Chapter 2 - Unang Yugto

1.3K 74 1
                                    

Napangiwi si Nadzwina nang lumapat ang lamig ng tubig sa kanyang mukha. Ang hapdi ng mga pisngi niya pati tungki ng kanyang ilong. Sunburn na naman. Sunog na ang mukha niya sa kabibilad sa araw. Binilisan niya ang paghilamos at isinara ang gripo ng lababo. Hinablot niya ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto ng banyo. Maingat na isinubsob doon ang mukha.

Nagbihis siya ng pajama at sinilip ang binalot na mga pagkain sa nag-iisang mesang gawa sa kahoy. Hindi naman siguro mapapanis ang mga iyon hanggang bukas. Wala siyang refrigerator na pwedeng pagsidlan ng mga iyon. Dito sa makipot na kuwartong inu-okupa niya, ang tanging mayroon ay single deck na kama. Maliit na electric fan, cabinet na may salamin ang isa sa mga pinto. Kulay green na sofa. Mga dingding na may pinturang dirty white.

Matapos niyang ilipat sa mga lalagyan ang pagkain ay itinapon niya sa basurahan ang pinagbalutang foils at manila paper bags. Pinindot niya ang switch ng ilaw at nagtungo sa kama. Umusal ng maikling pasasalamat sa Diyos dahil naitawid niya ng ligtas ang araw na iyon at panalangin para sa dagdag na lakas para bukas.

Kinabukasan ay maaga siyang gumising at naghandang pumunta ng hospital. Excited siyang malaman kung nagising na si Sir Andro. Nag-abang siya ng pampasaherong dyip sa may kanto nang huminto sa tapat niya ang itim na SUV na naghatid sa kanya kahapon.

"Ms. Leamse, nandito po ako para sunduin ka," sabi ng driver.

Mangha siyang tumango.

Ang nadatnan niya sa hospital ay masayang tanawin. Kasalukuyang pinapakain ni Mrs. Romualdez si Sir Andro habang may isa pang magandang babaeng mukha ring artista at bata pa ang masiglang nagkukwento. Palagay niya ay nasa twenties pa lamang ang edad.

"Good morning po!" nahihiyang bati niya sa mga ito.

Magiliw na ngiti ang itinugon ni Mrs. Romualdez. Tumayo ito sa inuupuang silya at sinalubong siya.

"Thank you for coming back, Nadzwina." Inakay siya nito papalapit sa kama ng pasyente. "Darling, here she is. Your guardian angel yesterday."

"Hello po, Sir. Kumusta na po kayo."

"That gentle and pretty face, it is really you." Ngumiti ang lalaking nakahiga ng pahilis sa kama. "What's your name, little girl?"

"Nadzwina Mila Leamse po, Sir."

"Oh, this is Claudia. Our daughter in-law." Ipinakilala ni Mrs. Romualdez ang magandang babaeng mas bata.

"Hi, it's nice to meet you." Nag-abot ito ng kamay sa kanya.

"Salamat, ikinagagalak din kitang makilala." Nakipagdaupang-palad siya sa babae.

"Sit here," Sir Andro motioned her the easy chair beside the bed. "How old are you?"

"Eighteen po." Naupo siya sa silya.

Nagkuwentuhan sila habang pinagpapatuloy nito ang pagkain. Mabilis niyang nakagaanan ng loob ang mag-asawa. Masayang kausap ang mga ito. Hindi siya nanliliit kahit sa kilos at pananalita ay dama niya ang tayog ng agwat ng estado nila sa buhay.

"You're looking for a summer job?" tanong ng lalaki.

Tumango siya. "Opo, pinag-iipunan ko po kasi ang pang-enrollment ko sa college."

"You don't have to work, sweety. We can give you scholarship in any university of your choice," magiliw na pahayag ni Mrs. Romualdez. "Bukas na bukas din ipapa-settle ko sa staff ko ang tungkol sa pag-aaral mo."

"Nakakuha na po ako ng scholarship sa isang university malapit sa tinitirhan ko. Pero maraming salamat po sa magandang alok."

Nagkatinginan ang mag-asawa. Nag-usap ang mga mata. Habang nakangiti sa kanya si Claudia na nagbabalat ng apple.

Marahil ay isang pagsubok mula sa langit ang pagtatagpo ng landas nila ni Sir Andro bago matupad ang kanyang dasal. Nang araw na iyon ay nagsimula siya sa kanyang summer job bilang personal assistant ni Mrs. Romualdez. Nalula pa siya sa halaga ng sahod na ibibigay ng mag-asawa sa kanya.

Kinagabihan ay umuwi sila ng bahay ng mga Romualdez. Pagbaba niya ng sasakyan ay kulang lumuwa ang mga mata niya sa tahanang bumungad sa kanya. Pakiramdam niya ay nagmistula siyang alikabok na napadpad doon.

Hindi lang basta bahay ang pinagmamasdan niya kung hindi palasyo sa modernong panahon na may makabagong istruktura. Garaheng hitik sa iba't ibang mamahaling sasakyan. Animo'y tulay ang dalawang driveways. May malaking swimming pool at malawak na garden.

"Come here, Nadzwina." Inakay siya ni Mrs. Romualdez. Tumupi-tupi paurong na tila dahon ang folding doors ng higanteng bukana ng bahay. Pagpasok nila ay nakapila ang maraming mga katulong na naka-uniporme at sabay-sabay na bumati.

Hindi lang pala sa labas may swimming pool, pati sa looban ng bahay ay mayroon at sa ground floor ay may fountain pa na nagsasabog ng malamig na liwanag. Pawang kumikinang na karangyaan at magagandang mga bagay ang nakikita niya. Kahit ang mabangong amoy ng hangin sa loob ay tila nagkakahalaga ng hindi biro.

"May maaga tayong lakad bukas kaya magpapahinga ka ngayon, okay? Ituturo sa iyo ng mga kasambahay ang magiging silid mo. Kung may gusto kang kainin, huwag kang mahihiyang magsabi sa kanila." Hinaplos ni Mrs. Romualdez ang kanyang braso.

"Salamat po." Nahihiyang ngumiti siya rito.

Dalawa sa mga kasambahay ang sumama sa kanya paakyat sa kuwartong tutulugan niya. Hindi na matigil ang tigagal niya. Ang kama sa gitna ng malawak na silid ay mistulang pugad na nababalutan ng sutlang bedsheet. Ang makapal na carpet ng sahig ay kulay pula samantalang ang mga tassel curtain ay pinaghalong red-pomelo at abot sa sahig.

Umagaw sa paningin niya ang malaking petal mirror sa kanyang kaliwa at ang luxury walk-in cabinet na bukas ang sliding doors at nasisilip niya ang mga laman na collectors items, outfits, designer bags, shoes, jewelries at marami pang iba. Sa kabilang dako ay ang velvet chesterfield sofa na may kapares na glass table. Sa ibabaw n'on ay isang antique torrent bowl na umaapaw sa mga prutas. Umalon sa simoy ng hangin mula sa nakabukas na glass panel palabas ng balkonahe.

Maaga ang kanyang hapunan na hinain ng mga katulong doon lang sa kanyang silid para hindi na raw niya kailangang bumaba pa. Nalaman din niyang bumalik ng hospital si Mrs. Romualdez. Pagkatapos niyang kumain ay naglinis siya ng sarili sa loob ng banyong tila mini-swimming pool na ang bathtub at may sariling washing machine.

Nilabhan niya ang kanyang damit. Ayaw niyang galawin kung anong mayroon sa kuwartong iyon. Baka kasi pinapatulog lang siya roon. Isinalang niya sa dryer ng washing machine ang mga damit at panloob. She sets the timer. Hubo't hubad siyang lumabas ng banyo. Pinatay sa pamamagitan ng remote control ang mga ilaw at nahiga sa kama. Binalot niya ang sarili sa kumot. Mabilis siyang tinangay ng antok.

Mainit at kakatwang pakiramdam ang gumising sa kanya kinabukasan. Hindi siya makagalaw. May mabigat na nakadagan sa kanya at may nakakikiliting ihip ang tumatama sa kanyang leeg. Bago pa nasanay sa dilim ang paningin niya ay biglang bumukas ang pinto at sumabog ang liwanag sa buong silid.

Bumulaga sa inaantok niyang mga mata ang lalaking mahimbing na natutulog habang nakapatong sa kanya at ang mukha ay nakasiksik sa kanyang leeg. Wala silang kumot pero ang kahubdab niya ay tinakpan ng nakabandera nitong laki na tanging boxers ang saplot.

"Wayve Lizandro! What did you do to her?" Umalingawngaw sa buong silid ang gigil na boses ni Mrs. Romualdez.

Hinigop siya ng takot at buong pwersang isinalya paalis sa ibabaw niya ang lalaki. Umusod siya patungo sa headboard at sumiksik doon, yakap ang kumot na ibinalot niya sa sarili. Lalong namilog ang ulo niya at nagsara ang kanyang pandinig nang matitigan ang guwapong mukha ng lalaking lulugo-lugong bumangon at dahan-dahang tumingin sa kanya.

Wayve? Si Wayve?

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon