Chapter 4 - Huling Yugto

921 56 0
                                    

"Thank you for getting this." Tinapik ni Yamraiha sa balikat si Wayve.

Tumango lang ang lalaki.

Si Nawi ay kanina pa nagtitiis habang tahimik lamang na nakamata at nakikinig sa dalawa. Panay ang subo niya ng rose yogurt mula sa bitbit na food bowl. Gusto niyang mag-usisa sa asawa pero mukhang kritikal ang pinag-uusapan nito at ni Yamraiha.

"Lexie Ortega is legit. She is a sex therapist," dagdag na pahayag ni Yamraiha.

Natigil na siya sa kinakain at nangungulot ang mga kilay. "What do you mean by sex therapist? Bakit may ganoon? Kailangan mo ba iyon?" tanong niya kay Wayve.

"No, it's not something like that. The woman who stole the flash drive, she is sort of like that. Offering me a free service." Nagkibit ng balikat ang asawa niya.

Umikot naman ang kanyang mga mata. "Bakit niya iyon gagawin? Wala namang problema sa erection mo," bulgar niyang atungal.

"That is beside the point." Banayad na hinaplos ni Wayve sa likod ng palad nito ang kanyang pisngi para pakalmahin siya. "She came to steal my stuff and not really to seduce me."

"She must have compensated to get anything from you that can be useful for stimulating their plan. We will look into it for further investigation," pakli ni Yamraiha.

Pinahaba niya lang ang nguso. Duda siya kung pagnanakaw lang talaga ang pakay ng babaeng iyon. Baka fan iyon ng asawa niya at naghahanap lang ng pagkakataon. Napailing siya. Wala ring saysay na pagurin niya ang sarili sa pag-iisip. Hindi iyon ang layunin kung bakit nandito sila. Ipapaubaya na niya kay Yamraiha ang pag-asikaso sa problema. Matibay naman ang tiwala niyang hindi matutukso sa iba si Wayve.

Ang Andromida Conglomerate ay parang maze. Maraming kakampi ang chairman pero ang mga taong sumasalungat sa pamumuno nito ay gustong pakinabangan ang kakayahan nito para sa pansariling interes. Ganito nga siguro ang sistema ng business. Parang giyera rin. Pero hindi ganitong uri ng kalakaran ang inaalok sa kanila ni Athrun.

Pinagtuunan niya ng pansin at pinag-aaralan ang naging resulta ng meeting niya sa CSWD at NGO groups pagkatapos niyang magmiryenda. Habang si Wayve ay may ginagawa rin sa laptop nito. Panaka-naka ay tumatayo siya at nilalapitan ang asawa. Sumisilip kung ano'ng nasa monitor ng laptop.

"Lyrics ba iyan? Bagong kanta ng Heartbreakers?" tanong niyang na-intriga.

"No, gift ni Skai para sa birthday ng wife niya at ng bunso nila. He asked me to suggest a melody fit for the song."

"Oh, he wrote it?"

Tumango si Wayve.

"Siguradong matutuwa ang asawa niya" komento niyang nakangiti.

Siya mismo ang nakaaalam kung ano'ng pakiramdam nang mahandugan ng kanta. Ilang personalized songs na rin ang naisulat ni Wayve para sa kanya. Ngayon na nakaratay ito sa wheelchair, dahil bihira na nilang magagawa ang routine nila sa kama, ginagawa nitong pantubos ang tugtugan siya ng piano at haranahin halos gabi-gabi.

Mula sa likod ay niyakap niya ang asawa at nagsimulang humimig ng isa sa mga kanta nito. He stopped messing with the laptop and focused his attention on her. Hindi na niya naituloy ang kanta dahil hinatak siya nito papunta sa kandungan kasabay ng pagtataggpo ng mga labi nila. Malalim ang halik at matagal. Kahit hindi iyon nauuwi sa nakagawian nilang love-making pero kontento siya  at kompleto ang kanyang pakiramdam.

"Nakainom ka na ba ng vitamins? Baka sinadya mo na namang kalimutan." Sinilip niya ang medicine cooler na lalagyan ng mga vitamins ng lalaki.

"I will take it later."

"No, ngayon na." Kumuha siya ng isang tableta at binitbit ang water jug. Malimit nitong inirereklamo ang matinding antok pagkatapos inumin ang vitamins nito. Pero sabi ng doctor nito mas makabubuti raw iyon para sa mabilis na pagbabalik ng dati nitong resistensiya sa katawan.

Makaraan ang ilang minuto ay napansin niyang naidlip na ang asawa. Kumuha siya ng kumot at ibinalabal dito. Sasaglit siya sa ground floor para makipagkita sa iilang farmers dito sa probinsiya na nabigyan ng dagdag na subsidy. Gumagawa kasi siya ng feasible study para may mga ideya siyang maibahagi sa ibang mga magsasaka na sasali sa programa.

Kalalabas niya lang ng elevator sa ground floor nang salubungin siya ng dalawang seargeant at arms.

"Ma'am, pinasusundo po kayo ni Chairman," pahayag ng isa sa mga ito.

"Okay, pero saglit lang muna. May kailangan pa kasi akong kausapin," aniyang itinuro ang grupong pakay niya roon sa ibaba. Naghihintay ang mga ito sa waiting area sa gawing kaliwa ng bulwagan.

Nagtinginan ang dalawa pero pinagbigyan naman siya. Agad niyang pinuntahan ang mga magsasaka at dinukot niya ang cellphone habang naglalakad. Tinawagan niya si Athrun. Naglakas-loob na siya. Gusto niya kasing makasiguro muna.

"Yes, Nawi." Sa hagod ng timbre nito ay para bang inaasahan nitong tatawag siya.

"Chairman, pasensya na sa abala." Huminto muna siya sa paghakbang at sumiksik sa gilid ng malaking paso na may mayayabong na fortune maker plant. "May sumundo po kasi sa akin dito, ang sabi pinapupunta mo ako."

"No, I sent no one to pick you. Kung may kailangan ako sa iyo, I will see you personally."

Napasinghap siya. Tama nga ang kutob niya. Nang muli siyang bumaling sa kinaroroonan ng dalawang seargeant at arms, wala na ang mga ito at hindi na niya mahagilap. Umilap ang paningin niya at naging alerto sa mga tao sa paligid.

"Relax, I have them now in my sight. The council sent them, they're getting used to bringing my name when they're inviting someone for a private meeting."

"Okay, naintindihan ko po. I guess, that means no harm then?"

"Yes, but be better careful still. The inclusion of your husband is getting close. Invitation from the different faction within the council is a sign that they recognized his credibility. They might resort to underhanded tactic if necessary just to earn his support and if they can't gain any favor, they will try doing things to stop the inclusion. Be prepared for that."

"Okay, Chairman. I will remember that, thank you so much."

"You're welcome, enjoy going around. Don't worry, I assigned guards for you. Nandiyan lang sila sa paligid mo at nakabantay."

"Oh, okay. Maraming salamat." Sinuyod niya ng tingin ang malawak na looban ng ground floor at napansin ang dalawa sa mga kapatid ng Chairman.

Nakatayo ang mga ito malapit sa entrada at exit. Halatang nakaantabay sa mga taong labas-masok. Pamilyar sa kanya ang mga mukha ng dalawa pero hindi niya matukoy kung tama ang mga pangalang naiisip niya.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon