Chapter 10

2K 75 4
                                    

Nang magising si Althea ay wala na si Xander. Gabi pa lang ay nagpaalam na ito sa kanya na sasama sa ama nito at sa mga kapit bahay na papalaot upang mangisda.

Kaya naman sumama na lamang siya kina Sally at Maria patungo sa batis upang doon ay maglaba.

Naisipan din nila na maligo sa batis kasama ang mga kadalagahan sa lugar.

Sa lumipas na dalawang buwan ay nasanay na siya sa pamumuhay sa lugar kung saan sila nakatira ni Xander ngayon. Hindi siya nahirapan na makibagay sa mga tao dahil mababait ang mga ito sa kanya.

Hindi rin siya nanibago dahil parating nariyan si Xander upang alagaan siya at ibigay ang lahat ng pangangailangan niya.

Kahit wala siyang natatandaan sa nakaraan niya ay hindi naman naglihim si Xander sa kanyang tunay na pagkatao.

Masaya din siya nang malaman niya na isa itong alagad ng batas. At napag alaman din niya na pumasok itong driver sa kanya upang bantayan siya. Nalaman din niya na isa siyang business woman at may pinamamahalaan siyang kompanya na pansamantalang ang tiyahin niya ang namamahala dahil sa sitwasyon niya ngayon.

Lahat ay sinabi sa kanya ni Xander kaya kahit papaano ay nakikilala niya ang kanyang sarili.

Hindi rin nakapagtataka kung bakit wala siyang alam na gawain sa bahay. Kahit ang magluto ay wala siyang alam.

Isang beses na sinubukan niyang magluto ay muntik ng masunog ang bahay nila dahil sa ginawa niya kaya hindi na niya ito inulit pang muli.

Gusto niyang makatulong kay Xander sa mga gawaing bahay. Pakiramdam niya ay wala siyang kwentang asawa. Tanging pagwawalis at paghuhugas lang ng pinggan ang pinapayagan nito na ipagawa sa kanya.

Kahit pagod ito ay siya pa rin ang gumagawa ng lahat kaya pilit niyang pinag-aaralan ang lahat. Gusto niya itong pagsilbihan. Gusto niyang maging mabuting may bahay para dito.

Ultimo paglalaba ng damit ay ito ang gumagawa. Kaya pakiramdam niya ay wala siyang silbing asawa para dito.

"Ganito ang una mong gagawin Althea." Ani ni Sally sa kanya. Nagpapaturo siya ngayon dito kung paano magkusot ng damit habang naka upo sila sa batuhan sa ilog.

Malinaw at malinis ang tubig sa ilog. Galing ito sa bundok kaya malamig ito. Halos lahat ng taga roon ay dito naglalaba kahit mayroong poso ang bawat bahay sa lugar. Hindi rin ito gaanong kalayuan kaya maaari lamang itong lakarin.

Ginaya niya ang ginawa ni Sally. Kahit hindi siya marunog ay unti unti niyang inaaral ito upang huwag maging pabigat kay Xander.

"Ganito ba Sally?" Tanong niya dito habang dahan dahan niyang kinukusot ang damit na hawak niya.

"Yan ganyan nga. Lagyan mo ng konting pwersa para makuskos ng maigi." Sagot naman nito sa kanya.

"Dapat pala nag-aral ako ng mga gawaing bahay para kahit papaano ay may alam ako. Nakakahiya kay Xander." Nakabusangot niya ani.

"Ano ka ba. Hindi mo naman kasalanan na ipinanganak kang may gintong kutsara sa bibig. At saka lahat naman napag-aaralan. Kaya konting turo lang namin sayo, siguradong magiging marunong ka rin." Ani ni Maria na nagtatampisaw sa tubig.

"Tama si Maria, Althea. Hindi naman din kami marunong noong una. Syempre itinuro lang din sa amin ng mga magulang namin ang lahat. Kaya pasasaan ba't matututunan mo rin."

"At saka hindi naman nasusukat sa pagiging magaling sa gawaing bahay ang pagiging mabuting asawa. Basta ipakita mo at iparamdam mo lang sa asawa mo kung gaano mo siya kamahal sapat na iyon sa kanya. Actually bunos na lang kung marunong ka sa bahay." Mahabang paliwanag ni Maria sa kanya.

(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon