Chapter 3 - Huling Yugto

860 57 1
                                    

Dalawang oras din ang naitulog ni Wayve pagkatapos ng kanyang therapy. Unti-unti nang nasasanay ang katawan niya. Natitiis na niya ang sakit pero inuubos pa rin ang kanyang lakas. He needed to rest a solid hour to re-charge. Minasahe niya ang bridge ng ilong at inabot ang kanyang cellphone. Hindi pa siguro tapos ang meeting ni Nawi sa City Social Welfare. May programang scholarship ang asawa niya para sa mga single mothers na kapamilya ng mga magsasaka at gustong magpatuloy sa pag-aaral. Konektado pa rin iyon sa kanilang proyekto.

He adjusted the wheelchair where he prefered to sleep. It is convertible to a reclining bed. Comfortable and no need for him to call someone for assistance. Gumulong ang silyang de-motor palabas ng main bedroom at hinatid siya sa sala. Nakaangat ang shutters ng floor to ceiling window at ang makakapal na kurtina'y nakahawi sa magkakabilang gilid. Nakasabit sa tapestry na may puting lace ribbon at ang mga gintong burda ay kumikinang.

Tanaw niya mula roon ang magkahalong berde at asul na mga bundok. Sa paanan niyon ay ang latag ng karagatan. He can't help but admire the sceneries this place is offering to his eyes. Purely overwhelming how evolution blended in every corner of this Andromida Estate.

Bumitaw ang paningin niya sa kalikasan sa labas nang marinig ang door chime. Mukha ng magandang babae ang nagregister sa monitor. He fished the remote control from the cradle attached to the wall and released the electronic lock of the door. Matamis na ngiti ang bumati sa kanya mula sa babaeng naghihintay sa labas.

"Hi, we've prepared your snacks at the terrace garden. Would you mind?" malambing itong nagsalita.

Hindi revealing ang suot nitong bestida pero manipis at naaaninag niya ang katawan nito sa ilalim. She must be a half-breed. But he can't tell through the color of her eyes because of the contacts she's wearing. 

"No, of course. Thank you. Come in and let me change a proper outfit." He rolled the wheelchair aside to give her space. He is getting used to the service de-luxe here, minus the attire. But he is sure this woman is not one of the employees. Kung hindi siya nagkakamali baka ipinadala ito ng council para sa isang shady job.

Pumasok siya sa loob ng kuwarto at nagbihis ng cotton long sleeves shirt. Paglabas niya ay maagap siyang dinaluhan ng babaeng bisita.

"Let me help you with that." Itinulak nito ang wheelchair niya palabas ng maindoor ng suite. "By the way, I'm Lexie Ortega..." at nagpakilala habang patungo sila sa sinasabi nitong terrace garden.

"Hm, nice to meet you, Lexie."

Again, he was taken aback by the impeccable view of the terraces garden enclosed in a thick armored glass. Sophisticated array of flowering plants and the three tired fountain in the middle of a pond. Colorful Love birds are taking stroll outside their cages, transferring plants to plants. Huni ng mga itong nagsusuyuan ang pumupuno sa buong paligid.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I'm here to offer you a service. I heard your wife is pregnant?" pahayag nito matapos ihimpil ang wheelchair niya sa mesang hitik sa miryenda at mga panghimagas.

"She is." Sinulyapan lang niya ang mga pagkain. Busog pa siya at wala rin siyang balak na tikman ang mga iyon. Mabuti nang maingat at sigurado.

"Women carrying babies cannot function very well especially with your condition. I mean, you need supplement to spice up and rejuvinate your...you know, your libido. Kapag nagtagal na hindi nagagamit iyang alaga mo, baka makalimutan na niyan tumigas." Umuklo sa harapan niya ang babae at malanding kumindat.

"And what do you suggest?" He pretended buying the scheme.

"We can do a little exercise," lumandas ang dila nito sa ibabang labi at akmang hahawakan siya sa pundilyo. "I'm a sex therapist, I can help you."

"That's nice but I think I pass. I'm lucky my wife is always satisfied with my performance and she would never demand those unnecessary stuff from me," pahayag niyang nagpatigil sa binabalak nitong gawin. Iginulong niya ang wheelchair paalis doon. He had seen enough of the place.

Humabol ito. "But you could give it a try, can't you? No one will know." Humarang ito sa daan. "This is a free service."

"I don't know how well you can ride and I have no intention of finding that out. But I believe the performance of my wife on this area is way better. Whoever told you that we are missing our regular love-making, well, they're wrong. We haven't miss a single day since we got married. For me and my wife, love-making doesn't always have to do with sex." Saglit siyang nahinto nang may maalala. Napansin niya habang palabas kanina sa suite na nawawala sa usb port ng kanyang laptop ang flash drive na naglalaman ng aunthenticated program of works mula sa planning department ng Andromida Conglomerate. "Speaking of, did you get your hands on my stuff?"

"What?" Her reaction was very evident.

"The flashdrive."

"I don't know what you're saying."

"Let's see." His eyes squinted all over her.

"You can't ask me to take off my clothes here, that's harassment," defensive nitong wika.

"Really?" Harassment? Kanina lang ay inalok siya nitong magtalik tapos ngayon ay harassment na kung maghubad ito? "You don't need to do that. Just turn around and pull your hair up."

"What?" Again, her face spell the guilt she is trying to deny.

"Nasa batok mo ang hinahanap ko, ibalik mo na sa akin."

Napalunok ito at nakipagsukatan muna sa kanya. Pagkuwa'y hinawi nito ang nakababang buhok na lagpas balikat ang haba. Nakaipit sa choker na suot nito ang flash drive na nasa gawing batok nito. Buti na lang mahusay ang nagtuturo sa kanya kung paano gawin ang basic investigation. Si Yamraiha.

"How did you know?" tanong nitong ibinigay sa kanya ang flash drive.

"Let's just say I'm not just good in sex, but also in other things. Tell the council members who sent you, I will be an addition to their odds."

"Nobody sent me."

"Well, pretty lame because your convincing prowess fell short today," pinal niyang sabi at iniwan na ang babae.

Pagdating niya sa kanyang kuwarto ay naroon na sina Nawi at Yamraiha. Agad siyang dinaluhong ng yakap ng asawa.

"Saan ka ba galing? Nag-alala ako sa iyo!"

"I'm fine," he gestured a kiss and Nawi pressed her lips on his mouth.

Lumapit sa kanila si Yamraiha matapos nitong ilapag sa mesita ang kinakalikot na cellphone. Tinanggal niya ang mini-camera na ikinabit niya sa kanyang long-sleeves at ibinigay sa lalaki.

"I think I got pretty much of what you need."

Tumango ito. "This will do."

"What is that?" tanong ng asawa niya.

"Evidence," kinuha niya ang kanan nitong kamay at dinampian ng halik.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon