UNANG YUGTO

3.9K 113 10
                                    

She's not Cinderella but wearing Cinderella's shoes was one of her dreams before. Hindi niya naisip noon na kailangang kasukat niya ang sapatos para maisuot niya iyon. Akala niya pwede kasi ang nakikita lang naman niya sa palabas ay ang guwapong prinsepe at ang malaking palasyo na tinitirhan nito. Ni hindi niya inisip na nakikinood lamang siya ng tv mula sa bintana ng kanilang kapitbahay. Ngayong suot na niya ang sapatos ni Cinderella ay saka lamang naging malinaw sa kanya ang reyalidad.

"Happy birthday po, Ms. Nawi. Nakahanda na po ang bathtub kung gusto n'yo maligo."

Dalawang kasambahay ang nagisnan niyang nakaantabay sa kanya at naghihintay ng kanyang utos. Hindi niya nakasanayan ang ganitong buhay kaya tuwing pumupunta siya rito sa mansion ay naiilang siya sa atensiyon na ibinuhos sa kanya ng mga tao.

"Salamat sa inyo. Pwede n'yo na akong iwan para makakain na kayo ng agahan. Kanina n'yo pa ako inasikaso baka nagugutom na kayo."

Nagkatinginan ang mga kasambahay at nagpalitan ng ngiti.

Pag-alis ng mga ito ay nagkumahog siyang bumaba ng kama. Dinampot sa mesita ang remote control at binuksan ang tv. Pinindot niya ang music channel at pumili ng album.

Bumungad sa kanya ang sunud-sunod na larawan ng bawat miyembro ng  bandang hinangaan niya. Reil, Reed, Izen, and Ione. The Heartbreakers.
Sa sikat na bandang ito ay pag-aari ng kanyang prinsepe ang boses na tumutunaw sa puso ng milyon-milyong fans. Izen is the vocalist of the iconic masked band and one of the reasons for the meteoric rise of the famous group into stardom.

Napangiti siya nang humagod sa buong kuwarto ang malaki, malat at malamig nitong boses. Napapasabay pa siya sa paghimig. Nitong huli lang, kadalasan sa mga awitin ng banda ay tumutukoy sa kalikasan at nagiging universal sound track ng iba't ibang environmental advocacy summit.

Masigla siyang pumasok ng banyo at naligo.

"What do you mean you can't make it?" Galit na tinig ni Don Andro Romualdez ang naulinigan niya pagbaba niya ng ground floor. Nagmumula iyon sa tagong bahagi ng malawak na living room. "Today is Nawi's birthday, we don't have a grand celebration because she didn't asked for one but have the courtesy to be here and greet her in person."

Nahinto siya sa gitna ng paglalakad patungo sa dining room. Si Wayve ba ang kausap ng Don? Baka hindi uuwi rito ang lalaki. Busy naman kasi iyon lagi. Maliban sa banda ay pasan din nito ang kompanyang Gems. At sino lang ba siya para makihati sa panahon?

Kumpara sa mga sikat na babaeng nasa sirkulong ginagalawan nito siya ang tipong may gandang pang-barangay lang. Iyong madalas nakukuhang muse sa mga liga ng basketball sa nayon. Hindi katangkaran at payat. Tama lang ang sukat ng dibdib at balakang. Maputi at kapag nababad sa init ay namumula. Mestisang hilaw ayon sa mga kapitbahay niya.

Nagkibit siya ng balikat at tumuloy sa dining room. She adored Wayve Lizandro, as a model and as a singer. Pero ang pagdating niya sa buhay nito ay maituturing na isang aksidente. Ibig sabihin hindi pwedeng ingatan dahil walang magandang alaalang idudulot.

Buong araw na tahimik siyang tumutulong ng patago sa mga kasambahay kahit pinagbabawalan siya nina Don Andro at Donya Laliza.

"Happy birthday, Nawi!" bati ni Claudia, and asawa ng bunsong kapatid ni Wayve. Buntis ito sa pangalawang anak. Nilapitan siya nito habang inaayos niya ang mga bulaklak sa dessert table at hinagkan sa pisngi.

"Maraming salamat po," nakangiti niyang sagot. Wala siyang mairereklamo sa pamilya ni Wayve. Lahat ay maayos kung makitungo sa kanya.

"Ilang taon ka na ngayon?"

"Nineteen po."

"Sorry, sinabi na ni Andrew sa akin pero gusto ko lang kompirmahin." Humagikgik ito. "Ten years nga pala ang tanda ni Wayve sa iyo no?"

Tumango siya.

"I hope you like the cake. Ako ang nag-order niyan para sa iyo." Nakasilip sa mga mata nito ang tuwa habang hinahaplos ang tiyan.

Natuon ang paningin niya sa three layered caramel cake mula sa isa sa mga top cake shops ng bansa. Hitik sa magagandang designs iyon at nakapalibot ang pulang kandela na hihipan niya mamaya.

"Siyempre po, nagustuhan ko," masigla niyang pahayag.

Lahat ng nakahain sa mahabang buffet tables ay katakam-takam. Mga pagkaing once in a blue moon lang niya matitikman, ang iba'y hindi pa talaga niya natitikman dahil nag-e-exist lamang sa mundo ng mga mayayaman.

Pag-uwi niya bukas ay sa bahay naman nila sa probinsya ang selebrasyon. Siguradong doon may mga bisita siyang kaibigan at kamag-anak kahit hindi magarbo ang salu-salo bagamat hindi magiging ganito katahimik. Ang maliit na pagtitipon doon ay mistulang pista ng buong barangay.

"Uuwi ba si Wayve?" tanong ni Claudia.

"Hindi siguro, busy po kasi iyon."

"Kahit gaano niya ka-busy dapat umuwi siya at batiin ka. Once a year lang naman ito."

Hindi na siya nagkomento pa.

Pero bago magdilim ay dumating si Wayve. Ang mga kasambahay ang nagbalita sa kanya habang nag-aayos siya sa loob ng kanyang kuwarto. Imbis na masabik ay kaba at pag-aalinlangan ang bumalot sa puso niya. Pinagsalikop niya sa kandungan ang pawisang mga palad habang pinagmamasdan ang sariling reflection.

Nagpulasan palabas ang mga katulong nang pumasok doon sa silid ang lalaki, bitbit ang itim na envelope. He is in business suite today. Kahit anong isuot nito ay lalong pinapa-brusko ang dating nito. His hair is in short shaggy lob with side-swept bangs. Kapag kumakanta ito ay madalas naka-brush-up iyon sa ilalim ng bandana.

"I just drop by to greet and of course for this. Happy birthday," malamig itong nagsalita at nilapag sa sidetable ang envelope. "Check this out later before you sleep. I hate to ruin your day but I can't stay long. I have tons of work to finish tonight."

"N-naintindihan ko." Umalis siya sa upuan sa harap ng malaking salamin. "Pasensya ka na, narinig ko kaninang pinagsabihan ka ng Daddy mo sa phone."

Saglit siya nitong hinagod ng matiim na titig. "It's nothing. You should understand that I don't hate you but what we have is not going to work. I don't even wanna try."

Alam niya kung anong tinutukoy nito at malamang ang laman ng envelope ay ang bagay na ipinangako niyang ibibigay rito pagkatapos ng 19th birthday niya. This man gave her the nickname Nawi. Hirap raw kasi nitong tandaan ang pangalan niya. Ni hindi nito mabigkas ng maayos.

Wayve is her prince but she is not his princess and she isn't going to become one.

Paglabas ng lalaki ay sinilip niya ang laman ng envelope. Hindi nga siya nagkamali. Annulment papers iyon. Sumagad sa kanyang mga mata ang pangalan nilang dalawa.

WAYVE LIZANDRO ROMUALDEZ..., (husband) petitioner.

NADZWINA MILA LEAMSE..., (wife) respondent.

This is his birthday gift for her. Asking his freedom.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon