Panay ang sulyap ni Nawi sa rear view mirror para silipin ang sasakyan ni Wayve na nakabuntot sa kanila. Hindi nito nagawang makumbinsi si Alexial at kung hindi siya namagitan ay baka nagkasukatan na ang dalawa. Both guys have their valid point. Wayve being her husband has the right to her protection and custody while Alexial being her guardian and bodyguard was only doing his job as mandated by what is found in the contract. Parehas na kaligtasan niya ang iniisip ng mga ito, iyon nga lang pati pride ay nagbabanggaan at siya ang naiipit sa gitna.
"You're upset?" tanong ni Alexial na nagmamaneho. Papunta sila sa school niya.
"Hindi naman."
"Believe me, I feel bad for him too. But he is not my client, I don't have to answer his demands," he explained.
"Naintindihan ko, Atty." Tango niya. "Kailan nga pala mag-e-expire ang kontrata ni daddy sa inyo?"
"Hindi sa father in-law mo nakadepende ang expiration ng kontrata kundi sa asawa mo. Kapag iniwan niya ang modeling, automatic ding magtatapos ang kontrata."
Nawalan siya ng kibo. Ibig sabihin kailangan talagang huminto ni Wayve sa pagmomodelo? She sighed and glanced at the side mirror.
"Talk to him. He has to act fast or else he will be up against a much complicated scenario."
"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" Wala sa loob na napabaling siya sa abogado.
"Mukhang natutuwa sa iyo si Athrun at gusto ka niyang isali sa potential brides ng bunso naming si Leihnard."
"'Y-yong artist?" Namilog ang mga mata niya.
"That's right, the artist." Ngumisi si Alexial. "Do you like him? I mean, his works and masterpieces are incredible."
"Pero may asawa na po ako, Atty."
But he just laughed. "Do you think it is impossible for us to break your marriage? Hindi mo lang alam pero minsan ay nakakausap ng chairman ang ama mo."
Ngumuso siya. Nakadama ng inis. Ang Papang niya ang nililigawan ng mga Andromida?
"Mahal ko po si Wayve." Pinagmasdan niya ang sasakyan ng asawa na nasa hulihan.
"I've no comment for that."
Dapat na silang umuwi agad ni Wayve ng Dolorosa para makausap ang mga magulang niya. Paano na lang kung ang Papang naman niya ang aayaw sa pagsasama nilang mag-asawa. Hindi siya sigurado kung kaya niyang mamili sa pagitan ng kanyang ama at ni Wayve.
She can't focus doing their graduation practice at the school auditorium. Sumasabay na lang siya sa ibang mga estudyante na magtatapos din gaya niya. Sasali sa pila kahit hindi siya sigurado kung doon ba siya dapat. Sina Wayve at Alexial ay naghihintay sa kanya sa parking area. Gustong sumama ng mga ito pero hindi siya pumayag. 'Pag nagkataon baka wala nang mangyayaring practice at dudumugin na lang ng mga estudyante ang dalawang lalaki. Alexial Andromida is a celebrity himself and has his own destructive presence that anyone wouldn't want to miss out.
"You're spacing out, Ms. Nami. You may rest kung hindi maganda ang pakiramdam mo. We understand that you're busy, baka kailangan mo muna ng pahinga." Nilapitan siya ng adviser niyang professor. Si Madam Angielyn Rodriguez.
"I'm really sorry, Madam. I will try to catch up in the next practice " Apologetic niyang pahayag.
Nagtungo muna sa bench para ipahinga ang kanyang mga binti. Halos dalawang oras na rin siyang nakatayo. Five minutes break lang ang pagitan ng bawat thirty minutes duration ng practice hindi kasali ang bahaging nakaupo na sila.
"Kailan mo sasagutin si Wayve?"
"Ms. Nami, sagutin mo na siya. Ang sweet-sweet pa naman niya. Lagi siyang may post tungkol sa iyo."
"Nakita ko rin 'yong last post niya, kinilig ako!"
Tatlong ka-batch niya mula sa ibang kurso ang pumaligid sa kanya. Nawala na sa isip niyang pati siya ay hindi na rin ma-enjoy ang ganitong maiksing privacy. Pero siguro ay naging immune na siya sa attention mula nang pasukin niya ang pagmomodelo dahil doon pa lang sa catwalk ay kailangan na niyang umagaw ng pansin mula sa audience.
"Kailangan ko munang matiyak na hindi magagalit sa akin ang fans niya kung tuluyan ko siyang agawin." Binigyan niya ang mga ito ng matamis na ngiti.
"No, hindi kami magagalit. Botong-boto ang Alon society sa iyo," excited na sagot ng cute at chubby na may mahabang kulot na buhok.
Tumango-tango naman ang dalawa pa nitong kasama. Natawa na lang siya. Epektibo nga ang approach na ginawa ni Wayve sa fans nito. Imbis na gawing kontrobersiyal ay isinali ng lalaki ang fanbase sa panunuyo sa kanya. Hindi mapawi-pawi ang ngiting ibinaling niya ang paningin sa mga malalaking bintana ng gusali na ang mabibigat na mga kurtinang berde ay nakahawi sa gitna. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang bulto ng lalaking nakasampa roon.
Si Atty. Alexial ba iyon?
Tumayo siya at tinanaw iyong maigi. Ang abogado nga. Mula sa kinaroroonan nito ay binantayan siya. Naglakbay ang mga mata niya. Baka pati si Wayve ay nagmamagaling ding umakyat doon. Hindi magpapatalo ang isang iyon. Pero natameme na lamang siya nang pumasok ang delivery ng isang kilalang pizza sa metropolitan.
Her husband is behind them, waving his right hand to the students. Hindi na magkamayaw ang mga naroon sa pagtili at pag-iingay habang papalapit ang lalaki. Buti na lang may dalawang school security itong kasama.
"Snacks guys, courtesy of Mr. Wayve Lizandro." Pumalakpak ang host na nagsasalita mula sa microphone.
"Dahil iyan kay Ms. Nami!" May tumili mula sa umpukan ng mga estudyanteng nakapila sa gitna. Ilan sa mga ito ay lumabas sa pila at kinuyog siya. Hinila siya para katagpuin si Wayve na nakikipagkamay sa mga professors na naroon.
Inulan sila ng tukso nang tuluyan siyang makalapit sa asawa at tumitig ito sa kanya ng matagal bago inabot ang kamay niya at dinala sa bibig. Dinampian ng halik.
"Thank you sa snacks," aniyang nagpasidhi pa lalo ng hiyawan ng mga fans nito.
"It isn't enough to make you say yes, it it?" Sinabayan nito ang romantic atmosphere na isinabog ng fans kahit hindi naman kailangan.
She knew he is working hard, even sacrificed sleep just put her on his top priority now while keeping up the demands of his responsibilities in the company, in his band, and his modeling career. He is losing too much already.
BINABASA MO ANG
HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔
RomanceHe is Izen, vocalist of the masked band Heartbreakers. Behind the mask he is Wayve Lizandro Romualdez in the modeling world. An heir to a multi-billion gems hotel chain in the country and a celebrity icon ruled at the top adored by one of the most a...