Nang magising kinabukasan si Althea ay wala na sa tabi niya si Xander. Pupungas pungas niyang inilibot ang tingin sa kabuuan ng silid nilang mag-asawa.
Sa ilang araw na pagtira niya kasama si Xander ay pakiramdam niya na sobrang laki ng pinagbago ng buhay niya. Parang parating may kulang sa araw araw na paggising niya. Siguro ay dahil wala pa siyang naalala na kahit na ano hanggang ngayon.
Ngunit kahit ganon ay hindi naman siya nakaramdam na nag-iisa siya. Dahil araw araw ay hindi naman nagkukulang si Xander upang iparamdam sa kanya kung gaano siya nito kamahal.
Masaya din siya dahil nakahanap siya ng mga bagong kaibigan sa katauhan nila Sally at Maria. Araw araw siyang pinupuntahan ng mga ito upang makipagkwentuhan sa kanya.
Bumangon siya at nag-ayos sa sarili. Iniligpit din niya ang higaan nilang mag-asawa. Naalala pa niya na magdamag silang magkayakap ni Xander nang matulog kagabi. Kaya hindi niya maiwasang mapangiti.
Nang lumabas siya ng bahay upang hanapin si Xander ay agad siyang nakita ni Istong. Ang nakababatang kapatid ni Xander. Tumakbo ito palapit sa kanya.
"Ate!" Ngumiti siya ng tawagin siya nito.
Napag-alaman niyang pinag-aaral ito ng asawa niya sa kursong business management sa unibersidad sa bayan. Sobrang proud siya kay Xander dahil hindi lang ito mabuting asawa sa kanya. Mabuti rin itong kapatid at anak sa magulang nito.
"Ang kuya mo?" Tanong niya kay Istong nang makalapit ito sa kanya.
"Sinamahan lang yung kababata niya. Siguro pabalik na rin yon. Halika na ate. Naghihintay na si tatay sa hapag."
Tumango siya at ngumiti dito. Magka tabi ang bahay na tinitirahan nila ni Xander at ang bahay ng ama nito. Napapagitnaan lang nila ang isang malaking puno na siyang nagbibigay lilim sa mga bahay.
Nang makarating sila sa gilid ng bahay kung nasaan ang malaking mesa ay nakita niya ang tatay ni Xander na abala sa paghahanda ng pagkain sa mesa.
Naroon din sina Sally at Maria na siyang tumutulong sa ama ni Xander.
"Good morning." Nakangiti niyang bati sa mga ito. Napatingin sa kanya ang lahat at halos sabay sabay din na ngumiti sa kanya.
"Gising ka na pala. Halika na at maupo ka na dito." ani ng ama ni Xander.
"Matatagalan po ba si Xander? Hihintayin ko na lamang po siyang kumain." Magalang niyang sagot dito.
"Pabalik na iyon. Kanina pa umalis kaya siguradong pauwi na yon?"
"Sinabi ko naman sayo na bantayan mo ang asawa mo dahil maraming makakating higad at ahas ang nasa paligid." Ani naman ni Maria na agad sinaway ni Sally. Kumunot ang noo ni Althea sa ibig sabihin ni Maria.
"Marya naman. Ke aga aga kung ano ano ang sinasabi mo. Halika na dito Althea, pabalik na rin iyon." Ani naman ni Sally sa kanya.
"Oh ayan na pala si kuya."
Mabilis na napatingin si Althea sa lalaking kanina pa niya hinahanap. Ngunit agad din nawala ang kanyang ngiti at napilitan iyon ng pag-iinit ng ulo niya nang makitang may naka angkla dito na babae.
Maganda at sexy ang babae. Base na lamang sa pananamit nito ay mukha din itong may kaya. Napataas ang kilay niya ng makita ang pasimple nitong pag haplos sa dibdib ni Xander kaya agad niyang sinalubong ang mga ito.
"Mister ko."
Tumingin si Xander sa kanya at agad itong ngumiti. Tinanggal nito ang pagkaka hawak ng babae sa braso niya at mabilis na lumapit sa kanya.
Niyakap siya nito at ilang beses hinalikan sa mukha at ulo kaya napangiti si Althea. Ang inis na nararamdaman niya ay bigla na lamang nawala at napalitan ng kilig.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Alexander Lopez o mas kilala bilang Xander. Isang magaling at mahusay na NBI agent na magpapanggap at papasok bilang personal driver ng isang maganda at sikat na CEO na si Althea Jimenez. Dahil nasa panga...