito. Habang ang madrasta naman ni Althea ay nakakulong na at sinampahan na nila ng patung-patong na kaso.

Wanted na ang kinakasama nito at nasa watch list na ito ng mga alagad ng batas. Kaya hindi magtatagal ay mahuhuli rin ito at magsasama ang mga ito sa kulungan.

Tanging paggising na lamang ni Althea ang hinihintay ni Xander upang pansamantala niya itong mailayo. Napagkasunduan nila na iuuwi niya muna ito sa Mindoro kung nasaan ang ama at kapatid niya. Malayo ito sa siyudad at puro dagat dito upang makapag pagaling din at makapagpahinga si Althea.

Habang si Ruiz ay susunod na lamang sa kanila kapag natapos na nito ang pag-aasikaso sa kaso ni Althea. Ito rin ang magiging abala para sinasagawang manhunt operation sa paghahanap kay Herman.

NAGISING si Althea na pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya. Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mata at bumungad sa kanya ang puro puting kulay ng buong kwarto.

Pinakiramdaman din niya ang sarili at pilit na inaalala kung nasaan ba siya at kung bakit masakit ang ulo at katawan niya. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala siyang maalala na kahit na ano.

Iniangat niya ang kanyang braso hanggang mapako ang tingin niya sa swero na nakakabit sa kanya. Naisip niyang nasa ospital siya at pilit niyang inaalala kung bakit ba siya nasa ospital ngayon.

Hanggang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang babae na nakaputing damit. Base sa damit nito ay isa itong nurse ng ospital. Tiningnan lamang niya ito habang inaayos nito ang kumot at swero niya.

Iginalaw niya ang kanyang kamay kaya napatingin ito sa kanya. Nanlaki ang mata nito nang makitang gising na siya at nakatingin siya dito.

"Gising ka na pala. Sandali lang ah, tatawagin ko ang doktor. Papatawagan ko rin ang asawa mo para malaman niya na gising ka na." Saad nito na may ngiti sa labi.

Kumunot ang noo niya nang sabihin nito ang salitang asawa. Baka nagkamali lamang ito dahil wala siyang natatandaan na may asawa siya.

Umalis ang nurse at iniwan siyang may malalim na iniisip. Hindi maalis sa isip niya ang sinabi nito sa kanya. Hanggang may marealize siya. Napa tulala siya sa kisame ng kwarto at ipinikit pikit pa niya ang mga mata.

(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon