Chapter 4 (DM)

508 23 24
                                    

Steven's POV

Wala ako sa sarili habang mag-isang naghahapunan. Ilang araw na kasing hindi nagpaparamdam si Dani. Dapat ay pupuntahan ko siya nung Lunes ng gabi sa condo niya kaso bago pa ako makauwi galing trabaho ay bigla siyang nagtext na wag daw akong tumuloy dahil may bibisita sa kanya. Yun ang huling beses na nagparamdam siya. Pagkatapos nun ay hindi na niya sinagot ang kahit isa sa mga tawag at text ko. Ayoko naman siyang kulitin nang kulitin dahil baka magalit ulit at tuluyan nang tapusin ang ugnayan namin.

Sino kaya ang bumisita sa kanya? Paulit-ulit ang katanungang iyun sa utak ko.

"Dani, miss na miss na kita."

Wala nang ibang laman ang utak ko kundi siya lang mula umaga hanggang gabi. Kahit pa nga sa pagtulog ay nandun siya sa mga panaginip ko. Buong buhay ko ay ngayon lang ako naging ganito sa isang babae.

Natigil lang ako sa iniisip nang tumunog ang phone na nakapatong sa mesa. Tumatawag si Natalie.

"Oh napatawag ka?"

"Bigla kasi kitang namiss eh."

Napangiti ako. "Well, ang totoo namimiss na din kita."

"Talaga ba? Parang di naman halata. Bibihira na nga tayong magkita nitong mga nakaraan eh. Kapag inaaya ka namin ni Carl lagi ka na lang hindi pwede."

"Busy lang talaga---" kay Dani.

"Huweh?? Dati-rati naman ikaw 'tong laging nag-aaya na pumunta kami diyan sa bahay mo pero ngayon halos hindi ka na nagpaparamdam. Kung hindi ka pa namin ititext o tatawagan eh parang wala ka talagang balak. Teka. Baka naman may jowa ka nang hindi sinasabi sa'min?"

Natawa ako. "Oh sige. Babawi ako. Iti-treat ko kayo ngayong gabi. Kahit ano pa ang gusto niyo akong bahala. Nga pala bukas kung hindi kayo busy at kung gusto niyo, isasama ko kayo sa private resort namin."

"Wow! Talaga, Cly?" masiglang saad nito. "Saktong-sakto wala akong work bukas. Wala nang bawian yan huh?"

"Oo naman. Ikaw nang bahalang magsabi kay Carl at diyan na lang tayo magkita-kita sa condo mo. Sige. Magbibihis na ko. Bye."

"Okay. See you. Ba-bye."

Dali-dali kong iniligpit at hinugasan ang mga pinagkainan ko tsaka umakyat sa kwarto upang magbihis. Kailangan ko din 'to para kahit papano eh mawala sa isip ko si Dani.

Palabas na ko sa kwarto nang tumunog ang phone na nasa bulsa ng suot kong pants. Tumatawag siya. Agad ko iyung sinagot.

"Dani?"

"Steven! Steven..."

Paulit-ulit nitong binabanggit ang pangalan ko na tila wala sa katinuan kaya bigla akong nag-alala. "Dani? Are you okay?"

"Steven Clyde Wang! Bwisit ka talagang lalaki ka!"

May naririnig akong tunog na parang natutumbang mga bote.

"Hey, Dani? Are you drunk?"

"Gago! Puntahan mo ko dito sa bahay! Gusto ko nang mamatay, Steven! Hahaha!" Wala talaga ito sa huwisyo.

"Wait. I'll be there. Don't do anything stupid." I ended the call at dali-dali akong kumuha ng jacket, cap at face mask.

On my way papunta sa condo niya ay tinext ko lang si Natty na hindi na kami matutuloy. Kailangan ako ngayon ni Dani at talagang nag-aalala ako para sa kanya. Halos paharurutin ko ang sasakyan para lang makarating agad.

Nakailang beses kong pinindot ang door bell bago nagbukas ang pinto.

"Dani---"

Bigla ako nitong hinatak sa kwelyo ng damit tsaka sinunggaban ng halik sa leeg. Inalalayan ko siya at kaagad na isinara ang pinto dahil nag-aalala akong baka may makakita sa'min.

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon