Chapter 5 - Ikalimang Yugto

816 60 3
                                    

Hindi nga pumalya ang kutob ni Kate, napupunta na naman kay Nami ang segment para sa finale. Pipitsuging modelo na dalawang taon pa lang sa industriya pero nabibigyan na ng ganoong role. Siya na halos lumutin na sa rampa ay hanggang sa back-up segment lang ang inabot.

Nagpupuyos sa pagkamuhi ang puso ng babae. Pero siyempre hindi niya iyon maaring ipakita, sa halip na maghimutok ay kabaliktaran ang inaasta niya. Kaya siguro nakapasa siya sa pag-arte at nabibigyan ng ilang role sa mga movies. Mahusay siyang magpanggap at magtago ng emosyon.

"Hi, Nami! Congratulations again, so happy for you." Nakipagbeso siya rito na may matamis na ngiti.

"Thank you, Kate. Congratulations din sa movie role mo."

"Thanks," kumalas siya rito. "Kasama mo ba si Wayve?"

"Hinatid lang niya ako, may hinahabol din kasi siyang meeting."

"Where's your bodyguard?"

"Wala rin."

Pagkakataon na nilang gawin ang plano nila. at sinulyapan ang gawi ni Jeri. Nakuha ng PA niya ang clue at tumango ito.

"Hello, Ms. Nami!" Grupo ng mga baguhang models nila ang papalapit.

Kaya um-exit na siya matapos kumaway kunwari sa mga ito. Habang papalayo ay narinig niyang pinuri ng mga ito Lambo na regalo ni Wayve. Nakita niya iyon sa post ng Alon. Sayang, hindi magagasgas ng puwit ni Nami ang upuan ng mamahaling sasakyang iyon. Titiyakin niyang sa loob ng biente-kuwatro oras ay mabubura ito sa kanyang landas.

"Jeri, gawin mo na!" paasik kong sabi sa PA. "Hindi ko na matagalan ang mukha ng babaeng iyon! Sarap kalmutin."

"Ako na ang bahala."

Tamang-tama, may nakikita siyang fans ng Alon kanina na sumisilip sa dressing area. Nagbabakasaling naroon si Wayve.

***
Ibinalya ni Yamraiha ang bilis ng sasakyan sa binagbagtas na highway. Wala na si Nami sa hotel at nauna na raw pumunta ng Kimberly, hinatid ni Wayve. Masasakal niya ang lalaking iyon kapag nagkita sila ngayon. Ilang beses na niyang sinabing bawal iwanang mag-isa sa labas ng perimeter niya ang asawa nito lalo na ngayong pansamantalang may inasikasong ibang misyon si Leihnard.

Nakarating siya ng Kimberly at hindi na naiparada ng maayos ang sasakyan. Tinakbo niya ang loob ng gusali. Umakyat sa palapag kung saan ginanap ang rehearsal ng mga modelo para sa susunod na soft fashion show. Wala si Nami sa dressing cubicle. Baka nasa meeting room. Pumasok siya. Dinampot ang bote ng sparkling water sa ibabaw ng dressing table

"Hinahanap n'yo po ba si Ms. Nami?" Sumilip doon ang PA ng isa sa mga modelo. "Nasa display room siya at tinitingnan ang mga damit." Saglit na nahulog ang paningin nito sa bitbit niyang bote ng tubig.

He nodded, putting the bottle back on top of the dressing table.

***
Dumistansiya lamang si Nawi sa ibang mga modelo na tumitingin-tingin din doon sa display room. Panay ang bahing niya. Kumakati ang kanyang ilong nang masinghot kanina ang perfume ni Kate. Parang dumikit ito sa loob at bumaba pa sa kanyang lalamunan. Nasusuka siya. Dati naman hindi ganito ang reaction ng sistema niya.

Palihim niyang kinapa sa loob ng bag ang baon na mga rosas at pumitas ng ilang talulot. Isinubo iyon at kinain. Pero nabahing na naman siya at muntik na siyang mabulunan. Pero may bote ng sparkling water ang lumitaw sa kanyang harapan, dakma ng malaking kamay ni Yamraiha. Umakyat sa mukha ng lalaki ang mga mata niyang namumungay.

"Drink," untag nitong idinutdot sa kanya ang bote ng sparkling water.

Suminghot siya at kinuha iyon. The lid is already open. Itinuloy niya sa bibig ang bunganga ng bote at lumagok ng malamig na tubig. Hindi pa man din niya natatakpan muli ang bote ay sumirko na ang sikmura niya. Tumakbo siya patungong ladies' room at hinabol siya ni Yamraiha. Saktong inabutan nang tuluyan siyang abandonahin ng kanyang lakas at sinakop ng dilim ang kamalayan.

"Is she alright? Bakit hindi pa rin siya nagigising?" Balisang tinig ni Wayve ang pumasok sa tainga niya at lubusang gumising sa kanya. Galit man o nag-aalala ang boses nito, ang sarap pa rin pakinggan ng timbre.

"Her doctor said it's just a tremor effect of her pregnancy, that's why we can't leave her alone. May ganitong pagkakataon na bigla na lamang siyang mawawalan ng malay."

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata bago pa magtalo sina Wayve at Yamraiha. Agad siyang dinaluhan ng dalawang lalaki. Hinawakan ng asawa ang kanan niyang kamay. Marahang hinagkan.

"You okay, Sibol?" he asked gently.

Tumango siya. Ngumiti ng matamis. "Okay lang ako, promise. Wala lang 'to. Si Mama nga mas masahol pa sa akin noong pinagbubuntis niya ako."

"Try this one." May dahon na pinasinghot si Yamraiha sa kanya. "This is an herb, good for pregnant women having their morning sickness."

"Smells nice, parang may kalamansi?"

"Where did you get that?" tanong ni Wayve.

"Skai gave it to me, that's from his botanical garden."

Nagustuhan niya ang amoy at kinain ang dahon na hawak ni Yamraiha.

"Sibol," angal ng asawa niya.

"Usually this herb is good for neutralizing poison. You can have this every morning as a tea and build some poison immunity inside your body," paliwanag ng bodyguard niya.

"It tastes good too," sabi niyang nakabungisngis.

"I'll bring more of it tomorrow. Sa labas na muna ako, mayroon lang akong titingnan." Nagpaalam ito at tinungo ang pintuan.

"Makakauwi naman tayo ngayon, 'di ba?" tanong niya kay Wayve.

"We're just waiting for you to wake up. By the way, Kate, did you know her?"

Tumango siya. "Oo, bakit?"

"Isinugod siya sa hospital kasabay mo. Somebody poisoned her and news is she is critical."

"My God!" bulalas niyang hindi makapaniwala. "Pero sino ang gagawa n'on?"

"Kimberly is going to launch an investigation soon." Hinaplos nito sa likod ng palad ang kanyang pisngi.

Nawalan siya ng kibo. May kaaway ba si Kate? Kung may nagbabalak ng masama, imposibleng makalusot iyon sa security ng Kimberly. But if the crime was an inside job? Kasama ba nilang modelo ang may gawa? Alam niyang hindi maiiwasan ang inggit sa hanay nila. Pero sobra naman kung humantong sa pagkitil ng buhay.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon