Ngayong araw gaganapin ang pagdiriwang sa mansion ng mga Bartolome. Kaya maaga pa lang ay abala na si Xander. Umalis ito ng bahay nila habang natutulog pa si Althea at hindi na siya nag-abalang gisingin pa ito. Sa halip ay pinaglutuan na lamang niya ito ng pagkain upang may kainin itong agahan.
Nag-iwan din si Xander ng note kasama ang cellphone nito upang tawagan si Althea dahil siguradong magiging abala siya sa mga Bartolome.
Nang mabasa ni Althea ang note na iniwan ni Xander para sa kanya ay agad na kumurba ang ngiti sa kanyang mga labi.
Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng side table at pumunta na siya sa kusina upang kainin ang hinanda nitong almusal.
Habang abala siya sa pagkain na niluto ni Xander ay tumunog ang cellphone ni Xander.
Nang sipatin niya kung sino ang tumatawag ay napangiti siya nang makitang numero iyon ni Ruiz. Ibig sabihin ay si Xander ito dahil sinabi nito sa note na tatawag ito gamit ang numero ni Ruiz o nang mga kasamahan nito doon.
"Hello."
"Misis ko, kumakain ka na ba?" Malambing na tanong ni Xander sa kabilang linya. Narinig pa niya ang pang-aasar ni Ruiz dito
"Hmm."
"How are you feeling? Pasensya ka na kung gagabihin ako ngayon." Ani nito, napangiti siya dahil sa pag-aalala nito sa kanya. Nitong mga nagdaang araw ay parating masama at mabigat ang pakiramdam niya. Gusto niya ay parating nakahiga at matulog.
"Okay lang. Basta uuwi ka ng ligtas at walang sugat."
"I will my wife. Mag-iingat ako para sayo."
"Dapat lang, kasi hindi talaga kita mapapatawad kapag may nangyari sayong masama."
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Xander kaya napangiti siya.
"Opo misis ko. I missed you already."
Ngayon ay siya naman ang natawa. Sandaling oras pa lamang sila naghihiwalay ngunit nasasabik na agad ito sa kanya. Sabagay kahit siya ay ganon din ang nararamdaman.
Agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha at bahagyang namula pa ito.
"Ako din naman. Miss na kita." nakagat niya ang ibabang labi bago muli siyang nagsalita. "Huwag kang lalapit sa mga babae dyan ah. Lagot ka talaga sa akin!" Pababanta niya dito na umani ng halakhak mula kay Xander.
"Opo misis ko. Takot ko lang sayo." Tumatawang ani ni Xander.
"Aba! dapat lang. Kapag nagloko ka puputulin ko talaga yang sundalo mo!"
Napapailing habang nakangiti si Xander. Natatawa namang nakatingin si Ruiz sa kanya. Alam niyang pinagtatawanan siya nito dahil sa pagiging cheesy niya. Pero ano ba ang magagawa niya. Kapag si Althea na ang pinag-uusapan lumalabas talaga ang pagiging ganon niya.
"Sige na misis ko, may gagawin na ako. Huwag kang masyadong magpakapagod okay." Bilin niyang muli kay Althea.
Gabi pa lang ay binilinan na niya ito na huwag kumilos ng kumilos dahil napapansin din niya ang panghihina nito. Sinabihan niya ito na magpahinga na lamang maghapon.
"Opo mister ko."
"Good. Kapag may libreng oras ako mamaya tatawagan ulit kita o padadalhan ng mensahe. Ingat ka dyan misis ko."
"I will. Ikaw din ingat ka."
"I love you wife."
"I love you too hubby."
BINABASA MO ANG
(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An Agent
Roman d'amour(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Alexander Lopez o mas kilala bilang Xander. Isang magaling at mahusay na NBI agent na magpapanggap at papasok bilang personal driver ng isang maganda at sikat na CEO na si Althea Jimenez. Dahil nasa panga...