Chapter 22

2.1K 82 6
                                    

Matapos ang nangyaring pagtatangka sa buhay ni Althea ay tuluyan ng humilom ang mga natamo niyang sugat.

Inalagaan siya ng husto ni Xander. Halos ayaw na rin nitong umalis sa tabi niya. Lahat ng gusto niya ay sinusunod nito. Daig pa niya ang prinsesa kung ituring.

Nitong mga nakalipas na araw ay pakiramdam niya na may kakaibang nangyayari sa katawan niya. Ngunit hindi niya ito pinagtutuunan ng panahon.

Madalas din ay nakahiga lamang siya dahil parati siyang inaantok. Nagigising din siya sa umaga na bumabaliktad ang sikmura at sumusuka siya. Pa-iba iba rin ang mood niya at hindi niya alam kung bakit ganon.

Minsan na siyang inalok ni Xander na magpa-check up ngunit tinaggihan lamang niya ito. Bukod sa gastos na ay ayaw niyang makaabala pa sa asawa.

Habang abala si Althea sa pagtutupi ng kanilang damit sa loob ng kwarto ay pumasok si Xander. Sumandal ito sa gilid ng pinto habang nakahalukipkip ang mga braso.

Nakangiti ito habang itinataas baba ang kilay. Napakunot naman ang noo ni Althea dahil sa inasal nito.

"Bakit parang ang saya mo ata mister ko?" Tanong niya habang patuloy sa pagtutupi ng damit.

"Syempre naman kasi may date kami ng misis ko. Iyon eh kung papayag siya." Ani ni Xander. Lumapit ito sa tabi ni Althea at yumakap mula sa tagiliran niya. Isinubsob pa nito ang mukha sa leeg ni Althea kaya napahinto ito sa pagtutupi ng damit.

Hinaplos niya ang mga braso ni Xander na nakayakap sa beywang niya.

"Hmm! At saan mo naman ako dadalhin, aber?"

Mahinang natawa si Xander habang nakabaon pa rin ang mukha sa leeg nito.

"Kahit saan. Kahit sa langit pa. Yon nga lang, hindi tayo aalis ng kwarto kapag langit ang pinili mo." Makahulugang ani ni Xander.

Natigilan si Althea at mariing inisip ang sinabi nito. At nang maintindihan niya ang ibig nitong sabihin ay agad siyang nakaramdam ng pag-iinit ng mukha.

"Xander!" Saway niya dito bago niya hinampas ng mahina ang mga braso nito kaya humagalpak ng tawa si Xander.

"Ano langit ba ang pipiliin mo? Gusto mo ba umpisahan na natin? Para maaga pa lang nasa langit na tayo." Biro nito sa kanya kaya iniiwas niya ang mukha dito dahil malamang ay nangangamatis na ito sa pula.

"Ewan ko sayo. Ngayon ko lang napatunayan na may pagkamanyakis ka rin!" Inis nitong ani na lalong nagpatawa kay Xander.

"Misis ko, masisisi mo ba ako kung tinitingnan pa lang kita tinitigasan na ako. And besides, sayo lang naman ako ganito. Ikaw lang ang minamanyak ko..." Tumatawa pa rin nitong ani.

"At talagang proud ka pa ah. Wala kang kapaguran. Talagang totoo ata yung kasabihan na kapag pulis matulis."

Tumatawang yumakap ito kay Althea habang hinahalikan nito ang leeg niya patungo sa mukha. Humahagalpak pa rin ito sa pagtawa kaya natawa na rin si Althea.

Napahiga na silang pareho at halos pareho rin huminto sa pagtawa. Natahimik sila ng ilang segundo ng muling magsalita si Xander.

"Let's have a date. Gusto kong gumawa ng masasayang memory kasama ka. Yong hindi mo makakalimutan kahit bumalik pa ang alaala mo."

Tumingin siya kay Xander at hinaplos niya ito sa pisngi. Nginitian niya ito bago siya tumango upang sumang-ayon sa nais nito.

"Talaga?" Nakangiting tanong ni Xander. Muling tumango si Althea kaya mabilis itong bumalikwas at dumagan sa ibabaw niya.

"Sabi mo yan walang bawian." Masayang ani ni Xander bago niya sinakop ang mga labi ni Althea.

MAGKAHAWAK kamay sila habang nasa loob ng sasakyan. Buong biyahe ay nakangiti lamang si Xander kaya natatawa na lamang si Althea dito. Para kasi itong bata na pinagbigyan sa gusto nito.

(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon