Chapter 41 (REveAL)

595 21 38
                                    

Danielle's POV

Pagdating ko pa lang sa dance studio ay halata ko na agad ang kakaibang tingin at pakikitungo ng mga tao sa paligid pero dinidedma ko na lang.

"Ang haba kasi ng buhok mo, neng," parinig ni George. "Abot hanggang Indonesia, Maldives at New York."

Hindi ko napigilan ang matawa.

"Oo nga. Tama ka diyan," sang-ayon ni Hazel na kalalapit lang. "Uy, baks. Nabasa mo na ba yung mga article na lumalabas tungkol sa inyo nila Sir at Lance?"

Nagkibit-balikat ako. "I didn't bother myself, baks. For sure naman karamihan dun eh puro speculations lang at walang katuturan. Ayaw ni Steven na ma-stress ako kaya ibinilin niyang wag kong papansinin. Tsaka masyadong seloso yun, ayaw na may kahati sa oras ko maliban dito sa trabaho."

"Hayyy! Ang sarap mong sabunutan, baks!" nanggigigil na saad ni Hazel. "Pero nakakakilig kayo huh? Super! As in!"

Muli akong napangiti.

"Naalala ko tuloy. Parang kelan lang nung sinabi mong, you don't find him attractive huh? Tapos nagbibiro ka pa na baka kaya walang girlfriend dahil boyfriend ang meron. Yun pala eh nadekwat na!" Napailing pa si Hazel sa huli.

Natawa ako dahil sariwa pa sa isip ko yung mga sinabi kong yun.

"Aahh. Kaya pala."

"Kaya pala ano?" kunot-noo kong usisa kay Hazel.

"Kaya pala apektadong-apektado ka noon nung chinika sa'tin ni Mamsh yung tungkol dun sa tsismis na galing sa PA nung isa."

"Syempre naman noh? Nakakainis kasi hindi naman talaga totoo. We just had our weekend getaway that time tapos yun ang bubungad sa'kin."

"Ay taray, baks! Kayo na talaga---"

"Speaking of tsismis," mahinang sabad ni George sabay nguso sa taong kapapasok lang.

Nang lumingon ako ay saktong sa akin nakatingin si Lance. Isang simpleng ngiti ang ibinigay nito at ang sagot ko naman ay simpleng tango. Pareho kaming kasama sa rehearsal today at pati rin si Natalie. Para kasi ito sa guesting namin sa Sunday na part ng movie promotion.

"Pero baks siguradong tatadtarin kayo ng tanong sa presscon lalo na yung tungkol sa video," bulong ni Hazel.

Oo nga pala. Next week na ang presscon, premiere night at showing ng movie.

"I know, baks. But I'm ready naman eh kaya wag kang mag-alala. You know me," saka nginitian ito.

"Buti wala pang ipinapalabas na statement yang si Lance tungkol dun?"

"I messaged him kasi na manahimik tungkol dun at ako nang bahala. Subukan lang niyang magsalita dahil hindi ako magdadalawang-isip na ilabas ang baho niya."

Sorry, Lance but I need to protect Steven at all costs. Hindi pwedeng si Steven ko ang magmukhang masama.

"Ano ba kasing nangyari dun, baks? Pati ako na-curious din eh."

"Chika ko sa'yo later."







































































Madali ko lang na nakuha yung steps para sa opening prod at para dun sa dance prod na kung saan ay kasama ko sila Hazel, Natalie at Lance. Sa aming apat ay si Lance ang nahirapan dahil feelingerong dancer naman talaga ang tukmol.

Kahit medyo malayo sa isa't isa ay panay ang tinginan at ngitian namin ni Hazel nang makahulugan habang nakasalang ang tukmol at kami naman ay on break. Pasimple at palihim kasi nitong pinipigil ang tawa para kay Lance. Baliw din talaga ang babaeng 'to eh.

There's Something About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon