Chapter 9 - Unang Yugto

1.1K 82 0
                                    

"Happy birthday to you...happy birthday to you...happy birthday...happy birthday...happy birthday...Nami..."

Umaalog pa rin ang mga tuhod niya habang nakatayo sa tabi ng malaking cake at kinantahan ng mga bisita. Hindi pa siya nakabawi sa halik ng asawa roon sa hagdanan. Tiyak ilang buwan na namang iindahin ng utak niya ang alaala ng halik na iyon.
It was the first time he kissed her as erotic like that and made her feel she's a grown up woman.

"Happy birthday again, Pandak..." Wayve whispered with his right arm wrapped around her slim waist, adding the tremor to her hyped cells. 

Matapos niyang hipan ang mga kandela ay nagbigay siya ng maikling mensahe ng pasasalamat na sinundan agad ng salu-salo. Karamihan sa mga kalalakihan ay hindi na iyon pinansin pa at nakatuon na lamang sa paligsahan ng pag-inom. Bagsak na ang mga hindi sanay sa inuman.

Nag-ikot siya sa mga bisitang kumakain habang si Wayve ay nagtungo kay Leo para sumali sa kompetisyon. Dinig niya ang hiyawan mula sa umpukan ng mga manginginom. Naging sentro ng kasiyahan ang paligsahang iyon. Sumali pati ang crew ng catering service.

"Ate," lumapit sa kanya si Nicola habang naglalagay siya ng cake sa mga platito. "Feel nako nakahalata sila tiya. Naa daw similarity si Kuya sa model nga naa sa billboard sa Maramag ug Kitaotao," bulong nito sa kanya.

Tarantang tumingin siya sa mesa na kinaroroonan ng mga kaanak. Nakatanaw ang mga ito kay Wayve. Kahit ano'ng disguise nga siguro ang gawin ng asawa niya'y may mamumukhaan pa rin ito lalo na kung fan nito. Nakabandana ito ngayon at black framed eyeglasses. Minsan gusto na niyang pahiran ng uling ang takaw-pansin nitong mukha. Pero kahit iyon malamang ay hindi pa rin sasapat.

"Kung mangutana gani, ingna lang nga ka-look alike," sabi niya kay Nicola.

Tumango ang kapatid.

Gumala ang kanyang paningin. Bukod sa mga kamag-anak niya, karamihan sa naroon ay miyembro ng farmer clustering sa barangay nila. Naroon din ang mga malalayong kapitbahay nila na sa kabutihang palad ay natigil na sa pagkakalat ng tsismis tungkol sa kanya.

Noong pumutok sa komunidad ang maaga niyang pag-aasawa ay kumalat sa buong barangay maging sa karatig na mga barrio na buntis siya. Matapos ang ilang buwan at hindi lumaki ang tiyan niya, ibang kuwento naman ang umikot. Nalaglag daw ang bata. Humupa ang usap-usapan pero pinagkakaabalahan naman ng mga ito ang paghalungkat sa pagkatao ng asawa niya. Kaya gusto niya sanang madaliin na ang annulment bago pa masira ang mundo ni Wayve dahil sa kanya.

"Aren't you going to cheer for me?" Halos ikapiksi niya ang pagpulupot na naman ng braso ng asawa sa kanyang katawan at pagdampi ng labi nito sa leeg niya.

"Masyado ka nang tsansing, Sungkit." Siniko niya ito. Amoy niya ang alak sa hininga nito, may halong mint candy. Tingin niya ay tipsy na ito. Ilang bote na ba ang nasimot nito?

"Two more bottles and you will have your one hundred thousand bucks," he murmured hoarsely. "And a kiss of course."

Nanindig ang mga balahibo niya. Kiss? Katulad ba kanina?

"Or, do you want us to level that up... here?" His sensual touch fell on the hot and sensitive part between her thighs.

Humawak siya sa bisig nito at hindi na nakontrol ang pagbigay ng mga tuhod. He grabed her on time. Once more she was stuck under the sensation of his warmth, as if summoning her to feel both her heart and soul with something enormous.

Nabitbit siya nito pabalik sa paligsahan nang wala sa sarili. Duling na ang mga mata, maingay at tupi ang dila ng karamihan sa mga lalaking lumahok. Bagamat tuloy lang ang tungga sa matapang at imported na alak. Siguro kung lokal na mga pantuma lang iyon baka tumagal ng kunti ang mga ito.

After finishing up the last two bottles, the one hundred thousand prize plopped in her hands. Tumingin siya sa asawa na halatang lasing na at nakangisi. Umangas pa lalo kasi nanalo. Siya na ang nagkusang kumilos at hinabol ng halik ang labi nitong kuminang sa pula.

Umani ng sipol at palakpakan ang ginawa niyang kapangahasan niya. Matulin siyang tumakbo paalis sa umpukan.

"Ganoon ba iyon? Kapag nanalo may reward ding halik mula sa birthday celebrant? Hala, mga boys! Kayod pa!" Umalingawngaw ang boses ni Leo.

Tinugon iyon ng mas malakas na sigawan at ang mga bagsak na ay nagpupumilit na bumangon. Naloko na! Gusto niyang bumalik doon at pabulaanan ang maling akala ng bodyguard pero natanaw niyang hinablot ni Wayve si Leo kasunod ang malutong na suntok.

Humandusay sa bermuda grass ang lalaki at nilamon ng katahimikan ang paligid. Natutop niya ang bibig. Wala ni isa ang nagtangkang gumalaw. Kinuha ni Wayve ang perang laman ng barrel bag at isa-isang binigyan lahat ng sumali sa paligsahan. Kulang biente ka-tao ang nabigyan nito. Hinagis nito ang bag kay Leo na nakabungisngis kahit dumugo ang bibig at pa-ekis-ekis na nagmartsa patungo sa loob ng bahay.

Hinabol niya ang asawa at hinayaan na ang mga magulang na umasikaso sa mga bisita. Nahabol niya ito sa may hagdanan at sinubukang alalayan ito.

"I got this," pilit itong umunat at ayusin ang pag-akyat sa baitang ng hagdan. "Those cheap alcohols can't knock me down."

Nakarating sila sa kuwarto at dumeretso ito sa banyo. Sumunod pa rin siya para mabantayan ito. Naghilamos ito sa may lababo at pinagmasdan ang sarili sa salamin.

"Towel?" Binigyan niya ito ng tuwalya.

"I don't mean to ruin your night, I'm sorry." Kinuha nito ang tuwalya at isinubsob doon ang mukha.

"Huwag mo nang isipin pa iyon, magpahinga na tayo. Inaantok na rin ako." Siguradong may bagong tsismis na naman na pagkakaabalahan ang mga ka-barangay niya bukas.

Nilapag niya sa sidetable ang pera at inayos ang higaan. Kumuha siya ng pajama sa cabinet para sa asawa. Pero hindi ito nagbihis at sa halip ay humilata sa kama. Hinablot siya sa pulsuhan at ibinagsak sa ibabaw nito.

"Wayve..."

"I have three months to provide you reasons not to sign the annulment, Nawi. Let's break-up that idea in the first place. We can start over without nullifying our marriage," he mumbled before falling asleep, leaving her caged in his arms tightly.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon