Chapter 34 - B (Courage)

497 26 22
                                    

Danielle's POV

Sa di malamang dahilan ay dumulas na lang sa kamay ko ang hawak na basong may lamang alak kaya nabasag iyun sa sahig. Pupulutin ko na sana ngunit maagap akong napigilan ni Lance.

"Masusugatan ka, Dan," nag-aalalang turan nito. "Ako nang bahala diyan. Maupo ka lang."

Mabilis itong nagtungo sa kusina. Hindi ko maintindihan pero biglang bumilis ang pagkabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako na parang ewan.

"Steven," lumabas na lang sa bibig ko nang hindi nag-iisip.

Napahawak ako sa dibdib dahil mas lalong bumilis ang kabog nun.

"Okay ka lang, Dan?" untag ng kasama ko.

"Huh?? Ah. Oo. Okay lang," tsaka pilit akong ngumiti.

Mag-iisang oras na ang lalaking 'to dito sa bahay ko. Napilitan akong papasukin dahil ginamot ko ang sugat sa labi nito na si Steven ang may gawa. Pagkatapos ay inaya ko na lang na uminom. Wala naman akong balak maglasing ulit. Iinom lang ako hanggang sa antukin.

Sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala sa ginawa niya kanina. Nawawala pala siya sa katinuan kapag nagseselos. Pero hindi mawala-wala sa utak ko ang kanyang hitsura at pati ang mga sinabi niya bago umalis at paharurutin ang sasakyan. Aminado naman akong sobra ko siyang nasaktan kaya ngayon ay nakokonsensya at nagsisisi ako. Minsan talaga ay hindi ko napipigilan ang sarili.

Ginawa ko lang naman ang mga yun para magalit siya sa'kin at layuan na ako. Pero napagtanto ko na nasobrahan masyado.

Totoo nga kaya ang sinabi niya? Na hindi ko na siya makikita kahit kelan?

Napasandal ako sa sofa.

Kapag ba nalasing ako ulit at nagawa siyang tawagan eh hindi na niya ko pupuntahan? Makakaya niya na akong tiisin na kagaya ng ginagawa ko sa kanya ngayon?

Napailing ako. Mas lalo yata akong nalungkot at natakot sa ideyang iyun.

Paano nga kaya kung tuluyan na siyang mawala sa'kin dahil sa mga sinabi't ginawa ko? Kaya ko ba talaga? Danielle, ano na? Worth it ba lahat ng 'to??

Sabay kaming napatingin ni Lance sa pinto nang bumukas iyun.

"Ate, kuya," sambit ko.

Rumehistro agad ang galit sa mukha ni kuya DM nang mapatingin sa kasama ko.

"Bakit nandito ang tukmol na yan? Si Steven ang inaasahan kong makitang kasama mo at hindi ang gagong yan!" sabay duro nito kay Lance.

"Kuya, wag ka namang ganyan," malumanay na suway ni ate Dianne pagkasara ng pinto.

"Lance, ang mabuti pa umuwi ka na," baling ko dito tsaka tumayo para lumapit sa mga kapatid ko. "Ba't hindi niyo kasama si kuya DJ?" pang-iiba ko.

"May lagnat," sagot ni kuya DM pero diretso pa rin ang matalim na titig kay Lance. "Anong ginagawa niyan dito?" tanong nito sa'kin.

"Napadaan lang siya dito, kuya," pagsisinungaling ko.

"Napadaan lang? Eh ba't pinapasok mo at mukhang nag-iinuman pa kayo?"

Hindi ako sanay sa ganitong aura at pakikitungo ni kuya DM. Pati yata sa'kin ay naiinis ito.

"Tsaka alam ba 'to ni Steven?"

Napalunok ako dahil hindi ko alam ang isasagot. Paano ko ba ipapaliwanag ang mga nangyayari? Knowing him ay siguradong hindi ako nito kakampihan at magagalit pa sa'kin.

"Danielle?" untag nito.

Sasagot na dapat ako pero nabaling ang atensyon namin sa pagtunog ng doorbell.

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon