Chapter 47 (Plan)

435 18 60
                                    

Steven's POV

Mahimbing pa ang tulog ni Dani nang makauwi ako. Pinagod ko ba naman kagabi at kanina paggising. Pero bago ko siya iwan kanina ay pinakain ko muna ng almusal.

Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang nakadapa ng higa at natatakpan ng comforter ang hubad na katawan.

Hindi pa rin ako makapaniwala na sa'kin ka na, Dani... Na asawa na kita...

Napabuntong-hininga ako sa isiping iyun.

Paano ko kaya sasabihin sa'yo na totoo yung kasal natin? Magagalit ka kaya kapag nalaman mo?

Muli akong napabuntong-hininga at bahagyang nalungkot.

Paano ko kaya sasabihin sa'yo yung mga nalaman ko mula kay Vanessa?

Mahina itong napaungol.

"Steven... Love," usal nito.

Napangiti na naman ako at nagmadaling hinubad ang suot na suit at sapatos tsaka dahan-dahang sumampa sa kama.

Marahan kong hinaplos ang buhok niya habang nakatitig sa mukha.

"Sobrang ganda mo talaga, Love," mahina kong sambit.

Nang hindi ako makatiis ay pinasadahan ko siya ng halik mula sa noo pababa sa dulo ng ilong hanggang sa mga labi.

"Love?" namamaos niyang sambit at napakusot sa mata. "Andito ka na. Sandale. Anong oras na ba?"

"Oras na para sumiping," pilyo kong sabi.

Susunggaban ko na dapat siya sa mga labi ngunit marahan niya akong itinulak sa dibdib.

"Hoy. Teka lang, Love. Gusto ko pang matulog... Puro sex na lang ang gusto mong gawin eh."

"Grabe ka naman kung puro sex lang, Love."

"Oo. Ganun ka eh. Nakakapagpahinga lang yata ako kapag may period ako eh."

"Hindi kaya, Love. Pareho lang tayong madalas mag-aya ah."

Umunan ito sa dibdib ko at ipinikit ang mga mata. "Hindi ka ba nagsasawa, Love? Ako kasi nagsasawa na eh."

"Huh?? Talaga?? Nagsasawa ka na??"

Napangiti ito at binuksan ang mga mata. "Joke lang."

Napunta ang mga daliri nito sa baba ko at nilaru-laro iyun.

"Ba't nga pala andito ka na? Parang ang aga pa ah."

"Namiss kasi kita agad, Love."

Matamis siyang ngumiti. "Pero alam mo? Istorbo ka. Ang sarap kaya ng tulog ko dahil nakikipag-sex ako sa panaginip ko----kay Lance."

Pinaningkitan ko ito ng mata. "Anong sabe mo?"

"Ang sabe ko nakikipag-sex ako kay Lance sa panaginip."

"At talagang inulit mo pa ah!"

Napatili siya nang bigla kong yakapin at iginulong kaya ako na ang nasa ibabaw.

"Kanino ka ulit nakikipag-sex?" nanghahamon kong tanong.

Pilya itong ngumiti at inilingkis ang mga binti sa baywang ko.

"Kay Lance," mapanghamon din niyang sagot tsaka tinitigan ako nang makahulugan. "Tingnan nga natin kung sino ang mas magaling sa inyong dalawa."

"Love---"

Hinigit niya ko sa batok at inangkin ang mga labi. Halos ayaw niya akong bigyan ng pagkakataong huminga.

"Love----totoo bang----si Lance----ang ka-sex mo-----sa panaginip?" tanong ko sa pagitan ng makaubos hanging halik.

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon