Unang araw pa lamang ni Xander sa mansion ng mga Jimenez ay may kakaiba na agad siyang napansin.
Kataka takang laging may nakahintong motor sa gilid mismo ng mansion. Inikot niya ang paligid nito habang nagpapanggap na nagjojogging siya. Tiningnan niya kung may posibilidad ba na mapasok ang mansion at iyon nga ang napansin niya.
Lalapitan sana niya ang lalaking nakamotor ng mabilis itong umalis at pinaharurot ang motor nito kaya bumalik siya ng bahay upang kausapin si Joel. Isa sa mga security guard. Tatlo silang nagpapalitan sa pagbabantay sa mansion at lahat sila ay nakilala ni Xander.
Lahat ng kasama sa bahay ni Althea ay pinaimbistigahan niya. Kasama na rito ang mga guwardiya at kasambahay. Hindi naman siya namemersonal. Gusto lamang nilang maka tiyak sa kaligtasan ni Althea.
Pagpasok ni Xander ay pinagbuksan agad siya ni Joel ng gate. Hinarap niya ang guwardiya upang tanungin ito sa napansin niya.
"Joel, napansin mo ba yung lalaking nakamotor na nakahinto malapit sa mansion? Parati bang narito iyon o ngayon lang?" Tanong niya dito.
Halos kaedaran niya ito at napag-alaman din niyang tatlong taon na itong naninilbihan sa mga Jimenez.
"May dalawang beses ko ng nakita iyon. Nong una hindi ko pinansin kasi baka kako may hinihintay lang na taga dito. Pero nong nakaraan lalapitan ko sana para tanungin kaso biglang umalis." Sagot nito sa kanya.
"Kailan mo pa napansin yong lalaki?" Kunot noong tanong ni Xander.
"Teka kailan nga ba?" Sandali itong nag-isip bago muling nagsalita. "Noong nakaraan buwan una ko siyang nakita. Tapos nong nakaraan linggo. At hindi lang ako ang naka pansin doon. Maging si Nestor na kapalitan ko ay napansin din iyon."
Tumango siya. "Maging alerto kayo. Hindi natin alam baka minamanmanan na nila itong mansion kaya huwag kayong tutulog tulog." Ani niya.
Tumango lamang sa kanya ito. Alam ng mga security guard kung sino siya maging ang mga kasam bahay ay alam din. Tanging si Althea lamang ang hindi nakakaalam ng tunay niyang pagkatao alinsunod sa kagustuhan ng tiyahin nito.
Matapos niyang makipag-usap dito ay lumayo siya ng bahagya at kinuha ang cellphone niya. Balak niyang tawagan si Ruiz upang ipaalam dito ang natuklasan niya.
"Yow bud wazzzup!" Bati nito sa kanya nang sagutin nito ang tawag niya.
Napailing na lamang siya sa ka-abnormalan ng ka-buddy niya. Hindi nga niya alam kung bakit ba ito ang naging buddy niya. Akala niya hindi niya ito makakasundo ngunit nagkamali siya dahil nang makilala niya ito ng husto ay napalapit ang loob niya dito.
"Tang ina hello lang ang sasabihin mo." Saad niya dito, dinig niya ang paghagalpak ng tawa nito kaya natawa na rin siya.
"Aminin mo namiss mo ako noh?" Pagbibiro ni Ruiz sa kanya. Lalo siyang natawa dahil hindi naman niya ito namimiss natutuwa pa nga siya dahil hindi niya ito kasama dahil isa't kalahati ring magaling mang inis tulad ni Robles.
"Fuck you! bakit naman kita mamimiss?"
Lalo siya nitong tinawanan kaya nainis na siya. Gago talaga 'to bulong niya sa sarili.
"Bud hindi tayo talo. At saka masyadong maliit ang butas ng puwet mo para sa batuta ko."
"Gago! Tang na ka! Kapag hindi ka umayos hindi na ako tatawag sayo. Bahala ka sa buhay mo!" Inis niyang ani. Naiinis na talaga siya. Ganyan si Ruiz sa kanya. Mabuti na nga lang at hindi siya napipikon ng husto dito.
Sa kanilang grupo siya ang madalas nitong inaasar. Sanay naman siya sa ugali nito dahil kung hindi ay tiyak na magkakapikunan sila nito.
Tumawa pa ito bago siya sineryoso. "Ikaw naman hindi na mabiro. May balita ka ba dyan?"
![](https://img.wattpad.com/cover/261459019-288-k535235.jpg)
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An Agent
Romance(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Alexander Lopez o mas kilala bilang Xander. Isang magaling at mahusay na NBI agent na magpapanggap at papasok bilang personal driver ng isang maganda at sikat na CEO na si Althea Jimenez. Dahil nasa panga...