Chapter 21 (Condo)

579 20 4
                                    

Danielle's POV

Sa pagmamadaling makauwi ay halos paharurutin ko ang sasakyan. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga luhang dumaloy mula sa mga mata ko. Paulit-ulit ko iyung pinunasan gamit ang kamay dahil nanlalabo ang paningin ko at sagabal iyun sa pagmamaneho.

"Tangina! Stop crying, Danielle! Gusto mo bang madisgraya?!" naiinis kong suway sa sarili. "Stop it, Danielle! Hindi ikaw 'to!"

Pinilit kong pakalmahin ang sarili kahit mahirap gawin dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman.

"Tumigil ka na sa pag-iyak! Uuwi ka na nga, di ba?!"

Pagka-park ng sasakyan ay mabilis kong inayos ang sarili sa salamin bago lumabas. Nagmadali akong tumungo sa condo unit ko. Alam kong hindi pa umaalis si Steven dahil nasa basement parking pa rin ang kotse nito. Baka ngang wala talaga itong balak na umalis at hinihintay lang ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. May kung anong pumiga sa puso ko nang makita si Steven. Nakasalampak ito ng upo sa sahig at nakasandal sa sofa. Hindi na ito umiiyak pero parang wala sa sariling nakatingin sa kawalan.

"Steven," mahina kong tawag.

Nang mapatingin sa gawi ko ay tila nabuhayan. "Dani..."

Isinara ko na muna ang pinto bago ko pa iyun makalimutan. Kaybilis nitong nakatayo at nakalapit tsaka niyakap ako nang mahigpit.

"Steven---"

"Bumalik ka. Bumalik ka..." paulit-ulit na saad nito na parang bata at umiiyak na naman.

Hinagud-hagod ko ang likod nito. "Sssshhhh... Wag ka nang umiyak... Hindi naman pwedeng hindi ako bumalik dahil bahay ko 'to," biro ko sa huli.

Mas lalong lumakas ang mga iyak nito. "Ta-talaga bang pu-pumunta ka s-sa condo ni Lance?"

"Oo pero umalis din naman ako agad pagkatapos naming mag-sex."

Bahagya nitong inilayo ang katawan upang pagtapatin ang aming mukha.

Napangiti ako dahil sa reaksyon nito. "Joke lang! Hinding-hindi ko yun gagawin noh? Oo pumunta nga ako pero umalis din ako agad. Kaya wag ka nang umiyak." Gamit ang mga kamay ay pinunasan ko ang mga luha nito sa mukha.

"Ta-talaga?"

Tumango ako. "Sorry," seryoso kong saad na diretso ang tingin sa mga mata habang hinahaplos ang magkabilang pisngi nito.

"Sorry din, Love."

Nginitian ko siya tsaka dinampian ng halik sa labi.

"I love you, Dani," tsaka ito naman ang tumawid sa pagitan ng aming mga labi.

Napakagaan at napakasuyo ng mga halik niya at parang ayaw ko na iyung matapos. Kaya nang magtangka siyang lumayo ay mabilis kong nahabol ang mga labi niya. Sa una ay napaka-gentle lang ngunit hindi nagtagal ay pareho na kaming naging mapusok. Hanggang sa buhatin niya ako at awtomatikong umangkla ang mga binti ko sa kanyang baywang. Nahulog na nga ang sling bag sa sahig pero hinayaan ko lang.

"I want you so bad, Dani," saad nito sa pagitan ng aming mapupusok na halik.

"Just shut up and do it!"

Naglakad na ito patungong kwarto. Alam kong nangangapa ito sa paglalakad dahil talagang hindi ko tinatantanan ang mga labi pero wala akong pakialam. I want him so bad too.

Hindi pa man kami nakakapasok ay gumalaw na ako.

"Hmmmm... Wait lang, Love."

"Fuck! Bilisan mo kasi, Love!"

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon