Chapter 27 (Dance)

466 21 12
                                    

Steven's POV

Naalimpungatan ako dahil sa kung anu-anong ginagawa ni Dani sa mukha ko. Tinutusok, pinipisil at kinakagat nang paulit-ulit. Nasa ibabaw ko siya at pareho kaming walang saplot sa katawan.

"Love," sambit ko habang kinukusot ang mga mata.

Matamis itong ngumiti tsaka nilaru-laro ng mga daliri ang labi ko. "Love, hindi na mainit sa labas. Gusto ko nang magtampisaw sa dagat."

"Tara. Magbihis na tayo, Love."

"Kaso gusto ko din ang manatili dito kasama ka," pilyang saad nito.

Napangiti ako. "Kahit anong gusto mo Love susundin ko."

"Paano kung ikaw ang papipiliin ko? Saan ang mas gusto mo, sa labas o dito sa kwarto?"

"Kahit saan Love basta ikaw ang kasama ko," sabay haplos sa buhok nito.

Lumawak ang ngiti sa mga labi nito. "Nanggigigil na naman ako sa'yo, Love!"

Nang bumaba kami ay nasa dagat na ang halos lahat maliban kay Lance na mag-isang umiinom. Halos mabali ang leeg nito nang makita si Dani. It's because she's wearing her red bikini.

Inilapit ko ang bibig sa tenga niya para bumulong. "Love, si Lance---"

"I know," tsaka ipinulupot ang mga kamay sa leeg ko. "Pabayaan mo siyang maglaway. Hanggang tingin lang naman yan. Samantalang ikaw eh paulit-ulit nang nalawayan at nakain ang buong katawan ko. Hahaha!"

Napangiti ako at napakagat sa ibabang labi.

"Wag na wag kang magseselos sa tukmol na yan huh? Ni katiting ay wala yang panama sa'yo," tsaka paulit-ulit akong hinalikan sa labi.

Diniinan niya sa huling halik bago bumitaw at hinatak ako sa kamay.

"Akala namin eh hindi na kayo lalabas ng kwarto," panunukso ni Carl.

Nagkukumpulan silang lima habang nakababad ang mga katawan sa tubig at mukhang masaya na naman ang pinag-uusapan.

"Well, kailangan din naman naming magpahinga para may lakas ulit mamaya," pabiro at makahulugang sagot niya na ikinatawa nila. Nilingon pa ako tsaka kinindatan.

Napangiti ako habang hinahayaan lang siya kung saan ako dalhin.

"Doon tayo sa malayo sa kanila. Ayoko ng istorbo, Love," mahina niyang turan nung hanggang tuhod na ang tubig.

"Gusto din kitang masolo, Love."

"Bakit? Nakakailan na ba kayo?" natatawang tukso ni Carl.

"Sa dami eh hindi na nga namin mabilang. Hahaha!" natatawa rin niyang sagot.

"Ay! Ay! Ay! Magsosolo? Ayaw niyo ba kaming kasama?"

"Pabayaan mo na sila, Georgy," suway ni Myka.

"Baka kasi mainggit kayo sa mga gagawin namin," biro na naman niya.

"Uy, neng. Sa dalas niyong magkasama hindi pa ba kayo nagkakasawaan?"

"Sorry Georgia pero hindi eh. We're even craving for more. Hahaha!"

"Eh di wow! Kayo na talaga, neng!"

Pareho kaming natawa at hindi na sumagot.

Nang hanggang balikat na ang tubig ay humarap siya at inilingkis ang mga kamay sa leeg ko. Awtomatiko namang yumakap ako sa baywang niya.

"Love, bibisitahin ko pala si Papa Rico bukas. Sinabi kasi sa'kin ni Mommy kanina na nakipaghiwalay na daw si Papa sa kinakasama niya."

"Huh? Bakit naman?"

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon