Chapter 36 (Cloud 9)

647 18 12
                                    

Danielle's POV

"Love, ba't hindi mo sinabi sa'kin na allergic ka sa alcohol?" usisa ko nang makahiga na kami.

"Hindi naman na yun importante eh."

"Importante yun para sa'kin," saka marahan ko itong hinaplos sa pisngi. "Ang lahat-lahat sa'yo ay importante sa'kin."

Matamis siyang ngumiti at hinalikan ako sa noo.

"Pwede bang ikuwento mo sa'kin ang nangyari kagabi, Love?"

Saglit niya muna akong tinitigan. "Gusto mo ba talagang malaman?"

Marahan akong tumango tsaka muli siyang hinaplos sa pisngi.

"Yung sinabi ko kagabi na hinding-hindi mo na ko makikita kahit na kelan, seryoso ako dun. I know napaka-selfish pero Love hindi ko kayang mabuhay nang wala ka, nang hindi ka kasama. That's why I tried to kill my self last night. Mas gugustuhin ko pa ang mawala na lang kesa mabuhay nang wala ka sa tabi ko," emosyonal niyang paliwanag.

Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Grabe yung sakit na idinulot ko sa kanya dahil sa kaduwagan ko. Kaya kasalanan ko ang lahat.

"Sa daan pa lang pauwi, hiniling ko na sana madisgrasya at mamatay na lang ako. I didn't put my seatbelt on kahit sobrang bilis ng pagpapatakbo ko sa kotse pero nakauwi pa rin akong buhay. And then dun na nangyari."

"Uminom ka kahit alam mong bawal at kahit na pwede mong ikamatay?"

Malungkot siyang tumango. "I was just lucky na may pinuntahan sa malapit sila Mommy at Papa at naisipan nilang dumaan dito kaya inabutan nila akong walang malay sa sahig. So, they rushed me to the hospital. Mabuti na lang daw at napaaga kundi---"

"Wala ka na ngayon," umiiyak kong sambit tsaka niyakap siya nang mahigpit.

"Hey. Don't cry na, Love," saad nito habang hinahagod ang likod ko. "Hindi naman ako nawala eh. I'm still here."

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ka," humihikbi kong turan. "Baka nga sundan pa kita."

"Gagawin mo yun?"

Bahagya akong lumayo upang diretso siyang tingnan sa mga mata. "Oo. I was so stupid na kagabi ko lang napagtanto na hindi ko pala kayang mabuhay nang wala ka. Mahal na mahal kita, Steven. Mahal na mahal kita."

Tuluyan niyang tinawid ang pagitan ng aming mga labi. Habang umiiyak ay tumugon ako sa masuyong paraan.

"Mahal na mahal din kita, Dani," umiiyak niya ring sagot.

"Please wag na wag mo nang uulitin yun huh?"

Tumango siya tsaka hinalikan ako sa labi.

"Please? Wag na wag ka nang iinom ulit?"

Muli siyang tumango tsaka hinalikan na naman ako sa labi.

"Baka mamatay ako sa takot at sa pag-aalala sa'yo."

"Hindi na. Promise. Hinding-hindi ko na uulitin yun, Love," at paulit-ulit akong hinalikan sa labi.

"Promise mo yan huh? Promise mo yan."

"Oo. Promise... Kaya wag ka nang umiyak, Love. Tahan na."

Niyakap niya ko nang mahigpit hanggang sa mahimasmasan ako.

"Alam mo sa kabila ng nangyari eh nagpapasalamat pa rin ako."

"Bakit?"

"Kung hindi ko kasi ginawa yun eh baka hindi ka umamin sa totoo mong nararamdaman at baka hindi mo nalaman ang halaga ko sa'yo."

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon