The clock notified him that office hours are over. Ibinagsak ni Wayve ang likod sa sandalan ng swivel chair at binuksan ang main drawer ng kanyang desk. Kinuha sa loob ang original copies ng annulment papers at tiim ang mga bagang na binasa ang nilalaman niyon.
Tunog ng intercom ang nagpaangat ng paningin niya. "Miller?"
"Sir, your dinner is ready. Naroon po sa presidential suite as requested."
"Thank you." Ibinalik niya sa loob ng drawer ang mga dokumento at itinulak iyon pasarado.
Lumabas siya ng opisina at umakyat sa presidential suite. Nadatnan niya si Nawi na nanonood ng latest performance ng Heartbreakers sa music channel. Bukod kina Nyke at Luna, isa ang asawa sa nagkaroon ng prebilihiyo na makilala ang tunay na mga mukha sa likod ng maskara ng bawat miyembro ng banda. Karapatang binigay lamang nila sa mga special na taong parte ng kanilang buhay.
"Dinner is set, shall we dig in?" Lumapit siya nang hindi pa rin ito kumibo kahit nakita na siyang pumasok.
"Maaga pa para sa hapunan. Mamayang kunti na lang." Saglit itong sumulyap sa kanya at umayos ng upo.
"Right," he nodded and started towards the bedroom.
He scanned the room. Her luggage is huddled in the corner and her delightful scent, like fresh vanilla lingered in the room. Binawi niya ang paningin at dinukot ang nag-vibrate na cellphone.
Mensahe mula sa president ng fan base niya. Binuksan niya iyon. May larawan ng isang college student na nasa hospital. Pero maayos na ang kalagayan matapos mabalian ng tadyang. Hinulog ito sa hagdanan ng school ng ilan sa kanyang mga tagahanga matapos magpost sa social media ng picture nilang dalawa noong nakaraan nitong birthday.
Sinagot niya ang hospital bills.Ganito ka-agresibo ang fan base niya. Gustong solohin ang kanyang atensiyon at ayaw na nakikita siyang may kasamang ibang babae. Walang pakialam ang mga ito kahit mademanda pa. Nagsagawa na siya ng seminars at orientation pero kahit siya ang sentro ng paghanga ng mga ito, hindi niya saklaw ang takbo ng utak at ugali ng bawat miyembro.
"Wayve?"
Pumihit siya. "Hm?" He slipped the phone back inside his pocket.
"Pasensya ka na, baka gutom ka na nga pala. Kumain na tayo." Nakatayo sa bungad ng pintuan ang asawa at ikiniskis ang mga palad sa suot na hapit na pantalon.
"It's alright, I'm not yet hungry. Tapos na ba ang pinapanood mo?"
Tumango ito at hinawi ang buhok.
But spools of it plunged around her face again."Bakit?" Tumingkad ang mga pisngi nito nang matawa siya ng mahina.
"Nothing," he tilted his head.
She frowned. Her face has fashioned her a natural beauty that artificial colors can't make any better. She had cute seraph's ears and pixie nose. Puffy lips in the shape of a cupid bow. Girls with these shapes of lips are said to be compassionate in general, take more time with people, and are considerate. She is the proof.
Nagtungo silang dalawa sa may pool kungsaan nakahain ang hapunan. Nagpapalit ang liwanag na kumikislap mula sa ilalim ng tubig. Purple, green, blue.
***
Nabusog si Nawi sa hapunan. Busog din ang mga mata niya sa kamamasid sa mukha ni Wayve at sa mailap na mga ngiti nito. Sa walong buwan nila bilang mag- asawa, bihira ang ganitong pagkakataon. Higit pa sa ginto ang oras ng lalaki kaya nasanay siyang maghintay kung kailan nito bibigyan ng panahon.Tatlong beses na siyang nakapupunta rito sa Emerald Hotel. Pero hanggang dito lang siya sa presidential suite. Hindi siya pwedeng bumaba at maglibot. Bawal siyang makita ng iba habang nandito siya.
Sabagay, pamilya niya at pamilya lang ni Wayve ang nakakaalam na mag-asawa sila. Kahit mga kaibigan nito sa banda ay walang ideya. Okay na rin iyon sa kanya para iwas gulo laban sa fan base nito. Ilang babae na ring nauugnay sa asawa niya ang naisugod sa hospital dahil kinuyog ng mga tagahanga nito. Hindi madala-dala ang iba. Makapapatay na nga't lahat parang balewala lang.
"I need to go back to the office." Nagpaalam ito sa kanya habang nakaupo siya sa gilid ng pool at nakalusong ang mga paa sa tubig.
Overtime ulit ito ngayon at malamang magdamag na namang magtatrabaho.
"Pwede kang sumunod doon kung maiinip ka rito."
Tiningala niya ang asawa. "Okay lang, dito na lang ako."
He nodded and bent down. She can't get used to his light kiss in her lips. Whenever he do that, she was like a cotton ball transported to another dimension, defying gravity.
"Good night, Nawi," he whispered, leaving a soft caress on her head.
Hinabol niya ito ng tanaw. Ayaw niya munang makita iyong tagpo na aalis ang asawa at hindi na niya muling makikita pa. Bagamat sumagi na sa isip niya kahapon na pirmahan na lang ang annulment. Maraming hindi nagagawa si Wayve sa loob ng mga buwan na nakakulong ang kalayaan nito sa kanya. Malamang may babae itong gusto pero hindi maligawan dahil kasal pa sila. Naturingang hindi nito kagustuhan ang kasal na iyon pero naging tapat itong asawa sa kanya at kahit one sided ang pag-ibig na namagitan sa kanila'y hindi ito sumubok na makipag-ugnayan sa iba.
Bumalik siya sa loob ng suite at hinagilap ang envelope sa loob ng kanyang hand carry. Hindi na nito kailangang sumama sa kanya sa probinsya para manilbihan sa pamilya niya. Wala lang siya sa sarili noon nang ibigay niya ang kondisyong iyon sa lalaki.
Kinuha niya sa loob ng envelope ang mga dokumento at inabot ang sign pen. Bagamat nahinto siya nang makita ang nakasulat sa papel. It is not the petition for annulment. It is a song.
NAWI...HAPPY 19TH BIRTHDAY
Silence
Something in your eyes is telling me...
The love that I need to learn...
A silent truth when everything else was taken...
Promise me that you're staying...
I love you, but-
You don't want to know...
I love you, but-
You keep saying no...
How can I ever let you go...Confused, she flipped the paper on the other side. Naroon ang content ng annulment petition.
BINABASA MO ANG
HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔
RomanceHe is Izen, vocalist of the masked band Heartbreakers. Behind the mask he is Wayve Lizandro Romualdez in the modeling world. An heir to a multi-billion gems hotel chain in the country and a celebrity icon ruled at the top adored by one of the most a...