Chapter 9 - Ikalimang Yugto

893 62 3
                                    

One week after the press release, the ALON Official fanpage announced to sign-off, and Wayve's accounts for modeling in all social media platforms were deactivated by his admins and moderators. Ang anunsiyo ay pinagtibay ng agency na may hawak ng kanyang kontrata pagkatapos niyang magbigay ng parting statement sa media. Ang pagtigil niya sa pagmomodelo ay suportado ng pahayag ng kanyang doctor na kinompirmang hindi na siya makalakad sa mga susunod na lima hanggang walong buwan.

Laman sa mga balita at nagtrending sa internet ang nangyari sa kanya. Inulan siya ng mga mensahe mula sa nagluluksa niyang stans. Pero karamihan ay nagpaabot ng pag-unawa. Ito ang inasahan niyang positibong resulta ng kanyang ginawa. Mapayapa siyang makaaalis sa pagmomodelo, katahimikan para sa pamilyang binuo niya at kaligtasan para sa kanyang asawa. Panahon na ang bahalang umagapay sa fans niya para lubos na matanggap ng mga ito ang kanyang desisyon.

"You really want to end your career like this?" Si Rogue na hindi naman niya nahimigan ng pagtutol ang tono. He must have simply asking out of surprise. This is one of those selfish decisions he made without consulting his friends. Mula nang mabuo ang banda nila, nakagawian na nilang mag-uusap-usap tuwing may importanteng ganap sa kanilang personal na buhay. Natuto lang siyang umarya pansamantala nang makasal sila ni Nash noon ng lihim.

"I have found a new interesting career that I'm sure I'm going to love. Fatherhood and Nawi's good husband. But of course, hindi ko naman bibitawan ang musika natin. Heartbreakers will always remain on my list while I can still sing and write songs, only, from now on my lyrics will be for my wife alone." Ngumiti siya nang masulyapan ang pagbukas ng pinto ng kanyang suite.

Magkasamang pumasok sina Claudia at Nawi. Kanina ang mga magulang niya ang nandito. Sa nagdaang mga araw, walang patid ang pagdating ng mga bisita niya. Hindi siya nauubusan ng mga taong nagmamahal sa kanya. Kahit ang mga magulang ng kanyang asawa ay nagkusang lumuwas para lang personal siyang makita at makumusta ang kanyang kalagayan.

"I wouldn't say I'm against it, kung ganyang saya ang nakikita ko sa mga mata mo sa kabila ng kondisyon mong iyan. Perhaps, you're physically unfit but mentally and emotionally, you are stronger than ten horses." Nagbiro si Rogue matapos batiin ng tango ang mga bagong dating.

"Good afternoon," gumanti ng malamyos na bati si Nawi.

Si Claudia ay tipid na ngiti ang ibingay sa kaibigan niya.

Lumapit sa kanya si Nawi at kinudlitan ng halik ang kanyang labi. "Nagkausap kami ni Yam sa labas. Naareglo na raw niya ang tungkol sa kaso ni Jeri. Hindi na magdedemanda si Kate at hindi na rin tayo magsasampa ng charges laban sa kanya kapalit ng pag-atras niya sa asunto para kay Jeri."

Tumango siya at pinisil ang baba ng asawa. Lalo itong gumaganda ngayon habang nagbubuntis. "Kung okay sa iyo ang arrangement na iyan, okay na rin sa akin." He confirmed and she nodded. Ipinaubaya na rin muna niya ang pag-aasikaso sa issue na kinasasangkutan ni Kate.

"I have to go, brod. Take it easy and see you around. Baka bukas sina Lei Rynn at Xandr  naman ang bibisita." Nagpaalam na si Rogue na tumayo mula sa kinauupuang couch.

"Thank you for swinging by, Rogue." Nagbungguan sila ng kamao.

"Salamat sa pagpunta," pahabol din ni Nawi. Habang si Claudia ay lumapit sa kama at inalok siya ng prutas.

***
Tiniyak ni Nawi na makikita ni Wayve na masaya siya. Ayaw niyang isipin nitong magiging pabigat ito at alalahanin sa kanya. Yamraiha told her everything about the accident that they orchestrated. Nagtaka kasi siya at ayaw na ni Wayve na paimbistigahan ang sasakyang bumalya rito kaya ito nakaratay ngayon. Ang piliin na magiging masaya lagi ang tanging magagawa niya para hindi masayang ang pagsasakripisyong ginawa ng asawa niya.

Bukod sa photo shoots at ilang runway shows na kailangan niyang tapusin sa Kimberly, binigyan din siya ng biyenan niyang lalaki ng opisina sa kompanya kungsaan niya kinokompleto ang pagbuo ng composite team para sa bagong project ni Wayve. Nagsimula na siya sa pakikipag-usap sa DILG at Department of Agriculture, para sa local government units at ngayong araw ay naihain na ang Memorandum of Understanding.

"Congratulations, you did great." Yamraiha complimented after they went out of the elevator.

"Thank you, mas makagagalaw ng maayos ang proyekto kung may basbas ng pamahalaan lalo na ng Department of Agriculture."

"Nice shot, Nami. Your big guy in the hospital will be proud of this."

"Dadaan nga pala tayo sa clinic ni Dr. Roziel, bibigyan daw niya ako ng vitamins." May kasamang panunukso ang ngiti niya. "Dadalhan ko rin siya ng vitamins."

"Really? What vitamins?" he asked, shotting up one of his eyebrows.

She giggled. "Ikaw."

Umangat lang ang sulok ng labi nito at iginiya siya patungo sa nakapark na sasakyan sa lobby ng gusali.

"I promised her a lunch today, good timing, you can come before we go home." Pinagbuksan siya nito ng pinto.

"Hindi na, ayaw kong makaabala sa moment ninyong dalawa."

"Are you trying to be generous?" he teased her back and put the car on gear.

Nakangiti siya habang nasa biyahe sa magandang balitang dala niya para sa asawa. Ramdam niya ang aftermath ng lubusang pagbitaw nito sa modeling pero maliban sa mga die-hard fans nitong nabigyan na ni Yamraiha ng warning, wala nang nagtangkang sisihin siya at idawit sa naging desisyon ni Wayve. Malamang sa mga susunod na linggo'y matatapos na ang kontrata ni Yamraiha bilang bodyguard niya.

Isang buwan pa ang nilagi ni Wayve sa hospital bago nagbigay ng go signal ang doctor nitong pwede na itong lumabas at sa bahay na lubusang bawiin muli ang lakas. He is on wheel chair already when they brought him home. May schedule na silang lumipad pauwing Dolorosa dahil hiniling nitong doon sa bahay nila sa nayon gagawin ang therapy nito.

"Sabihin mo lang kung may kailangan ka pa ha?" sabi niya matapos itong tulungan na makapagbihis.

Halata ang paninibago nito dahil sa limitadong pagkilos dulot ng mga binti nitong hindi magamit. Pero hindi niya ito nakitaan ng pagkaaburido gaya ng madalas niyang mapansin sa mga baldadong pasyente.

"I'm good, Sibol. Let me see your tummy," hinawi nito ang suot niyang manipis na blouse at sinuri ang kanyang tiyan. Impis pa rin ang tiyan niya. He kissed her belly button and wrapped his long arms around her waist.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon