Chapter 17

2K 65 5
                                    

Mabilis lumipas ang apat na buwan. Sa ilang buwan nilang pamamalagi sa probinsya nila Xander ay mas lalo nilang nakilala ang isat isa.

Mas minahal nila at mas lumalim ang nararamdaman nila sa bawat isa. At ang planong pag amin ni Xander sa katotohanan ay parating hindi natutuloy. Iniisip na niya na baka hindi iyon ang tamang panahon upang malaman ni Althea ang totoo. Dahil hindi siya binibigyan ng pagkakataon na masabi iyon kay Althea. Na maitama niya ang kanyang pagkakamali.

Ang totoo ay takot din siya sa kalalabasan kung sakaling malaman nito ang totoo. Hindi rin niya alam kung kakayanin ba niya na mawala si Althea sa kanya once na magalit at iwan siya nito.

Ngunit hindi maalis mangamba ni Xander dahil alam niyang mas tumatagal ay mas lumalaki ang kasalanan at kasinungalingang kanyang binubuo.

Mas nagiging komplekado ang lahat. Kaya minsan ay hindi na nakakatulog sa gabi si Xander dahil sa pag-iisip.

Kinakain na siya ng konsensya niya. Halo halong emosyon na ang lumulukob sa kanya. At madalas din ay hindi na siya makatingin ng diretso sa mga mata ni Althea. At alam niyang nakaka halata na ito.

Maagang gumising si Xander upang paglutuan niya ng almusal si Althea. Alam niyang pagod ito dahil sa magdamag niyang pag angkin ng paulit ulit sa katawan nito.

Kahit kailan ay hindi siya magsasawa na paulit ulit itong sambahin dahil para sa kanya ay walang katumbas na ligaya ang mahalin at lubusang itong maangkin.

Matapos niyang magluto ay pumunta siya sa kwarto kung saan mahimbing na natutulog si Althea. Plano niyang ilabas ito ngayong araw. Simula nang tumira sila sa Mindoro ay hindi man lamang niya nai-di-date si Althea kaya naisip niyang ayain ito ngayong araw.

Nang makalapit siya dito ay umupo siya sa gilid ng papag. Napangiti siya nang matitigan ang maganda nitong mukha.

Nang dumako ang kanyang tingin sa mapupula nitong labi ay muli na naman siyang nakaramdam ng pag-iinit ng katawan. Iba talaga ang epekto sa kanya ni Althea. Tinitingnan pa lamang niya ito ay narereak na ang buong pagkatao niya.

Kalma lang Xander, baka naman hindi na makalakad yan. Bulong ng isang bahagi ng utak niya. Napapailing siya habang natatawa sa kanyang sarili.

Maganda si Althea at kahit sinong lalaki ay mabibighani sa ganda nito. Pakiramdam niya ay napaka swerte niyang lalaki dahil siya ang minahal nito.

"Misis ko!" Malambing niyang ani habang hinahaplos ang pisngi nito.

Paulit ulit din niyang hinalikan ang labi nito na medyo namumula at namamaga.

"Althea ko, bangon na po!"

"Hmm!" Ungol nito habang nakapikit at bahagyang nag-inat ang katawan.

"Let's have breakfast na wife. Halika na."

"Hmm, mamaya na... Inaantok pa ako. Tapos ang sakit pa ng katawan ko." Paos na pagrereklamo ni Althea.

Mahinang natawa si Xander dahil sa sinabi nito. Kaya nang marinig ni Althea na tumawa ito ay agad na nagmulat ang mata niya at tiningnan ng masama si Xander.

"Anong tinatawa tawa mo dyan? Kasalanan mo kaya ito. Wala kang kapaguran. Simula gabi hanggang madaling araw. Kung hindi mo pa narinig yung tilaok ng manok hindi ka titigil." Pag angil ni Althea kay Xander.

Humagalpak na ng tawa si Xander. Kita niya ang pamumula at inis sa mukha ni Althea.

"Wife, masisisi mo ba ako? Tinitingnan pa nga lang kita sumasaludo na ang sundalo ko sayo."

Lalong pinamulahan ng mukha si Althea kaya lalong tumawa si Xander. Nagtakip pa ito ng unan sa mukha.

"And besides, ako naman ang trumabaho magdamag. Nakahiga ka lang kaya habang inuungol ang pangalan ko." Pang aasar ni Xander dito. Naisip niyang biruin ito. Gustong gusto niya kapag naiinis ito habang namumula ang mukha.

(Agent Series Book 3) My Fake Husband Is An AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon