Chapter 54 (Blessed)

540 20 65
                                    

Danielle's POV

Dalawang beses akong nagsinungaling sa asawa ko.

Una, ay yung nasa bathtub kami. Hindi totoo na hindi pa ako handang magkaanak. Yung araw na sinabi niyang gusto niya nang magka-baby ay yun din ang araw na itinigil ko ang pag-inom ng pills.

Pangalawa, ay yung matapos naming makausap si Vanessa sa office niya. Hindi totoo na ayokong magkaanak. Sinusubukan ko lang siya ng mga oras na iyun.

Mahal na mahal ko ang asawa ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay nabago ang pananaw ko sa buhay, pamilya at pag-ibig. Kahit na ilan pa nga siguro ang anak na gusto niya ay nakahanda kong ibigay mapasaya lang siya.

Sa araw-araw na nilikha ng Diyos ay hinding-hindi ako magsasawang mahalin siya nang buong puso't kaluluwa ko.

Ang unang beses na nakaramdam ako ng kakaiba ay yung kausap ko si Nico. Hindi ko maintindihan kung bakit masyado akong apektado nung nagkwento ito tungkol sa Tita nito. Kaybilis na pumitik at magbago ng emosyon ko. Tapos medyo nanggigil din ako sa pisngi nito. Buti na lang at napigilan kong pisilin kaya hinaplos ko na lang.

Hindi ko naman akalaing makikita yun ng asawa ko. Well, kasalanan ko naman talaga dahil hindi ko kaagad naisip ang mararamdaman niya. I was being careless and stupid. Ayoko nang maulit pa yun kaya ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako gagawa ng bagay na ikagagalit at ikaseselos niya. Ipinagdadamot ko siya sa iba kaya pati sarili ko ay ipagdadamot ko na din sa iba, nasa tabi ko man siya o wala.

Hindi ako sanay sa ganung pagtrato niya sa'kin at talagang hindi ko kinaya kahit na sandali lang yun. Talagang nabahala, nangamba at natakot ako nun. Ganun pala noh kapag masyado mong mahal ang isang tao? Magkaroon lang ng kahit konting pagbabago sa pakikitungo ay talagang maaalarma ka na. Sa sobrang takot at pangamba ay magbababa ka ng pride at kahit gaano pa katigas ang puso mo ay lalambot at lalambot pa rin para sa taong mahal mo.

I was so emotional and sensitive that day na ikinataka ko. Tapos delayed na din ang period ko at kung anu-anong pagbabago ang nararamdaman ko sa aking katawan. Hindi pa man kumpirmado pero I wast silently celebrating na at walang mapagsidlan ang tuwa sa puso ko.

Paiba-iba ang food cravings ko pero ang hindi lang nag-iiba ay pagdating kay Steven. Yung panggigigil ko sa pisngi niya, yung amoy niya na gustong-gusto ko lalo at ayoko siyang nawawala nang matagal sa paningin ko. Halos gabi-gabi kapag nauuna siyang makatulog ay pinagmamasdan ko lagi ang mukha niya at aliw na aliw ako. Hindi na nga ako magtataka kapag naging kamukha niya 'tong panganay namin, maging babae man o lalaki.







Ngayon, naiiyak ako sa reaksyon ng asawa ko nang makita ang tatlong pregnancy test na lahat ay positive ang result. Natitigilan siya habang nakatitig lang doon at namumula ang mga mata. He looked so surprise but it's priceless. Hindi pa man siya nagsasalita ay ramdam kong masayang-masaya siya sa nakikita.

I wanted to surprise him kaya nagsinungaling ako at itinago ko. Medyo nahirapan lang ako sa part ng pagtatago dahil hindi ko talaga mapigilan ang cravings at mood swings ko. Buti na lang at nailulusot ko pa rin at mukha namang naniniwala siya. Dagdag pa na araw-araw kong sinasadyang ipakita sa kanya na kunwari ay umiinom pa rin ako ng pills kaya kahit ang dami kakaibang nangyayari sa'kin ay never siyang nakaisip at nakahalata na buntis ako.

Kaming dalawa lang ni ate Dianne ang nakakaalam at doon pa namin nakumpirma sa El Nido na talaga ngang buntis ako. Si ate ang pinakisuyuan kong bumili at magdala ng tatlong pregnancy test kit at grabeng pag-iingat ang ginawa namin para lang walang ibang makahalata lalo na ang asawa ko.

Sa sobrang saya ko nun ay todo iyak ako kay ate at ganun din ito dahil masayang-masaya ito para sa'min. Gustong-gusto ko na ngang puntahan si Steven ng mga oras na iyun at sabihin ang magandang balita pero nagpigil ako.















There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon