Chapter 4 - Ikaapat na Yugto

934 61 2
                                    

Kulang na lang ay ihambalos ni Wayve ang cellphone sa dingding sa loob ng opisina niya. Nakasampung beses na siya ng tawag kay Yamraiha pero hindi siya makapasok. Hindi naman out of reach ang lokasyon ng lalaki.

He tried once more. Again, unattended.

"Dammit!"

Binitawan niya ang cellphone at hinilot ang sentido. This can't be done. No fucking way! Itinuon niya ang mga kamao sa desk at nabubugnot na pinagmasdan ang maliit na table calendar.

The arrangement that Alexial gave him for Nami's time is a total fucked up. Only Saturdays and Sundays? He will never settle on those freaking schedule. What is wrong with these Andromidas anyway? Sticking their nose on his life. Everything between him and Nawi has been fixed, yet they're acting as if he is a foreign bodies bringing nothing but disaster to his wife.

Hindi siya tumigil sa kasusubok na makontak si Yamraiha. Palagay niya ay mas reasonable ang isang iyon at pwede niyang hingan ng konsiderasyon. Kung si Alexial ang kukulitin niya'y iinit lang ang kanyang ulo. Finally, his call went through. But he waited for another seconds before Yamraiha picked it up.

"What's up, Mr. Model?" Iritadong boses ng lalaki ang sumagot sa kanya.

"Come to my office, I needed to discuss some urgent matters with you." Lumapit siya sa floor to ceiling window at itinukod doon ang kaliwang kamay habang tumatagos sa kawalan ang paningin.

"Tungkol saan iyan?" tanong ng kausap.

"My wife."

"Denied."

"Yamraiha!" Naikuyom niya ang kamaong nasa glass wall. Kahit malamig pagmasdan ang langit sa labas dahil sa tinted na dingding pero lumiyab ang titig niya sa inis.

"You don't have an edge to demand something like that from me, Romualdez." Yamraiha's voice is veiled with the noise of keyboard in the background. "Spill your concern fast. Nagbreak lang ako para sagutin ka."

Wala siyang mapapala kung magpapatalo siya ngayon sa init ng kanyang ulo. He exhaled. Swinging his build to lean his back on the window pane.

"Your underhanded strategy to keep my wife away from me-"

"Keep your wife away from you?" the guy from the other line cut him off. "And why would I do that?"

"Alexial gave me her schedule and I am not exempted for those guests you noted as under regulation."

"We are just protecting her from your fans, Romualdez. Tingin mo ligtas na ang asawa mo dahil natuwa ang fanbase sa inyo nang ipagsigawan mo sa interview na mahal mo siya? Better think again, you jerk."

"And keeping as apart like this, like five days in a week will ensure her safety? You lost your mind. I can and I will protect her."

"How? Titigil ka sa pagmomodelo? Have you ever consider what would be the consequences afterwards? Si Nami ang sisisihin ng fans mo, iisipin nilang pinatitigil ka. Get some brain, bastard! You're just being greedy. Pasalamat ka nga at may dalawang araw kang pwede mo siyang makasama."

"Fuck you!"

"Can't stand up with your argument now? Maghintay ka, inasikaso ko na ang mga fans mong may bakukang sa utak. Once they are regulated and under-controlled, Nami will be yours all day and night."

Wala na siyang nasabi hanggang sa magtapos ang tawag. Pakiramdam niya'y nawalan siya ng silbi. Durog na durog ang ego niya. Is his power and resources not enough to provide his wife a strong security? Bakit nagagawa ng mga Andromida at siya ay hindi? Dahil ba may halaga sa kanya ang fans niya? Is it bad? Is it wrong?

"Sir, meeting at five minutes. Finance department." Nagsalita mula sa intercom ang secretary niya.

"Tell them to start without me," sagot niya at nabubugnot na bumalik sa kanyang desk.

He made a quick check on the order of business for the meeting. Kapapasada pa lang ng paningin niya sa itemized agenda, may pumasok na email galing sa isa sa mga segment producers ng Kimberly. Si Lexie. She is one of his fans. May attachment ang email nito. Nang buksan niya ay bumungad sa kanya ang litrato ni Nawi, sa gawing likod nito ay ang lalaking nakatayo malapit sa dressing cubicle ng asawa. Si Leihnard Andromida.

He closed the file and massaged the bridge of his nose. Magmumukha siyang desperadong asawa na walang tiwala kung basta na lang siya susugod doon at tangayin si Nawi. He has a lot on his plate today. Ang magagawa niya ay magtiwala sa asawa. For two years she remained faithful despite the distance and chaos of their marriage. Mahal siya nito.

Dinampot niya ang kanyang cellphone at nagtype ng mensahe.

Kab: I love you, Sibol. Miss you a lot.

Palabas na siya ng opisina nang pumasok ang reply ni Nawi.

Sibol: Miss you too, Kab. I heart you more.

This is enough for him to get through the day. He smiled. All the uncertainties and frustrations melted away like it was never been there in his head.

***
Sumulyap lang si Nawi sa lalaking nasa labas ng dressing cubicle niya, kausap ang ilan sa mga modelo na makakasama niya sa segment. Ibinaling niyang muli ang mga mata sa screen ng kanyang cellphone. Hindi na nasundan ang chat ni Wayve. Baka nasa meeting na.

Leihnard Andromida. He is gorgeous like his paintings. Ngayon lang niya ito nakita sa personal. Kahit noong naroon siya sa La Salvacion ay hindi naman sila gumagala ni Yamraiha at hindi rin naman siya bahagi ng pamilya para makilala niya ang bawat miyembro.

Kanina pagdating niya ay narito na ang lalaki. Hindi niya alam kung bisita ito o may binisitang isa sa mga modelo ng Kimberly. Sigurado namang hindi siya, bihira nga siyang tingnan nito mula sa kinaroroonan.

"All done!" anunsiyo ng wardrobe manager niya matapos ayusin ang ibang adjustment ng suot niyang gown.

Sinipat niya ang sarili sa malaking salamin sa harap nila at nakontento naman sa nakita. The color Aquamarine blue complimented her skin. It has a sweetheart neckline and a corset back style. Umikot siya para tingnan ang side view. Perfect ang fitting sa kanya.

"Thank you, Lindsy." Napawi ang ngiti niya nang magtagpo ang mga mata nila ni Leihnard Andromida.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon