Chapter 2 - Ikalawang Yugto

1.1K 73 0
                                    

SOON TO RISE IN THIS SITE...NAMI GOLD RESIDENCE HOTEL!

Iyon ang nabasa ni Nawi sa malaking billboard sa bukana ng malawak na commercial land sa lungsod na nasa ilalim ng residential classification zone. Under-construction na ang gusali. Kung hindi siya nagkakamali pag-aari ni Wayve ang bagong hotel na tatayo roon sa darating na tatlong buwan.

Kung nakatatak ang pangalan niya, maaring iyon ang alimony ng paghihiwalay nila. Ibig sabihin hindi talaga nandito ang asawa para pagsilbihan ang pamilya niya. Sumama ito para personal na pangasiwaan ang construction ng gusali at nang matapos agad sa itinakdang panahon.

Lumipad ang paningin niya paakyat sa kabilang scaffolding na may nakapaskil na malaking tarpualin. It shows the specifications of the entire structure.

Fifty storey with 815 residential units. Modern tropical design. Amenities include: Stellar Peak for parties, Central Leisure Pool, Living Museums for events, Tropical Garden, Enterprise Lounge for meetings, Discovery Hall with library, and Activity area, Fitness Club. The whole premises is heavily guarded for safety purposes.

"Nawi, tara na. Baka hanapin ka ng asawa mo," apura ni Leo sa kanya.

Galing sila ng munisipyo. May ipinasa siyang mga dokumento para sa business center ng mga magsasaka sa cluster nila at nakiusap siya kay Leo na dumaan sila rito. Naagaw kasi ng billboard ang atensiyon niya habang papunta sila ng poblacion.

"Sabihin mo nga sa akin, itong hotel ang dahilan, 'di ba, kaya sumama rito ang boss mo?" sita niya sa bodyguard pagkasampa niya ng sasakyan.

Tumaas ang kilay nito. "Wala ba siyang sinabi sa iyo tungkol dito?"

Marahan siyang umiling, nanghahaba ang nguso. Isinara ni Leo ang pinto at lumigid sa driver's seat.

"Baka surprise," ngumisi ang lalaki.

Alimony, hindi sorpresa. Hindi iyon pwedeng sabihin dahil ang annulment plan nila ay sekreto muna.   Itinuon niya ang paningin sa binabagtas nilang sementadong farm to market road. Sa magkabilang gilid niyon at nakatanim ang mga punong namumunga tulad ng langka, santol, kaimito. Proyekto iyon ng clean ang green program ng mga barangay na sakop ng lungsod.

"Nasa bukid ang asawa mo. Susubukan daw niyang mag-araro, ewan ko roon..." natatawang sabi ng Mamang niya pagkauwi nila ng bahay.

Nagkatinginan sila ni Leo. Bumungisngis ang lalaki samantalang siya ay litong tinanaw ang direksiyon ng sakahan nila ng mais at palay. Hindi niya ma-imagine si Wayve na may hawak na araro at kinakaladkad ng kalabaw.

"Puntahan natin.," sabik na yaya ni Leo. "Gusto kong makita kung paano siya itatakbo ng kalabaw. Makaganti man lang ako sa sapak noong birthday mo."

Sinuntok niya sa braso ang bodyguard. "Umayos ka nga, natuwa ka pa? Kapag nasugatan iyon, kahit galos lang patay tayo kay Daddy Andro," sikmat niya rito.

"Kung susunod kayo, dalhin n'yo na 'yong miryenda para sa kanila," naaaliw na pahayag ni Nadia.

"Sige, Mang. Paki-ready na lang po. Magbibihis lang ako." Kumaripas siya paakyat ng kuwarto at nagbihis ng pantalon na pambukid at maluwag na t-shirt. Tinirintas niya ang buhok at naglagay sa satchel bag ng bihisang damit para kay Wayve.

Mistula silang sumali ni Leo sa marathon habang binabagtas ang shortcut na tumatawid sa kalakhang bahagi ng lupain nila. Bitbit ng bodyguard ang basket na naglalaman ng piniritong saging na saba at camote cue. Dala naman niya ang jug na may orange juice at ang bag.

Malayo pa lang sa maisan at palayan ay tanaw na nila si Wayve na halos makikipag-wrestling sa araro na hinihila ng kalabaw sa unahan nito. Tumakbo na siya para marating agad ang kinaroroonan ng asawa. Ang Papang niya ay nasa likuran nito at pilit inaagapan ang mga usbong ng punlang mais na nabali dahil dinaanan ng punta ng araro. Pa-ekis-ekis ang bakas na iniiwan ni Wayve at.

Gusto na niyang umbagin si Leo na humahalakhak. "Kita mo na, para siyang gumuguhit oh, naging zigzag-"

"Tumahimik ka, akala mo madali lang iyan?" Hinambalos niya sa bodyguard ang jug at bag. "Papang?" Lumusong siya at nilapitan niya ang ama. Hanggang sa tuhod na niya ang usbong ng mga punlang mais.

Tumingin sa kanya si Sherwin at ipinahiwatig ng mga mata nitong puntahan niya si Wayve. Tumalima siya at hinabol ang asawa na malapit nang marating ang kabilang dulo ng ng sakahan.

"Wayve?"

Huminto ito at may pagmamalaking ngumisi. Susmaryosep, malala na talaga ang kumpiyansa nito sa sarili. Nagyayabang pa gayong nagmukhang ahas na nakahandusay ang bakas ng sinirko nitong tudling. At walang pakialam ang lalaking ito kahit tirik ang araw. Hubad itong nakabilad sa init. Ang shirt ay itinali nito sa ulo. Namumutok ang pawis nito gaya ng pag-igting ng mga masels.

"Tama na iyan. Pinilit mo pa kasi hindi ka naman marunong," himutok niya.

"I think I did great!"

"Hindi para sa iyo ang pag-aararo." Inirapan niya ang asawa.

"But I'm serious to learn this thing. Paano na lang kung bumalik tayo sa sinaunang panahon at pagsasaka lang ang means of survival, ayaw kong magutom kayo ng mga anak natin."

Pinilipit na naman ng kilig ang puso niya. Inagaw niya rito ang handle ng araro at ang lubid na tali ng kalabaw na panay ang ingos sa unahan nila.

"Manood ka, ituturo ko sa iyo."

"Marunong ka?" gulat nitong tanong.

"Magsasaka ako, nakakahiya naman kung hindi ako marunong mag-araro. Makinig ka, huwag mong pangunahan ang kalabaw, i-guide mo lang siya sa pupuntahan niya gamit ang tali habang hinihila niya ang araro. Tiyakin mong nakabaon sa lupa ang punta, itong blade." Pumalatak siya upang bigyan ng signal ang kalabaw na masunurin namang umikot habang iginiya niya pabalik.

Nang sulyapan niya si Wayve, nakatulala ito sa kanya. Hindi makapaniwala. Kunwari inirapan niya ito at nagsimulang sirkuhin ng araro ang lupa. Manghang sumunod sa kanya ang asawa, nasa mga mata ang paghanga at pagmamalaki hindi para sa sarili kundi para sa kanya.

"Oh, hawakan mo."

Masigla nitong dinakma ang handle ng araro. "You're amazing!"

"May halik ka pagdating sa dulo kapag nagawa mo iyan ng maayos at wala kang tinamaang punla ng mais."

"Really? That's cool, I can do this overnight." Halakhak nito at kumindat sa kanya. "I mean, your kiss is riding on this."

Ngumiti siya ng matamis. Magaan na itong panoorin habang umuusad at walang pagmamadali.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon