Chapter 23 (Reunited)

527 18 6
                                    

Danielle's POV

Mahimbing na ang tulog ni Steven samantalang ako kahit pagod na ay hindi pa dinadalaw ng antok. Ang dami kasing gumugulo sa utak ko. Mula nang marinig ko kaninang umaga ang naging pag-uusap nila ni ate Dianne sa condo ay kung anu-ano na ang naiisip ko.

Yup! Ang halos buong pag-uusap nila ay narinig ko.

Hindi ko napigilan ang sariling haplusin ang mukha ng taong nakaunan sa braso ko habang maiging pinagmamasdan.

Ano ba talaga ang nangyari noon? Bakit si ate pa ang humingi ng tawad at hindi ikaw, Steven? Si ate ba ang may kasalanan?

Napabuntong-hininga ako. Sa totoo lang ay gusto ko pa sanang makinig kanina pero may kung anong nagtulak sa'kin na tapusin na ang pag-uusap ng dalawa. Hindi ko na kasi nagugustuhan yung mga naririnig ko. Sa paraan ng pag-uusap nila ay mukhang mas close pa siya kay ate kumpara kay Natalie.

Ok! Fine! Naiinggit ako kung paano nila tawagin ang isa't isa. Bwisit!

I just managed to calm myself bago ko sila hinarap. Ayoko kasing magpahalata lalo na kay ate. Sa kagustuhan ko tuloy na hindi mahalata ay hindi ko na naman napigilan ang sariling maging sweet kay Steven kahit nakaharap pa ang kapatid ko.

Pero nung sabay na kaming naliligo ay doon ko inilabas ang sobrang pagkagigil ko. Muntik ko pa nga siyang masugatan sa balikat nang kagatin ko iyun. Medyo marahas ang naging paraan ko ngunit hindi man lang siya nagreklamo at mukhang nagustuhan pa nga. Sabagay, lahat naman ng ginagawa ko sa 'twing nagtatalik kami ay nagugustuhan niya.

May sumagi sa isipan ko. Paano kaya kapag nagsama-sama kaming apat? Ano kaya ang mararamdaman ko? Masasaktan ba ako? Magseselos? Magagalit? Maiinis? HAYYYY!!!

Napailing ako at muling napabuntong-hininga.

"Dani..." usal niya at lalong humigpit ang pagkakayakap.

Napangiti ako. Mukhang kahit sa panaginip ay ako pa rin ang pipiliin niya. Sa simpleng paraan niyang iyun ay kumalma ang kalooban at isipan ko.

"Steven... Love," bulong ko sa tenga niya tsaka kinagat-kagat iyun hanggang sa tuluyang magising.

"Love," namamaos na sambit niya pagkamulat ng mga mata.

"Hindi ako makatulog, Love."

"Teka. Madaling-araw na yata ah?"

"Anong magagawa ko eh sa hindi nga ako makatulog?" pag-iinarte kong sabi.

"Nabitin ka ba, Love?" malambing niyang tanong habang hinahaplos ang buhok ko.

"Hindi. Nasobrahan nga yata kaya hanggang ngayon eh hindi pa ako dinadalaw ng antok."

"Huh? Eh anong gusto mong gawin ko?"

"Ewan. Hindi ko alam, Love." May ideyang pumasok sa utak ko. "Siguro kantahan mo na lang ako Love hanggang sa makatulog ako."

Nanlaki ang mga mata niya. "HUH??!!"

"Bakit? Ayaw mo?" kunwari nagtatampo kong sabi.

Napakamot ito sa ulo. "A-anong kanta ba ang gusto mo?"

Napangiti ako. "Kahit ano Love basta yung alam mong kantahin."

"Sige. Sandali lang, Love. Mag-iisip ako."

"Bilisan mong mag-isip, Love," atat kong sabi.

"Oo, Love. Heto na. May naisip na ko."

Ilang beses muna itong tumikhim bago nag-umpisa. Pinipigil ko ang matawa dahil halatang kinakabahan at nahihiya ito.

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon