Chapter 12

2.1K 74 10
                                    

Tatalikod na sana si Althea nang magulat siya dahil biglang itinulak ni Xander si Shirley. Lumayo ito at parang nandidiring pinunasan ang labi nito na hinalikan ni Shirley.

Galit naman na tumingin si Xander kay Shirley matapos ang ginawa nitong paghalik sa kanya. Halos lumabas ang mga ugat niya sa leeg dahil sa galit sa ginawa nito. Hindi niya akalain na ibababa nito ng husto ang kanyang sarili para lamang makuha ang gusto nito. Hindi niya napaghandaan ang balak nito.

Iniisip niya na mabuti na lamang at hindi sumama si Althea sa kanya at hindi nito nakita ang ginawang paghalik ni Shirley sa kanya. Dahil tiyak niya na kung narito lamang si Althea ay alam niyang magsisimula ang world war four.

Kung nagkataon ay baka madagdagan ang kasalanan niya kay Althea at baka hindi niya mapatawad si Shirley kung mangyari iyon.

"What do you think you're doing huh?!" Sigaw ni Xander kay Shirley.

Kita ni Althea ang panginginig ni Xander dahil sa galit. Sa isang banda ay natutuwa siya dahil nakikita niya na hindi nito gusto ang ginawang paghalik sa kanya ni Shirley. Kaya nanatili sila sa madilim na parte at nagtago sila upang hindi sila makita ng mga ito.

"Ganyan ka ba talaga ka desperada Shirley?! May asawa na ako at mahal ko ang asawa ko!" Sigaw muli ni Xander dito.

Kahit hindi niya totoong asawa si Althea ay wala siyang plano na lokohin ito. Dahil para sa kanya ay si Althea lamang ang gusto niya at mananatiling asawa niya.

"H-Hiwalayan mo na siya. Ako lang Xander. P-Please gagawin ko ang lahat para sayo." Umiiyak na ani ni Shirley.

Naikuyom ni Althea ang kamao niya. Nanginginig siya sa galit dahil sa ginagawa ni Shirley. Gusto niya itong hilain at sabunutan hanggang makalbo ito dahil sa pagsusumiksik nito sa asawa niya.

Bumuntong hininga si Xander. Pilit niyang ikinakalma ang sarili dahil baka makapagsalita siya ng hindi magugustuhan ni Shirley. Kahit papaano ay kababata pa rin niya ito. At alam niyang nabubulagan lamang ito dahil sa nararamdaman nito para sa kanya.

"Talaga bang hindi mo maintindihan? Mahal ko ang asawa ko Shirley. At kahit kailan ay wala akong balak o plano man lang na palitan siya. Not even in my dreams Shirley. Ikamamatay ko kapag nawala si Althea sa akin. Kaya kung kaibigan pa kita itigil mo na ito!"

Kita niya ang bumalatay na sakit sa mga mata ni Shirley. Ngunit hindi na niya iyon binigyan ng pansin. Gusto na niyang umuwi dahil walang kasama ang asawa niya sa bahay.

Kanina pa niya gustong umuwi. Yon lamang ay hindi siya paalisin ni Mang Isko kaya natagalan siya. Dumagdag pa na dumating si Shirley ay sinabi nito na gusto siya nitong makausap.

Hindi naman niya akalain na mauuwi sila sa ganitong tagpo. Iniisip pa lamang niya ang mukha ni Althea na kinakabahan at nag-aalala ay para nang pinipiga ang puso niya.

Sorry misis ko. Pauwi na ako hintayin mo ako. Bulong ng isip ni Xander. Iniisip din niya ang hindi nila pagkakaunawaan nito bago siya umalis. Alam niya na masama ang loob ni Althea sa kanya ngunit mas pinili pa niya ang magpalamig kaysa kausapin ito.

Ang totoo ay lumalayo siya dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at maangkin niya ito ng tuluyan. Lalo na at matagal na siyang nagpipigil sa nararamdaman niya.

Humugot ng malalim na hininga si Xander at mariing tumingin kay Shirley.

"Please Shirley. Kaibigan kita at ayoko na magkasira tayong dalawa. Ayokong umabot sa punto na kakalimutan ko na kilala kita kaya pakiusap itigil mo kung ano man ang pinaplano mo."

"X-Xander, mahal na mahal kita. Noon pa man mahal na kita at alam mo yon. Naghintay ako sayo kahit matagal. At bumalik ako dahil sayo. Bumalik ako para makasama ka. Tapos malalaman ko na may asawa ka na. Ang sakit sakit Xander, ang tagal kong naghintay." Humahagulgol nitong iyak.

(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon