Chapter 5 - Ikatlong Yugto

1K 72 1
                                    

Nobody in that arena probably had the idea that they're looking at her wife, gracing the catwalk, wearing that almost see-through sky blue summer maxi dress. Yet, he can't help but be proud of her.

Her daring confidence slays. Her sultry charm has taken everyone so bad. The messy waves of her hair tumbled down softly in her back flashed like locks of black jewels. He swallowed hard, eyes fell on her hips swayed in elegance while she took her sweet time on the T-shaped runway.

He crouched, putting his elbows above his knees and never leaving his eyes on her. Pinagsalikop niya ang mga kamay at ipinatong doon ang baba. Nang dumaan sa tapat niya ang asawa at hinagip siya ng paningin nitong nakangiti, gusto na niyang dakmain ito at itakas mula roon.

Hanggang kailan pa niya hahabaan ang kanyang pasensya? He's been deprived to hold her for two years. Baka kapag nasa mga bisig na niyang muli si Nawi ay madudurog ito kung hindi niya makokontrol ang emosyon na pilit niyang ikinadena sa dalawang taon na nakalipas.

He cursed quietly when she made her last passed on the ramp and their eyes met. Umahon siya sa upuan nang pumasok ang ibang set ng models. Tahimik siyang pumuslit sa backstage. The place is packed with models running on to the make-up and hair station.

"Girls, do your touch-ups!"

"Next set... to your starting line now!"

Noisy managers shouting their notes. Ang stylists, makeup artists, hairdressers ay hindi magkamayaw sa pag-asikaso sa mga modelo.

There were publicists, and other fashion elites who ensured a fabulous show. But it's getting chaotic in there so no one had the chance to notice him. However, some models started checking him out. He signaled them to keep quiet and let him walk-through in peace. Pero nangisay ang mga ito at tumili. Buti at humalo lamang sa ingay ng paligid. They were called shortly by the managers and he was saved.

Ibinaba niyang maigi ang suot na dark cap para matakpan ng anino ang kanyang mukha at ipinasok sa bulsa ng coat ang mga kamay. Tinunton niya ang cubicle ni Nawi habang lumusot sa gitna ng mga props para iwasan ang mga matang nagkalat. Mabilis niyang nahanap ang cubicle ng asawa.

Yamraiha was there, standing right at the step of the entrance. Marahan itong tumango sa kanya at tumabi. Hinawi niya ang kurtina at pumasok. Suminghap ang babaeng nasa loob, pigil ang pagbagsak ng damit na hinubad nito at itinakip sa hubo't hubad na katawan.

"A-ano-"

Hinapit niya ito at piniga ng kanyang yakap. Her intoxicating smell wafted inside his nostrils and made his nerves sprint wild.

"Wayve...bakit ka pumasok dito? B-bawal ka..." bumuntong-hininga ito nang humaplos ang kamay niya sa hubad nitong likod pababa sa pang-upo nitong manipis na tela lang ang pananggalang laban sa init ng kanyang palad.

"My car is waiting outside, come with me..." he pleaded, breathing ruggedly.

"Hindi pa tapos ang fashion show."

"Yamraiha fixed it. Your part of the show is over and I have permission from Julie and Xiellou. I will join the men's gallery show next week in exchange for this." Niluwagan niya ang mga bisig na nakabakod dito para makahinga ito.

Namimilog ang mga matang tumingala sa kanya ang asawa at hindi na siya nakapagtimpi pa. Sinalubong niya ng halik ang nakaawang nitong labi.

***
Panakaw na kinapa ni Nawi ang labi habang kinakaladkad siya ni Wayve patungo sa exit door ng backstage. Nasa unahan nila si Yamraiha at tiniyak na ligtas ang bahaging iyon ng gusali. Ano ang nangyari? Kakampi na nito ang bodyguard niya na dati-rati ay sukdulan kung bakuran siya huwag lang malapitan ng asawa?

Ikinapit niya ang kamay na hawak nito. Lumingon sa kanya si Wayve, may bahagyang ngiting nakapaskil sa kurba ng labi. His eyes were simmering with the combined love and lust that she can never forget. Hindi pa niya masasabi kung ang pagsama niya rito ay para sa tuluyan nilang pagkakaayos. Gusto lang niyang malaman ang totoo. Makita ang mga katibayang sinabi nito. Kung totoong fraud nga lang ba ang annulment nila.

"I will escort you with my car," pahayag ni Yamraiha pagdating nila sa labas at pumarada ang sasakyan ni Wayve. Binuksan nito ang pinto para sa kanya at nakaalalay habang sumampa siya sa loob.

Tinapik ng asawa niya sa balikat ang lalaki at pumuwesto na ito sa driver's seat. He turned to her and bent forward. Brushed a soft kiss on her lips and rubbed her blushing cheeks with his thumb. Pinalulundag nito ang puso niyang hindi pa nga lubusang nakabawi mula sa tagpo nila roon sa cubicle.

Tila ang bilis ng biyahe nila at sa isang kisap-mata lang nakarating sila sa Emerald Gem Hotel. Sa elevator pa lang paakyat ng presidential suite ay sinaklot na siya ni Wayve sa balakang at siniil ng halik sa labi. Ikinawit niya ang mga braso sa batok nito at hinayaan na ang sarili na umangat sa sahig.

Teka, nandito sila para mag-usap. Pero mukhang mauunang magkakaayos sina Kab at Sibol nito. Hindi naghihiwalay ang mga labi nila at hindi nabawasan ang sidhi ng halik kahit lumabas na sila ng elevator at karga siya ng asawa papasok sa suite. Saglit lang itong bumitaw nang buksan nito ang electronic lock ng pintuan.

Tila ilog na rumaragasa kung bumalik sa utak niya ang alaala ng una niyang karanasan sa kakayahan ng asawa. Sakit ang nakarehistro sa utak niya pero ang paglaki ng puso niya dahil sa saya ay hindi maipaliwanag. Siguro dahil mahal niya ito at kung pumasok ito sa kailaliman niya, ibig sabihin isinuko nito ang sarili sa kanya. Sapat na iyon upang pukawin ang kanyang pagnanasa.

"I love you, Sibol..." pabulong nitong sambit na hinagkan ang kanyang tainga.

Ngumiti siya at hinaplos ang panga nito. "I love you, Kab..." halinghing niya. Lumubog siya sa lambot ng malaking kama kasama ng mabigat nitong katawan sa ibabaw niya.

This is her husband. Now, that he is back in her arms, she will do what it takes to keep him.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon