Warning: Mature Content | R-18
Umiiyak na lumusong sa dagat si Althea. Sobrang sama ng loob niya dahil pakiramdam niya ay napahiya siya sa mga taong nakasaksi sa ginawa ni Xander.
Iniisip niya kung ganon ba kapangit ang katawan niya upang hindi magustuhan ni Xander ang suot niya.
Naiinis pa siya nang maalala ang ginawang pagngisi ni Shirley sa kanya. Tuwang tuwa ito habang nakatingin sa kanila. At alam niyang pinagtatawanan siya nito.
Naisip muli niya ang ginawang paghawak at paghaplos nito kay Xander habang nagbibihis siya. Kaya lalo siyang nakaramdam ng galit para dito.
"Kapag si Shirley okay lang na magganito kasi maganda ang katawan. Kapag ako hindi pwede. Tapos hinayaan pa niya na hawakan siya ng babaeng iyon." Inis niyang ani habang lumulusong sa tubig.
"Magsama silang dalawa!"
Hindi niya namalayan na medyo nasa malayo na siyang parte ng dagat. Madilim at tanging liwanag lamang ng buwan ang sumisinag sa kinaroronan niya.
Lalo siyang nakaramdam ng pagkirot ng dibdib nang maisip na hindi man lamang siya sinundan ni Xander. Siguro ay nakikipagtawanan ito habang tuwang tuwa sa mga haplos ni Shirley sa kanya.
Lumubog siya sa tubig at doon ay sandaling nag-isip. Hinayaan niya na lumutang siya sa tubig. Nakapikit ang mata niya at pilit na ikinakalma ang sarili.
Ngunit nagulat siya nang maramdaman niya ang mainit na braso na pumulupot sa beywang niya kaya agad nagmulat ang kanyang mata.
"Damn misis ko! Are you okay? Please answer me. Okay ka lang ba?" Nag-aalalang ani ni Xander habang patuloy na hinahaplos ang mukha niya. Paulit ulit siya nitong hinahalikan sa buo niyang mukha.
"Tang ina! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sayong masama." ani nito bago siya niyakap ng mahigpit.
Ramdam niya ang panginiginig ng katawan at bilis ng paghinga nito. Ramdam din niya ang malakas na tibok ng puso nito na para bang kinakahaban.
Nakagat ni Althea ang kanyang labi upang pigilan ang ngiting gustong kumawala. Iniisip siguro nito na nalunod siya o may nangyaring masama sa kanya. Kaya ganito na lamang ang naging reaksyon nito. Hindi siya nagsalita at nanatili lamang siyang nakatingin dito.
"I'm so sorry wife. Sorry kung nagalit ako. Damn, natakot ako. Akala ko mawawala ka na sa akin?"
Ginantihan na rin niya ito nang yakap at hinaplos niya ang buhok nito.
"I'm okay don't worry too much. Bumalik ka na doon." Ani ni Althea.
Masama ang loob niya dito. At gusto niyang mapag-isa kahit sandali.
Umiling ito at humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.
"No! dito lang ako. Hindi kita iiwan. Kung galit ka sa akin, sige sigawan mo ako pero hindi ako aalis."
Tiningnan niya ito at kita niya na determinado itong samahan siya kaya hinayaan na lamang niya ito.
Bumitaw siya sa pagkakayakap dito at lumayo ng bahagya. Tatalikuran na sana niya ito nang maramdaman niya ang mabilis nitong pagyakap sa kanya at pagsunggab nito sa labi niya.
Natagpuan na lamang niya ang sarili na tinutugon ang mapusok na halik na ipinagkakaloob ni Xander sa kanya.
"X-Xander!" Ungol ni Althea nang bumaba ang halik nito sa kanyang leeg at naramdaman niya ang kamay nito na marahang minamasahe ang kanyang dibdib.
Nahihirapang inihiwalay ni Xander ang labi niya sa labi ni Althea. Gusto muna niyang liwanagin ang nangyari sa kanila kanina. Ayaw niya na magalit ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Alexander Lopez o mas kilala bilang Xander. Isang magaling at mahusay na NBI agent na magpapanggap at papasok bilang personal driver ng isang maganda at sikat na CEO na si Althea Jimenez. Dahil nasa panga...