Chapter 22 (Sorry)

557 17 8
                                    

Steven's POV

Magkahawak-kamay kaming nagtungo sa sala. Nginitian at tinanguan ako ni Dianne at ganun din ang ibinalik ko. Kagaya ng ate ni Dani ay sa sahig din kami sumalampak ng upo.

Puro masasayang bagay lang ang napag-uusapan ng dalawa. Trabaho, nung kabataan nila at yung mga kuya nila na madalas nagiging dahilan ng kanilang paghalakhak. Ako naman ay nakikingiti at nakikitawa rin kapag hindi ko na napipigilan.

Pansin ko na hindi man lang nagtatanong si Dianne ng tungkol sa'min ni Dani. Hindi ko alam kung ayaw ba niya, kung nahihiya ba siya o hinihintay niya na si Dani mismo ang magkuwento. Pero tingin at ramdam ko kasi na parang ayaw din talaga ni Dani na pag-usapan ang tungkol sa'min. Hindi kagaya noong si kuya DM ang nandito na proud na proud talaga siyang magkuwento at kahit na hindi siya ang tinatanong ay siya pa rin ang sumasagot.

Hindi kaya alam ni Dani na nagkagusto sa'kin ang kapatid niya noon? Sobrang close sila kaya posibleng may naikuwento na si Dianne sa kanya. Yun ba ang dahilan kaya umiiwas siyang pag-usapan? Ano nga kaya ang mga nalalaman ni Dani?

Pero sa totoo lang, kung anuman ang nangyari sa nakaraan ay wala na iyun sa'kin. Matagal na akong nakamove-on. Matagal ko na ring napatawad si Dianne sa ginawa niya. Nauunawaan ko siya at alam kung hindi niya naman iyun sinasadya. Mga bata pa kami noon at immature kaya sigurado akong nadala lang siya sa nararamdaman niya.

Ang pinanghihinayangan ko lang ay pareho silang nawala ni Lance sa'kin. Isa pa man din sila sa itinuturing kong mga importanteng tao sa buhay ko...

Nang magpaalam si Dianne para pumuntang banyo ay binigyan ako ng pilyang ngiti ni Dani. Medyo madami na silang naiinom kaya medyo namumula na rin ang mukha niya.

"Love, hindi ko yata kaya na hindi ka makatabi ngayong gabi," mahinang turan niya na tila nang-aakit.

Napalunok ako nang himas-himasin niya ang dibdib ko pababa sa tiyan. Bumaba pa ang tingin niya sa pagitan ng mga hita ko tsaka napakagat sa ibabang labi.

Heto na naman siya... Nagiging wild na naman...

"Dani---"

Mabilis niyang dinakma ang mga labi ko ngunit bago pa makabalik si Dianne ay kaagad niyang tinapos ang halik. Saglit lang iyun pero ramdam na ramdam ko ang labis niyang pagpipigil. Ako naman ay nabitin. Bitin na bitin... Parang gusto nang magwala ng alaga ko pero kailangan kong magpigil at magtiis.

Habang naglalakad pabalik si Dianne ay pansin kong nahihilo na ito at pagewang-gewang.

"Ano, ate? Kaya pa?" kantiyaw niya.

"Kaya pa!" malakas na sagot nito tsaka muling sumalampak ng upo sa sahig.

Nagpatuloy sila sa ginagawa habang ako ay tahimik pa rin na nakamasid at nakikiramdam. Lumalakas na ang mga boses nila.

Nang magpaalam ulit si Dianne na pumuntang banyo ay sumama na si Dani dahil naiihi din daw siya. Pagkatayo ay muntik nang matumba ang ate niya. Mabuti na lang at kaagad niyang naalalayan.

"Lasing ka na yata ate eh?" kantiyaw na naman niya na natatawa.

"Hindi pa ko lasing, Danielle!"

Sa tingin ko naman ay kayang-kaya pa niya na alalayan ang kapatid kaya hindi na ako tutulong. Baka kasi magalit pa siya sa'kin kapag hinawakan ko ito.

Habang naghihintay sa kanila ay sumandal muna ako sa sofa tsaka ipinikit ang mga mata. Hanggang sa nakaidlip ako.

"Love..."

Ang bulong na iyun sabay himas sa dibdib ko ang nakapagpagising sa'kin.

"Dani," bungad ko pagkamulat. "Sorry, Love. Nakaidlip---"

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon