Chapter 20 (Feelings)

519 18 19
                                    

Danielle's POV

Nang magising ako ay gising na rin si Steven. Seryoso itong nakatunghay sa mukha ko habang hinahaplos-haplos ang buhok ko. Magkayakap kaming nakahiga sa sofa at nakaunan ako sa braso niya. Tanging comforter lang ang nakabalot sa hubad naming mga katawan.

"Good morning, Love," malambing na bungad nito tsaka hinalikan ako sa noo.

"Good morning din, Love." Sa labi ko naman siya hinalikan. "May nanunusok na naman, Steven."

Napangiti ito na parang nahihiya. "Pasensya na, Love."

Nagawa ko na siyang ngitian. "Okay lang. Sanay naman na ko. Basta ba sa'kin mo lang gagamitin yan," sabay nguso sa bandang ibaba ng kanyang katawan.

"Para sa'yo lang talaga yan, Love."

"Siguraduhin mo lang, Steven. Hindi ako magdadalawang-isip na putulin yan kapag ginamit mo sa iba!" maawtoridad kong saad habang pinanlalakihan ng mata.

Hindi nito napigilan ang matawa.

Napangiti ako at napakagat sa ibabang labi dahil ang sarap pakinggan ng tawa niya.

"Paano ko naman 'to magagamit sa iba eh sa'yo nga lang 'to tumitigas, Love?"

"Basta! Tandaan mo yung sinabi ko. Don't you dare, Steven! Akin lang yan!"

Sumeryoso ang mukha nito at muli akong hinalikan sa noo.

"Ang lahat-lahat sa'kin ay para sa'yo at iyong-iyo lang, Dani."

"Mabuti kung ganun," tsaka muli siyang hinalikan sa labi at pilyang nginitian. "So, gawin na natin yung morning routine natin, Love."

Mabilis niyang sinunggaban ang mga labi ko. Mukhang kanina niya pa ko hinihintay na magising para gawin ang morning routine namin.









"Love," saad ni Steven na nakakamot sa ulo nang muling sumampa sa kama.

Lumayo muna kasi ito dahil tumawag ang Tito niya. Hindi ko naman gaanung narinig ang pag-uusap nila dahil may pinapanood akong movie sa Netflix. Tsaka hindi ko na binantayan dahil kamag-anak naman ang kausap niya.

"Bakit?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Nag-aaya kasi si Papa Rico na mag-lunch mamaya dun sa restaurant mo."

"Anong sabi mo? Pumayag ka ba?"

"Ang sabi ko titingnan ko lang."

Napangiti ako. "Akin na nga yang phone mo," sabay kuha sa hawak nito.

Nagtipa ako ng mensahe para sa Tito niya at kaagad kong sinend.

"Ayan. Okay na. Ang sabi ko doon na lang kayo magkita sa restaurant mamaya."

"Okay lang sa'yo, Love?"

"Yup. Ang hindi okay sa'kin ay kung sa hindi mo kamag-anak ka makikipagkita." Pinalakihan ko pa siya ng mata sa huli. "Tsaka pupunta din ako sa restaurant noh? Babantayan kita doon."

Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Thank you, Love," tsaka madiin akong hinalikan sa labi.

Nginitian ko din siya tsaka muling ibinalik ang atensyon sa pinapanood. Naramdaman ko na lang ang pagsiksik niya sa tabi ko at ipinatong ang chin sa balikat ko.

Maya-maya ay mukhang hindi ito nakatiis at inumpisahang kintalan ng halik ang leeg ko. Hinayaan ko lang kaya umakyat ang mga labi nito sa jaw.

"Dani," anas nito sa bandang tenga.

"Steven, stop it. Wala ako sa mood ngayon. Tsaka may pinapanood ako oh," mahinahon kong suway sa kanya.

"Sorry, Love."

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon