Chapter 53 (Weird)

659 23 165
                                    

Steven's POV

Kinakabahan ako at natatakot dahil sa paraan ng paghagulgol niya pero pilit kong ikinalma ang sarili at hinagud-hagod ang kanyang likod.

"Lo---ve, Ste---ven," nahihirapan niyang sambit.

"Sssshhhhh. Tahan na, Love. Andito na ko."

Ano bang nangyayari? Oh God. Kinakabahan ako.

Nang bahagya siyang kumalma ay itinapat ko ang kanyang mukha at pinunasan ang mga luha.

"Ano bang nangyare, huh?" mahinahon kong tanong.





































































































































































"Yung tv, Love," sabay nguso.

Nang mapatingin ako sa nginunguso niya ay doon ko lang napansin ang basag na screen ng tv na parang binato ng kung anong matigas na bagay at yung basag na mug sa sahig.

"Teka. Ba-Bakit---"

"Nakakainis yung pinapanood ko, Love," parang bata niyang sumbong habang niyuyugyog ang balikat ko.

"Huh??"

"Binato ko yung tv sa sobrang gigil ko! Nakakainis talaga! Namatay yung bidang lalake, Love. Hindi ko yun matanggap."

Muli siyang umiyak at sinuntuk-suntok ako sa dibdib.

"Hindi dapat namatay yung bidang lalake. Happy ending dapat yun, Love."

Hindi ko alam kung anong gagawin o kung paano siya sasagutin.

Yun lang pala ang iniiyakan niya???

"Love, baka kilala mo yung writer o di kaya yung director tapos yung producer din, Love. Pagawan mo ng part 2 o book 2. Sabihin mo buhayin yung lalake o di kaya meron siyang kakambal. Sige na, Love. Please??? Hindi ko talaga matanggap yung ending."

Humagulgol na naman siya kaya niyakap ko ulit.

"Oo. Sige. Sige. Gawan naten ng paraan," sagot ko para lang tumigil na siya sa pag-iyak.









Nang tuluyang mahimasmasan ay patigilid ko siyang ipinaupo sa kandungan ko.

"Paano yung tv, Love?" malungkot niyang sabi.

"Okay lang yan, Love. Bibili na lang tayo ulit ng bago," nakangiti kong sagot.

"Eh gusto ko na ulit manood ngayon, Love," pagmamaktol niya.

"Doon ka na lang sa kwarto manood, Love."

Kumislap ang mga mata niya. "Oo nga pala. Tara na, Love. Akyat na tayo."

"Asan na muna ang kiss ko?"

Matamis siyang ngumiti tsaka sinunggaban ako sa labi ngunit bago pa iyun lumalim ay tinapos niya na kaya nabitin ako.

"Ice cream," sambit niya. "Yung pinabili kong ice cream kagabe dalhan mo ko sa kwarto Love huh?" Tumayo na siya. "Bilisan mo na diyan. Hintayin na lang kita sa kwarto."



Naiwan akong napapailing. Naalala ko ang nangyari kahapon nang makauwi kami galing El Nido, kung saan idinaos ang kasal namin.

Natulog agad siya pagdating at inabot hanggang alas siete ng gabi. Sobrang himbing ng tulog niya kaya di ko na inistorbo. Tapos nang magising siya ay ube flavor na ice cream ang hinanap kaya binilhan ko ng marami.















There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon