Chapter 15 (Caught)

542 18 34
                                    

Danielle's POV

Pagkalabas sa elevator ay sinalubong ng mahigpit na yakap ni Steven. Sobrang higpit...

"Masyadong kitang na-miss, Dani," bulong nito.

Mahigpit ko din siyang niyakap. "Na-miss din kita."

Ba't pakiramdam ko parang may kakaiba ngayon kay Steven?

Kumalas ako sa yakap at bahagyang lumayo upang makita ang hitsura niya. Tinanggal ko muna ang hood ng jacket at pati ang suot kong cap at face mask. Sinuri ko ang kanyang mukha. Parang may kung anong kumirot sa puso ko.

"Umiyak ka ba?" Ang mga mata niya kasi...

"Hindi. Napuwing lang ako, Love."

Naningkit ang mga mata ko. Hindi ako kumbinsido sa sagot niya.

"Sigurado ka, Steven?"

"Oo, Love. Napuwing lang talaga ako," malambing na sagot nito. Marahan pang hinaplos-haplos ang magkabila kong pisngi.

"Hangga't kasama mo ko, walang ibang pwedeng manakit sa'yo, Steven. Naiintindihan mo?" maawtoridad kong sabi.

Tumango lang ito.

Binitawan ko ang hawak kong cap at face mask tsaka sinibasib siya ng halik sa labi.

Dahil ako lang... Ako lang ang pwedeng manakit sa'yo!







Mahimbing pa ang tulog ni Steven nang magising ako madaling-araw. Pinakatitigan ko nang maige ang mukha niya. Nitong mga nakaraan ay lagi siyang laman ng mga panaginip ko at hindi ko alam kung bakit.

Steven...

Kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko habang pinagmamasdan ang mukha niya. Maya-maya ay naisipan kong bumangon kaya dahan-dahan akong umalis sa kama. Kumuha ako ng robe at isinuot.

Saglit ko muna siyang pinagmasdan habang nakangisi. Umiiral na naman kasi ang kapilyahan ng utak ko.

Iinom lang ako ng gatas sa ibaba. Humanda ka pagbalik ko, Steven.

Balak ko siyang tadtarin ng halik hanggang sa magising kagaya ng lagi kong ginagawa.

Sumaglit lang ako sa kusina para kumuha at uminom ng gatas. Habang paakyat sa hagdan ay pakanta-kanta ako. Well, maganda kasi ang mood ko.

Didiretso na dapat ako sa kwarto ngunit nasipat ko ang pinto ng office niya na bahagyang nakauwang. Mukhang nakalimutan niyang isara iyun.

Akmang papasok na ako sa kwarto ay may nagtulak sa'kin na pumunta sa office nito. Nang makapasok ay kaagad kong binuksan ang ilaw at nilibot ng tingin ang loob.

Napangiti ako nang makita ang mga naka-display na larawan doon.

Ang cute-cute niya talaga kahit noong bata pa.

Sa kwarto niya ay walang naka-display na larawan nung bata pa siya. Pangalawang beses ko pa lang na nakakapasok sa office niya at ngayon ko lang nabigyang-pansin ang mga larawan dito.

Nagtagal ang tingin ko sa lalaking kasama niya sa picture. Mukhang iyun ang Daddy niya.

Teka... Ba't parang pamilyar? Parang nakita ko na siya before... Pero hindi ko maalala. Basta pamilyar talaga...

Sa huli ay nagkibit-balikat na lang ako. Patay na din naman ang Daddy niya kaya wala nang saysay kung sakaling maalala ko man iyun. Tsaka baka kahawig lang.

Bumaba ang tingin ko sa drawers ng desk. Naisipan kong tingnan ang mga laman nun.

Why not?

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon