Chapter 9 - Ikatlong Yugto

1K 68 1
                                    

Naupo si Wayve sa single sofa at sinilip sa kanyang cellphone ang update ng dinner preparation sa kabilang suite. Everything is set according to plan and Andrew messaged him earlier that their parents are on the way. He is hopeful for the good outcome of this evening banquet.

Binigyan niya ng seksing ngiti si Nawi na kanina pa pasulyap-sulyap sa kanya habang nag-aayos ng sarili sa may dressing table. Her hair and make-up are done. She is moving to her wardrobe to choose her outfit. She put on a white, form-fitting sheath dress that sits above her knee, displaying her gorgeous curves and hourglass figure.

She obviously has a knack for modeling with that unique size. She conducts herself way on a professional level. She's organized.
Every little movement is well-intended and he loves the amazing piece of charming innocence she has. It's time for her to step up and be the center of his career.

"Ano sa tingin mo?" Rumampa ito sa harap niya at umikot-ikot.

"Stunning," he breathed heavily. Nakakapanigas ng pagkalalaki ang bawat nadadaanan ng kanyang mga mata. Kahit ang kaba na nahimigan niya sa malamyos nitong boses ay sumisipa ng init sa kanyang puson.

She smiled sweetly. "I want to look my best tonight to convince your dad that you did not force me to come with you."

"That's lovely," he whispered back, heart is melting.

When she stepped closer and he smelled her tempting scent, he almost forgot they had a dinner to catch up. Kinagat na lamang niya ang dila para mapahupa ang kumukulong pagnanasa at hinawakan ang kamay ng asawa. Hindi ba't nagawa naman niyang turuan ang sarili na makontento kahit sa ngiti nito kung iyon lamang ang maibibigay nito sa ganitong pagkakataon? Higit pa sa sapat na nandito na itong muli sa kanyang mga bisig. Binuo nitong muli ang kumpiyansa niya sa sarili at binigyan siya ng dagdag na tapang para harapin ang kanyang ama.

Pagpatak ng alas-siyete ay nagtungo sila sa viewing deck ng presidential suite ng hotel. Nakakapit sa braso niya si Nawi at may tipid na ngiting nakapinta sa labi. Tinanguan niya ang crews sa pangunguna ni Miller na nag-aabang sa may bukana.

"Good evening, Sir, Ma'am!" Gumanti ng pagbati ang mga ito. 

"Good evening, Sir...Ma'am..." segunda ni Miller na iginiya sila patungo sa naghihintay na buffet.

Marahan niyang pinisil ang palad ni Nawi na dumausdos pababa sa kanyang kamay at doon naman kumapit. His parents, Andro and Laliza are in the table waiting for them. Tumayo agad ang Mommy niya at sumalubong sa kanila.

"Magandang gabi po, Mommy." Bumitaw sa kanya ang asawa.

"Nawi," magiliw na niyakap ng ginang si Nawi at hinalikan sa pisngi. "Is it true you're staying at the suite with Wayve?" tanong nitong bakas sa tono ang saya.

"Yes po, Mom. After the last segment I had with the Kimberly, sumama po ako kay Wayve rito."

Tumingin sa kanya ang ina at binigyan niya ito ng marahang tango para kompirmahin ang sinabi ng asawa.

"Gorgeous as ever, my dear." His Dad, Andro- came along to greet them. Niyapos din nito si Nawi at hinagkan sa tuktok ng ulo. "It's good to see you."

"Same here, Daddy..." ganti ng asawa niyang hindi na napawi ang matamis na ngiti.

His father gave him a brisk hug. "I think I have a lot of explaining to do for both of you," the old man whispered.

He simply nodded. May panahon pa at nakahanda siyang intindihin ang ama. Siguradong mayroong dahilan kung bakit nito ginawa ang sa tingin nito ay dapat gawin.

***
Buo ang loob ni Nawi para sa gabing iyon. Naroon siya upang suportahan ang asawa sa paghingi nito ng paliwanag sa mga magulang. Hindi lang para sa kanya at sa mga sakit na tiniis niya sa nakalipas na dalawang taon, higit sa lahat ay karapatan ni Wayve na malaman ang tunay na dahilan sa likod ng huwad na paghihiwalay nila.

Inumpisahan ang masinsinang pag-uusap habang naghahapunan sila. Isinilbi na sa kanila ng crews lahat ng kakailanganin para hindi na sila maiistorbo pa.

"Being a father, I can't avoid to doubt myself. Did I set a wrong example? Mula pagkabata ninyo ni Andrew ipinakita ko sa inyong sentro ng buhay ko at atensiyon ko ang pamilya natin. Kahit kailan hindi naging higit na matimbang ang kompanya at ang trabaho ko kaysa sa inyo," palipat-lipat sa kanilang dalawa ni Wayve ang paningin ni Andro.

"Not even once that you're Daddy failed me as a husband and as a father to you and Andrew. When he told me about his plan of breaking your marriage, I did not hesitate to support him because I knew it was for your own good," salo ni Madam Laliza. "Wayve, masyado kang nalulong sa career mo at sa fanbase. Hinintay namin ng Daddy mo na gagawa ka ng paraan para ayusin ang pagsasama ninyo ni Nawi bilang mag-asawa. Gusto naming makita na ipagmalaki mo siya sa mga kaibigan mo at sa mundong nakagisnan mo dahil iyon ang tama."

"Kami ng Mom mo ang nagdala kay Nawi sa iyo, not just because we wanted her to be part of this family but more so because we knew you needed someone like her. I saw how your wife struggle to adjust to your comfort zone and that is not what I expected. Kaya nagdesisyon akong paghiwalayin muna kayo para maramdaman mo ang halaga niya."

Nag-uulap ang mga matang tumingin siya kay Wayve. Emotions are shadowing all over his eyes but he did not tried to defend himself. Ramdam niyang sa simula pa lang ng pag-uusap na iyon ay inamin na nito ang pagkakamali. Hindi pa niya lubos na maintindihan ang buod ng pangyayari pero malinaw na ginawa ng mga magulang ni Wayve ang lahat para sa kanyang kapakanan.

"Yeah, it was all my fault. I should have told you that I am in love with her," mahinang tugon ng lalaki at gumalaw ang naninigas na mga panga. "But you have the worst way of showing your son his mistakes. Pati ang asawa ko ay sinaktan ninyo na dapat sana ay ako lang."

"Wayve," nakawala ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon