Chapter 24 (Torn)

474 18 14
                                    

Danielle's POV

Mula nang dumating kami ay todo asikaso talaga sa'min sila Myka at George kahit marami namang staff. Hindi ganun kadami ang bisita dahil purong malalapit na kamag-anak at kaibigan lang kasi ang inimbita nila. Napangiti nga ako nang maulinigan ko ang saglit na pag-uusap ni Steven at Myka. Tinatanong ni Steven kung bakit kakaunti lang ang inimbitang bisita eh siya naman ang bahala sa lahat. Kagaya ko ay iyun din ang itinanong ko kay George at umamin ito sa'kin na nahihiya na daw kasi sila kay Steven. Maliban kasi dito sa birthday party ay meron pang free accommodation ang lahat for one night at kasama na doon ang kakainin nila hanggang bukas sa almusal. Pati din ang gastos sa transportation papunta dito at pauwi ay sagot niya lahat.

Hindi ko na naman tuloy mapigilan ang sariling humanga sa kanya...

Kaming anim ay magkakasamang nakapwesto sa isang round table. Yung mag-asawa ay sinadya talaga kaming pagtabihin ni Steven kaya pasimple ko ngang kinurot sa tagiliran si George pero syempre yun din naman ang gusto ko. Medyo nainis lang ako dahil sa kabilang side ko naman naupo si Lance at si Natalie naman ang nakapwesto sa kabilang side ni Steven. Mabuti na lang hindi nagtagal ay sa amin na sumama si Mikaela kaya napawi agad ang inis ko lalo na't nakakaaliw pa itong kausap.

"Idol ganda, ang gaganda at ang popogi po ng mga kasama ninyo," bulong ni Mikaela sa'kin kaya natawa ako.

Sa pagitan namin ni Steven nakapwesto si Mikaela. Doon talaga ang pinili niya para napapagitnaan daw namin siya ng Tito pogi niya.

"Bakit, Dan? Anong ibinulong ng bata?" natutuwang usisa ni ate. Mukhang na-curios.

"Ang gaganda at ang popogi daw ng mga kasama ko."

"Talaga?" nakangiting sabad ni Lance. "So, ibig sabihin eh napopogian ka sa'kin, little ganda?"

"Opo. Pogi po kayo kahit sa tv o sa personal," diretsong sagot ng bata kaya lumawak ang ngiti sa mukha nito. "Pero mas napopogian po ako kay, Tito pogi."

Lumakas ang tawa ko at si Carl ay muntik nang mabulwak yung tubig na iniinom. Nagpipigil ng tawa sila Natalie at ate Dianne. Mukha namang nahiya si Steven at si Lance ay pilit pa ring ngumiti.

"Bakit po kayo natatawa?" inosente pang tanong nito.

"Napaka-honest mo kasi, baby girl," sabay himas sa ulo nito.

"Hindi talaga nagsisinungaling ang bata," saad ni Carl na parang kay Lance nagpaparinig.

"Bilin ni Mama at Papa na bawal po magsinungaling eh."

"Tama yun. Very good ka, baby girl."

Cute itong ngumiti. "Eh sa inyo, idol ganda? Sino po ang mas pogi sa kanilang dalawa?"

Bahagya akong nagulat sa tanong nito at narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Carl.

Makahulugan ko muna siyang sinulyapan bago sumagot. "Kagaya nga ng sinabi mo eh pareho silang pogi pero mas napopogian din ako sa tito pogi mo."

Napangiti na naman si Mikaela at hindi rin nakatakas sa paningin ko ang matamis niyang pag-ngiti.

"Sa true lang!" sabad ni Carl.

"Idol ganda, kayo naman po mas lalong gumaganda," inosenteng puri ng bata tsaka bumaling sa kanya. "Tito pogi, nagagandahan din po ba kayo kay idol ganda?"

Ang tamis ng naging ngiti niya bago sumagot. "Oo. Sobra."

"Hala! Nagba-blush po kayo, Tito pogi. Siguro crush niyo po si idol ganda, ano?" inosenteng panunukso nito.

Pareho kaming natawa ni Carl at siya naman ay bahagyang nahiya. Ang lakas kasi ng pagkakasabi ng bata.

Hahaha! Pati yung bata eh napansin ang pamumula niya...

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon