Chapter 1- Ikalimang Yugto

966 71 2
                                    

A smack kiss on her lips pulled her back to herself. Nawi blinked and put up a smile to hide her embarrassment. Tulala na naman siya kay Wayve na nagpalit ng attire. Pictorial nila ngayong araw roon sa studio ng Kimberly.  Minabuti na ni Julie na roon gagawin kaysa lumabas pa sila at magkakagulo lang dahil sa fans na tiyak dadayo para mapanood ang asawa niya.

"That expression on your face is something I would never forget, you are a major turn-on," pabulong nitong sabi at pinisil ang kanyang baba.

Her nose crinkled. "Ang guwapo mo kasi," anas niyang namumungay ang mga mata.

"I knew it but it hits different coming from you." Kumindat ang lalaki at tumalikod para sa bagong shots na gagawin.

Bawat outfit na suot nito'y nabibigyan nito ng kakaibang character at paulit-ulit siyang nai-inlove sa lahat ng katauhan iyon. He is taking his job in front of the camera seriously. His concentration is fierce that nothing in there can distract him. Ngayon niya naiintindihan kung bakit naging top male model ito. Hindi ito humaharap sa camera para lang magpapapogi. He's there for business.

"You will be joining him for the next shoot, Nami!" The photo director called her attention. "Get her ready guys!"

Lumapit sa kanya ang make-up artist at ang in-charge ng wardrobe. Inakay siya patungo sa loob ng dressing room. Ikalawang araw pa lang mula nang makabalik sila rito sa metropolitan. Kasama nila ang buong pamilya niya para dumalo sa nalalapit niyang graduation. Kung hindi kayaning matapos ng tatlong araw ang photo shoot ay mag-e-extend sila pero ang magiging venue ay roon na sa Nami Gold Residence Hotel.

"Nami, you're up!" tawag ng isa sa mga crew.

Sinipat muna niya ang sarili. Dark ang make-up niya. Artificial lights kasi lahat ang liwanag doon sa studio. Baka magmukha siyang maputla kung manipis ang magiging make-up niya. Sabik siyang nagtungo sa kinaroroonan ng asawa. Sinalubong siya nito.

"Stunning," anas nitong binuhat siya patungo sa nagkikislapang camera ng mga photographer nila.

Hindi niya ako ibinaba, sa halip ay isinampa sa likod niya. Nakangiting tumitig ako sa kanya habang nakalingkis ang mga braso ko sa kanyang mga balikat. Sa kagaya niyang beterano sa ganitong larangan, hindi ko na kailangang mag-isip pa kung ano ang dapat kong gawin. Hahabulin ko lang kung nasaan ang paningin niya at ngumiti.

Kung sa ibang modelo ay panay ang bigay ng instruction ng director kung ano ang dapat na expression na tumatak sa camera, kay Wayve ay napakatahimik ng production. They expected Wayve knew what the clients are looking for. His strikes on the camera are flawless and on marked degree. Napapa-wow na lang ang crews na nanonood, gaya ngayon kahit kasama na siya nito.

He is in command. Setting her on fire. She enjoyed so much with his hands on her body, never letting her go. When he pulled her closer, and crouched for a taste of her lips, she automatically open her mouth and tiptoed to meet his kiss. But it was just a bait for an excellent intimate shot. The entire production applauded them.

"Paasa ka," pabulong niyang angal na kinurot ito ng maliit sa tagiliran.

Ngumisi ito ng pilyo at pinisil ang pang-upo niya. They packed up after completing the three wardrobe change.

"Almost half-way that is. I believe we can do this in two more days left," he reported to Julie while taking their break on the VIP lounge of Kimberly. May pagkain at inumin doon para sa kanila.

***
This is the first time that he enjoyed a lot during his photo shoot and won't mind doing it the whole day. Iba ang saya na nararamdaman niya habang kasama sa harap ng camera si Nawi. Hinabol niya malagkit na titig ang asawa na naglalakad patungo sa buffet table. Suot pa rin nito ang last shot attire. Off-shoulder dress and above the knee, white and flower printed.

Nilagok niya ang laman ng bitbit na wine glass at tumayo. Sinundan si Nawi. His libido is boiling watching her butt swayed. Bawal itong puyatin ngayon dahil graduation nito bukas. He wanted her to look her best tomorrow. Nakabili na siya ng gift at nai-deliver na sa hotel kanina.

"Cakes and Muffins?" He sneaked his arm around his waist.

Nakatingin lang ito iba't ibang cakes at muffins doon na nakapalibot sa flower vase.

"Ang gaganda ng kulay."

"Bakit hindi mo tikman?"

Tumango ito at inabot ang puting rosas sa loob ng antigong flower vase. Kumuha ito ng isang tangkay at kinain ang bulaklak. Ngumiti ito ng matamis sa kanya habang ngumunguya na wari ba ay mas masarap pa sa cake ang nasa bibig. Laglag ang mga panga niya.

"Maasim at mapakla, mas masarap siguro 'yong hindi pa namumukadkad. Bili tayo mamaya sa flower shop ha?" Muli itong kumuha ng isang tangkay mula sa vase at isinubo. "Ito naman watery."

Nakatulala siya sa asawa na inubos ang rosas na laman ng vase. Dumighay pa ito pagkatapos uminom ng apple juice. He panicked when she turned to the other vase full of roses. What is happening to her? When did she ever think that roses are edible and delicious? Baka masobrahan ito ng kain, mamaya hindi na matunawan.

Mabilis niyang nadampot ang flower vase at inilayo sa asawa. Kumalat agad ang inis sa buong mukha nito at nanlisik ang mga matang nakatingala sa kanya.

"Akin na iyan, gutom pa ako!" sikmat nitong pilit na nilulundag ang flower vase na para bawiin.

"Enough, Nawi. Those are the food," itinuro niya ang mga pagkain. "This are flowers."

"Alam ko pero iyan ang gusto kong kainin, ayaw ko sa mga pagkaing nasa mesa, nasusuka ako," maktol nitong sambakol na ang mukha.

"Nasu-" what did she say?

Parang may sampung kabayong nagkarera sa kanyang dibdib. Is she pregnant? She's having their first baby? Hindi na siya nakatutol nang hablutin nito ang flower vase at itinakbo. Para siyang timang na humalakhak doon habang nasa isang sulok ang asawa at kinain ang mga rosas.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon