Chapter 33 (Drunk)

415 19 49
                                    

Danielle's POV

"Ay wow! Nagluluto siya oh!" bungad ni George nang maabutan ako sa kusina.

Napangiti ako. "Ganyan ka na ba mag-greet ng 'good morning' ngayon?"

"Mula kasi nung Lunes eh lage kitang inaabutang nakamukmok sa kwarto mo kaya naninibago ako sa'yo ngayon, neng. Mukhang maganda ang gising mo. Teka... Pinapunta mo ba si Sir kagabi? Nandito pa ba siya ngayon?"

Napawi bigla ang ngiti sa mukha ko at mariin na napapikit. "George, pwede bang wag mo na siyang babanggitin sa harapan ko?"

Napakamot ito sa ulo. "Ay. Sorry, neng. Sige. Ihahanda ko na muna yung mga gamit mo---"

"Tapos ko nang gawin yun. Ihanda mo na lang ang la mesa. Kakain na tayo."

"Okay po, madam."

Hanggang makababa sa basement parking ay wala na ngang binanggit si George tungkol sa lalakeng yun kahit pa nga nakita naming nakaparada na naman ang sasakyan nito doon.

Habang nasa biyahe ay inabala ko ang sarili sa phone. Nang mapunta ako sa photos ay nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso. Mukhang kailangan ko nang burahin ang lahat ng pictures at mga alaala na meron kami dun ni Steven upang tuluyan ko na siyang makalimutan. Naka-organize ang mga iyun at nasa isang folder lang kaya hindi ako mahihirapang magbura.

Akmang pipindutin ko na ang delete button ay natigilan ako at nagdalawang-isip. May kung anong pumipigil sa'kin.

Napapikit ako at napabuntong-hininga.

Mamaya mo na lang i-delete, Danielle.

Hanggang sa hindi ko napigilan ang sariling isa-isang tingnan ang mga iyun. Kung dati ay napapangiti ako, ngayon ay nalulungkot ako sa mga nakikita. Sobrang saya namin dun sa mga larawan nung kasal-kasalan. Muli akong natigilan nang mapansin ang isang short video na parang hindi ko pa nakikita. I played it out of curiosity.

"Hi, Love. Sorry huh? Pinakialam ko 'tong phone mo habang tulog ka. Sana wag kang magagalit kapag nakita mo na 'to. Please? I love you," malambing na umpisa nito.

"Isang linggo mula ngayon limang buwan na tayong magkakilala. Hinding-hindi ko makakalimutan yung binyag ni MJ dahil yun ang araw na nakita't nakilala ko ang babaeng mamahalin ko nang sobra. Ang babaeng nagpatigil at bumago sa mundo ko. Ang babaeng nagpatibok sa puso ko nang napakabilis na akala ko eh inaatake na ko sa puso," sabay ngiti nito sa huli tsaka muling nagseryoso.

"Love, the first time I laid my eyes on you, dun pa lang nadekwat mo na kaagad ang buong pagkatao't puso ko kaya habang nabubuhay ako, ikaw lang ang mamahalin ko at kahit na ano pang mangyare," medyo emosyonal na saad nito tsaka saglit na tumigil.

"Anyways, maliban dun sa singsing eh may isa pa akong regalo sa'yo, Love. Actually, araw-araw ko 'tong binibigay sa'yo at never akong magsasawa na ibigay sa'yo... Ang SARILI KO," tsaka napangiti ito nang makahulugan.

"Sorry kung cringe at corny Love huh? Wala na kasi akong maisip na pwedeng ibigay sa'yo kundi ang sarili ko... Pero may isang bagay pa akong gustong ibigay sa'yo na sana tanggapin mo... Ang APELYIDO KO. Alam mo? Araw-araw kong ipinagdarasal at hinihiling na sana dumating ang araw na yan." Biglang nalungkot ang mga mata nito pero pilit na ngumiti.

"Sige na, Love. Masyado na yatang mahaba eh. Baka pagtawanan mo ko 'pag napanood mo 'to." Napakamot ito sa ulo.

"I think na pagtatawanan mo nga talaga ako dahil ang corny ko pero okay lang. Tanggap ko naman eh. Basta hinihiling ko lang na sana 'pag napanood mo 'to eh hindi mo ko kasama. Nakakahiya kasi eh." Napakamot na naman ito sa ulo tsaka bumuntong-hininga. "Mahal na mahal kita, Dani. Mahal na mahal."

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon