Chapter 34 - A (Drink)

469 23 31
                                    

Steven's POV

Pagkabukas ko ng main door ay inabutan kong pinipigilan ng dalawa si Dani na laklakin ang hawak na bote ng alak.

"Dani," tawag ko.

Natigilan silang tatlo at napatingin sa gawi ko.

"Steven?? Love?? Ikaw na ba yan??" parang batang saad niya na tinitingnan akong maige. Nang kunin ni Hazel ang hawak niya ay nagpaubaya lang siya.

Nang mag-umpisa siyang humakbang ay patakbo akong lumapit upang umalalay dahil nag-aalala ako na baka mawalan siya ng balanse at matumba. Ang hitsura niya kasi ngayon ay talagang lango sa alak. Isang napakagandang lasing.

"Love? Ikaw ba talaga yan?" paniniguro niya na para na namang bata.

Mabilis kong tinanggal ang suot na cap at face mask tsaka hinulog sa sahig.

"Ako 'to, Love," malambing kong sagot habang hinahaplos ang kanyang pisngi.

Tumulo ang mga luha niya tsaka dinama ang magkabila kong pisngi.

"Ikaw nga, Steven ko. Alam mo bang miss na miss na kita, Love? Sobra! Konti na lang mababaliw na ko dito, Love."

"Miss na miss na din kita, Love. Don't worry nandito na ko. Okay?"

Nang mapasulyap ako sa dalawa ay parehong natuod sa kinatatayuan habang nakatakip ang kamay sa bibig at literal na nanlalaki ang mga mata.

"Thank you for taking care of her," maginoo kong saad.

Nagulat ako nang biglang sunggaban ni Dani ang mga labi ko pero kaagad ko siyang naawat.

"Love, namimiss ko na ang mga yakap at halik mo. I miss having sex with you every morning, every night at kahit na anong oras pa yan! Basta lahat-lahat sa'yo namimiss ko, Love!"

Naku! Kung anu-ano nang lumalabas sa bibig niya.

"Hey, Love? Dadalhin na kita sa kwarto, okay? You're so drunk and you need to rest."

"NO! I don't want to rest! I wanna have sex with you, Love! Ilang rounds ba ang gusto mo huh?? Ibibigay ko sa'yo!"

Napalunok ako dahil nakakaramdam na ko ng hiya sa mga sinasabi niya. Ang lakas-lakas pa ng boses.

"Love---"

"Bakit, Love? Sawa ka na ba?? Ayaw mo na ba?? Ayaw mo nang makipag-sex sa'kin?? May iba ka nang gustong ikama?? Sabihin mo!"

Juskoo, Dani!

Mukhang hindi siya titigil kaya kelangan kong sagutin.

"Alam mong ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko, Love. Ikaw lang ang gusto kong ikama, okay? Ikaw lang! At kahit kelan hinding-hindi ako magsasawa sa'yo, Love. Mahal na mahal kita."

Muli na namang tumulo ang mga luha niya.

"Thank you ulit. I'll take it from here. Ako nang bahala sa kanya," mabilis kong sabi sa dalawa.

Bilang sagot ay pareho silang tumango nang alanganin. Halata sa mga hitsura na shocked pa rin sa nasasaksihan.

Nang buhatin ko siya ay inumpisahan na niyang papakin ang leeg ko kaya nagmadali ako sa paglalakad patungong kwarto. Hindi nila pwede makita ang pagiging wild niya kapag nakainom lalo na ngayong lasing.

Pagkababa ko sa kanya sa kama ay kaagad niyang hinatak ang kwelyo ng damit ko at sinibasib ako ng halik sa labi. Gumanti ako sa parehong paraan dahil kagaya niya ay sabik na sabik rin ako. We were making loud noises habang paulit-ulit ko siyang inaangkin. Sa sobrang pagkagigil ko ay siguradong mag-iiwan ako ng mga marka sa katawan niya.

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon