Chapter 40 (Lunch)

570 18 92
                                    

Steven's POV

Habang kumakain ay pansin ko ang makahulugang ngiti at tinginan ng mga tao sa hapag-kainan kahit na may kanya-kanyang pinag-uusapan. Pagdating pa lang namin ni Dani ay napansin ko na kaagad iyun pero hinayaan ko na lang. Mas inaalala ko kasi siya dahil talagang gutom na. Tahimik nga lang kaming nagsusubuan at sa pagkain at sa akin lang talaga nakatuon ang atensyon niya.

Dito sa likod ng mansyon sa tabi ng pool nakaset-up ang mahabang table. Maganda at tahimik ang ambiance pero mukhang hindi niya iyun pansin at na-a-appreciate dahil halata ko talaga ang pagod at antok sa hitsura niya. Well, kasalanan ko iyun.

"Love, pwede umidlip muna tayo pagkatapos neto huh?" paglalambing niya pagkatapos akong subuan.

"Oo naman, Love," nakangiti kong sagot.

Napahikab siya at bahagyang pinisil-pisil ang batok na tila hinihilot.

"Bakit, Love? Masakit ba ang batok mo?"

"Hindi naman. Pagod lang ako, Love," tsaka na ngumiti.

Napahawak ako sa kanyang pisngi. "Sigurado ka ba, Love?"

Marahan siyang tumango tsaka ngumiti ulit. "Ikaw, Love? Okay ka lang ba?" Siya naman ang humawak sa pisngi ko at ang isang kamay ay sinuklay-suklay ang buhok ko.

Kinuha ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at hinalikan. "I'm okay. Gusto mong i-massage kita mamaya?"

"Wag na. Alam kong pagod ka rin kaya matulog na lang tayo. Mmmm?"

Nakangiti akong tumango tsaka ipinagpatuloy namin ang pagkain.

"Grabe noh? Tanghaling tapat. Tsk! Tsk! Tsk!" rinig kong turan ni kuya DM.

"Grabe nga eh," sagot ni kuya DJ. "Ganun ba talaga?"

"Mukhang ganun talaga eh."

Pinanlakihan ni Dianne ng mata ang dalawa. "Kumain na nga lang kayo diyan."

Saktong umiinom ako ng tubig nang may ibinulong si Mommy sa'kin. "Nak, hindi ba kayo nahirapan sa banyo kanina?"

Muntik ko nang mabulwak yung iniinom ko.

"Okay ka lang, Love?" nag-aalala niyang turan habang hinahagod ang likod ko.

Kaagad akong tumango.

"Dahan-dahan lang kasi, Love," sabay haplos sa pisngi ko.

"Oo nga, Steven. Dahan-dahan lang. Masyado pang maaga oh," makahulugang sabad ni kuya DM.

Muli itong pinanlakihan ng mata ni Dianne.

Teka. Malakas ang kutob kong pare-pareho lang sila ng tinutukoy nila Mommy.

Hindi kaya...

Napabaling ako sa kanya nang muli siyang humikab.

"Bunso, ba't parang sobra kang pagod at antok?" tanong ni kuya DJ na makahulugan na naman ang tingin.

Sinulyapan niya lang ito at nagkibit-balikat. Wala talaga siya sa mood. Pero nang bumaling sa'kin para subuan ako ay nagawa niyang ngumiti.

Nang matapos kumain ay napagkasunduan naming magpahinga muna saglit bago magpaalam para pumuntang kwarto. Hindi din naman kasi maganda ang matulog ng busog.

Umakbay ako sa kanya at siya naman ay yumakap sa'kin tsaka isinubsob ang mukha sa leeg ko.

"Love," mahina niyang tawag.

"Hmmm?"

"Maligo tayo mamaya huh? Nanlalagkit ako eh."

Napangiti ako. "Ang bango mo nga eh lalo na kapag pinagpapawisan. Gustong-gusto ko talagang inaamoy ang pawis mo, Love."

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon