Special Chapter

2.8K 112 29
                                    

"Waahhhh!!! Dad si kuya oh, so madaya!" Reklamo ng bunsong anak nila na si Alexa.

Kasalukuyan silang naglalaro ng PS5 sa game room ng bahay nila kasama ang tatlo niyang anak.

Pinagkalooban sila ng tatlong anak ni Althea. Si Alexus Drei ang panganay nilang anak na nasa edad bente na. Si Axel Nixx naman ay deise siyete at ang nag-iisang babae at bunso na si Alexandra ay kinse anyos.

Tulad ng ipinangako nila sa isa't-isa noon ni Althea ay sinikap nila na maging masaya at maayos ang pamilya nila.

Binusog nila sa pagmamahal ang tatlo nilang anak. At ibinigay nila sa mga ito ang lahat ng pangangailangan ng mga ito.

Lumaking mabubuting bata ang mga anak nila. Si Alexus ay nagmana kay Althea. Wala itong hilig makihalubilo kahit kanino. Tanging sa mga matatalik na kaibigan lamang ito nakikisalamuha. At tulad nila noon ng mga kasamahan at kaibigan niya ay naging kaibigan din ng mga anak niya ang naging anak ng mga ito.

Mahilig magkulong sa loob ng kwarto si Alexus. Tahimik ito at hindi palasalita. Masaya na ito kapag may bagong libro, dahil hilig nito ang magbasa.

Habang si Axel naman ay kabaligtaran ni Alexus. Masasabi niyang nagmana ito sa kanya. Maging ang mga hilig niya ay namana din nito. Mahilig din ito sa kung ano ang interes niya.

Kapag itinatanong nila noon kung ano ang gusto nito paglaki ay laging sagot nito na gusto nitong maging isang magaling na sundalo o agent tulad niya. Ang akala nila ay magbabago ang gusto nito ngunit nagkamali sila dahil habang lumalaki ito ay lalo nilang nakikita na ito ang susunod sa yapak niya. Habang si Alexus ay nahihilig sa business. Parati itong sumasama sa tito Istong nito kapag pupunta ito sa kompanya.

Habang si Alexa ay hindi nila alam kung saan ba nagmana ang kaartehan nito. Masyado itong maarte, lahat ata ng kaartehan sa katawan ay nakuha na nito. Ang ipinagtataka nilang mag-asawa ay kung kanino ba ito nagmana dahil malabong sa ina niya nakuha ang kaartehan. Introvert at tahimik na tao si Althea, simple lamang ito kahit galing sa mayamang pamilya. Lalong hindi nagmana sa kanya dahil hindi naman niya ugali ang mag-inarte kaya minsan ay hindi nila maiwasang biruin ito na baka napalitan na ito sa ospital noong araw na ipanganak ito.

"What?! Galingan mo kasi." Pang-aasar naman ni Axel sa kapatid.

"Kuya Lexus please help me....! I'm gonna die...! My god kuya Axel, If I'm gonna die, I will multo multo you." Conyong ani ni Alexa. May kasama pang pagtili kapag nagsasalita ito.

Napailing na lamang si Xander dahil narinig na naman niya ang maarteng pananalita ng anak niyang bunso.

Natatawang pinagmamasdan niya ang mga anak na masayang naglalaro at nag-aasaran sa isat isa.

"Wooohhh!!! I win!" Masayang sigaw ni Axel. Nanalo ito kaya busangot na busangot si Alexa.

Tumayo si Alexa at padabog na binitawan ang joystick. "Ayoko na. Parati na lang akong talo." Nakasimangot nitong ani.

Tinawanan lamang ito ni Axel bago humarap sa kuya nila.

"Ano kuya, ikaw naman? Baka umiyak ka rin?" Mayabang na tanong ni Axel kay Lexus.

"Beat me if you can." Nakangising ani ni Alexus sa kapatid.

"Go kuya Lexus. Kick his ass."

"Alexa, mind your words."

Sabay sabay silang napatingin sa pinto kung saan naroroon ang maganda niyang asawa.

Walang kupas ang ganda nito. Kahit nadagdagan ang edad nila ay nanatali itong maganda. Mas gumanda pa nga ito sa paningin niya.

(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon