Chapter 5 (Hey, there)

499 22 16
                                    

Steven's POV

Sa lugar ng mga magulang ng asawa ni Myka bininyagan si MJ. Doon kasi nila iniiwan ang dalawang anak kapag nagtatrabaho sila ng asawa niya. Kahit first time kong pumunta ay hindi naman ako naligaw dahil magaling magbigay ng direksyon si Myka.

Nalibang ako sa dalawa nilang anak kaya inabot ako ng gabi. Ang totoo niyan eh mahilig talaga kasi ako sa mga bata. Maliban sa'kin ay may mga bisita pa silang nag-iinuman at nagkakantahan na nakapwesto sa harap ng bahay.

Habang karga-karga si MJ dito sa salas ay naulinigan ko ang pag-uusap ng mag-asawa di-kalayuan.

"Akala ko ba hahabol siya?" tanong ni Myka. "Kanina pa kaya siya hinihintay ni Mikaela." Panganay nilang anak si Mikaela na kasalukuyang 6 yo na.

"May isang salita yun noh? Kapag sinabi nung pupunta, pupunta talaga yun." Tumunog ang phone nitong hawak-hawak. "Speaking of. Heto oh tumatawag na." Kaagad nga nitong sinagot ang tawag. "Hello. Nasan ka na ba huh?"

Mukhang may bisita pa silang inaasahang darating.

"Ano? Nasiraan ka? Pag minamalas ka nga naman. Sabihin mo sa'kin kung nasan ka dahil susunduin kita. Wag na wag kang lalabas diyan sa sasakyan mo."

Umalis muna sandali ang asawa ni Myka para sunduin ang kausap nito sa phone.

"Okay ka lang diyan, Sir? Baka nangangalay ka na?" medyo nahihiyang baling sa'kin ni Myka pagkaalis ng asawa nito.

"Okay lang. Nag-i-enjoy nga ako eh," nakangiti kong sagot. "Tsaka tingnan mo oh? Komportable sa'kin si MJ," pagmamayabang ko pa.

"Halata nga Sir eh. Ang hilig niyo talaga sa bata."

"Tito pogi, wala pa po ba kayong baby?" inosenteng tanong ni Mikaela na prenteng nakaupo sa sofa habang nanonood ng palabas na cartoons sa tv.

Nung unang beses niya akong makita kanina ay talagang tinitigan muna ako tsaka nagsabing ang pogi-pogi ko daw kaya Tito pogi ang itatawag niya sa'kin. Hahaha! Napakabibong bata talaga.

"Wala pa eh---"

"Nak, wala pa kasing girlfriend si Tito pogi," may halong panunuksong sagot ni Myka.

"Eh di ba po ang daming girls kanina na lumalapit kay Tito pogi tapos nagpapa-picture. Mamili na lang po kayo doon ng magiging girlfriend ninyo," inosenteng saad pa rin nito.

Natawa ako at pati rin si Myka. Sa simbahan pa nga lang kanina ay daig ko pa ang artista. Panay ang lapit ng mga kababaihan at nagpapa-picture. May mga hindi pa nga nakapagpigil na kiligin.

Tinabihan nito ang anak sa sofa. "Wag kang mag-alala, nak. Hahanapan natin ng girlfriend si Tito pogi."

Kaagad na ngumiti si Mikaela. "Tito pogi kapag nagka-girlfriend po kayo ipakilala niyo po agad sa'kin huh?"

"Sige, Ela. Sa'yo ko unang ipakikilala," nakangiti kong sagot.

"Dapat po yung maganda, sexy, makinis ang skin---" Biglang kumislap ang mga mata nito na tila may naalala. "Parang kagaya po ni idol ganda!" masiglang turan nito tsaka bumaling sa ina. "Mama, ba't wala pa po si idol ganda?"

"Parating na siya, nak. Sinundo na ni Papa."

"Yehey!" sabay palakpak. "Makikita ko ulit si idol ganda."

Tatanungin ko na sana si Myka kung sino ang tinutukoy ni Mikaela na 'idol ganda' kaso tinawag siya ng mother-in-law niya dahil may bagong bisita daw na dumating kaya naiwan kaming tatlo sa sala. Naupo na lang ako sa tabi ni Mikaela at ipinaupo sa kandungan ko si MJ.

Tuwang-tuwa talaga ako dahil ang gaan ng loob sa'kin ni MJ. Mula nung kargahin ko kanina ay hindi talaga umiyak. Hayyy. Parang gusto ko na tuloy magkaanak. 8 months pa lang 'tong inaanak ko pero kanina pa lang ay ipinangako ko agad kila Myka na sasagutin ko lahat ng gastos sa first birthday. Tatanggi pa nga sana sila pero nagpumilit talaga ako.

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon