Chapter 4 - Ikalimang Yugto

851 61 0
                                    

Kahit madaling araw nang nagtapos ang masayang event sa kanyang graduation masigla pa ring gumising ng maaga si Nawi. Nilagay niya sa ilalim ng kili-kili ang papeles at binitbit ang karton ng fresh milk at crystal bowl na puno ng pulang rosas. Dinala niya ang mga iyon sa terrace ng presidential suite at naupo sa rocking chair doon. Nilapag niya sa kalapit na mesita ang gatas at ang bowl saka muling binasa ang nilalaman ng MOA.

She smiled and flipped the paper to another page. Pirmado nina Wayve at ng mga kaibigan nito ng bawat pahina ng dokumento, tanda ng pagsang-ayon sa lahat ng nakasaad doon. Signatory rin siya at ang kinatawan ng bawat farmer groups na dumalo kagabi. Siya ang focal person at controller ng budget allocation na papasok sa account ng kada grupo. May monitoring team ding itinalaga para sa liquidation at para magiging maayos ang daloy ng sistemang iikot sa buong kontrata na kaakibat ng kasunduan.

Dinampot niya ang karton at sumipsip ng gatas. Kumuha ng rosas mula sa bowl at kinain. Nilapag niya sa mesita ang papeles. Kagabi ay pinabaunan ng asawa niya ng tig- five million pesos ang bawat grupo bilang initial subsidy para sa pagsisimula ng susunod na quarter. Pambawi iyon sa malaking lugi sa nakaraang quarter dala ng mga kalamidad na tumama sa bansa. Nag-iyakan sa saya ang mga magsasaka. Hindi marahil inasahan ng mga ito ang maagang biyaya mula sa Gems International Hotel.

"Having good time with your favorite meal?" Wayve's seductive tone made her smiled wider.

Nilingon niya ang asawa na naglakad papalapit sa kanyang kinaroroonan, bitbit ang mug na may brewed coffee. He is half naked, only a thin white trousers hang loosely down on his sturdy lower. His skin with the shades of bronze blushed through the bright sunlight. She still can't exhaust her admiration for him, because everytime her eyes find him, something new and beautiful unfolds before her eyes. Like his songs, he is in a gorgeous physical rhytmn she will never get tired of.

"Fantasizing me, Sibol?" biro nitong umuklo at hinagkan siya sa labi. "Mas masarap, ako o iyang kinakain mong bulaklak?"

"Ikaw, siyempre." She giggled.

Hinabol niya ang labi nito para sa isa pang mapusok na halik. Ibinaba ng asawa niya ang mug sa mesita at pinagbigyan siya.

"I haven't said it properly last night, thank you so much for supporting my ideals. I'd like to correct what your parents used to tell me. Hindi ikaw kundi ako ang maswerte sa pagkakaroon ng husband na kagaya mo."

"We're both lucky, let's leave it at that, okay?" His right thumb caressed her lower lip lightly as if touching petals that's about to fall. Dinampot nito ang mug at humigop ng kape.

"Kailan magsisimula ang training ko para sa monitoring team?" sabik niyang tanong at sumipsip na rin gatas. Balik siya sa pagkain ng mga rosas na nasa bowl habang naaaliw na pinagmamasdan ng asawa.

"After we get your credentials and your track records from the university. Don't worry, everything is set according to plan. We had it on calendar but no need to rush. We still have time for the second phase of the financial subsidy. Pwedeng ikaw na ang pumili ng schedule para sa training para convenient sa iyo at walang conflict sa projects mo sa Kimberly."

Tumango siya. May mga nakalinya pa siyang endorsement sa Kimberly. Siguro, i-sesettle muna niya ang mga kailangan pa niyang ayusin sa school at gagawa siya ng proposal para sa flexible schedule. Gusto rin kasi niyang pagtuunan ng panahon ang proyektong ito ng asawa niya.

***
Naiiritang pumasok si Kate sa dressing cubicle niya pagkatapos silang bigyan ng twenty minutes break para i-relax ang mga paa. Hanggang ngayon doon sa runway usap-usapan pa rin ang kasal nina Wayve at Nami na gumulantang sa kanilang lahat.

Ang babaeng iyon na may magandang mukha pero kinapos ng tangkad ay naliligo yata sa swerte noong isilang. Hindi niya alam kung ano'ng paraan ang ginamit nito para mapaibig si Wayve. Mula thirteen ay nagmomodel na siya sa agency kung saan naroon ang lalaki. Ito ang dahilan kaya pinasok niya ang mundo ng pagmomodelo. Pangarap niyang makasama ito sa pictorial at sa runway. Pero kahit maliit na pagkakataon ay hindi siya nabigyan.

"Jeri, pasok ka nga rito!" tawag niya sa kanyang PA.

"Bakit?"

"Handa ka na ba para sa plano natin? Huwag kang papalpak kundi lagot ka sa akin," may kalakip na babala ang kanyang pahayag.

"Ready na ako at hindi ako papalpak, basta 'yong ipinangako mong bonus sa akin ha?" Kumindat si Jeri.

"Oo na, doon ka na sa labas." Itinulak niya ito. Lalasunin niya si Nami at ang pinagbubuntis nito. Kailangang mawala sa mapa ng Pilipinas ang pandak na babaeng iyon. Wala namang ibang pagbibintangan sa gagawin niya kundi ang fans ni Wayve. Ligtas siya sa pagdududahan dahil hindi siya miyembro ng Alon.

"Jeri!" tawag niya ulit.

"Ano?"

"Alam mo na ba ang sched niya next week?"

"Alam ko na, nakahingi na ako sa production. Huwag ka nang mag-alala, ako'ng bahala."

"Sige, may tiwala naman ako sa iyo. Kapag nagawa mo iyan ng maayos, dodoblehin ko ang bonus mo."

Nag-thumbs up ang PA niya.

Dinampot niya ang kanyang cellphone sa dressing table at sinilip ang kanyang IG. Nagpost siya ng congratulatory message para kay Nami. Plastikan siyempre. Nag-heart react ito at comment na tatlong heart. Napaismid siya at ibinaba ang cellphone. Halos picture na naman ng babae ang laman ng newsfeed niya. Post mula sa fans nito at ng Alon. Lalo siyang nabubuwesit mag-scroll.

"Kate, tinatawag na kayo!"

Tumayo siya at sinipat ang sarili sa salamin. Kung tutuusin, mas maganda siya kaysa sa babaeng iyon. Matangkad siya at mas makurba ang katawan niya. Hindi kasi siya nagpapabaya. Inalagaan niya ang sarili. Tama, ang sarili niyang para lang sana kay Wayve.

Nagulat siya pagdating sa runway nang makita roon si Nami, kausap  ang head mentor nilang si Xiellou. Mukhang bibigyan na naman ng part sa fashion show ang babaeng ito. Bigla kasing sumikat ng bongga dahil sa surprise wedding. Tiyak hahakot ito ng manonood.

Bwesit talaga!

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon