Chapter 2 - Ikatlong Yugto

1K 80 4
                                    

Buong araw na libre si Nawi. Pahinga niya para makapaghanda sa magiging event ng Kimberly bukas. Wala rin siyang klase at pinayagan siya ni Yamraiha na tumanggap ng bisita kaya pinaunlakan niya ang imbitasyon ng dating biyenan niyang babae. Malapit lamang naman sa unit niya ang restaurant na meeting place nila para sa lunch. Hinatid siya roon ni Yamraiha.

"Call me when you're done," bilin nito at hindi na pumasok sa loob ng restaurant.

"Reservation, Ma'am?" Magiliw siyang sinalubong ng dalawang female crews.

Ngumiti siya ng matamis at tumango. "Lunch meeting with Mrs. Laliza Romualdez," she said politely.

"Yes, Ma'am...follow us please." Iginiya siya ng mga ito sa VIP section na nasa second floor. "Pasensya na po, pero ang ganda n'yo po talaga. Fan n'yo po kami, Ms. Nami..." kinikilig na pahayag ng crew na kaagapay niyang naglalakad. Halos tumili naman ang kasama nitong nakabuntot sa kanila.

"Thank you," flattered niyang tugon. Kaya pala nagniningning ang mga mata ng mga ito.

Karamihan sa mga fans niya mula nang pumasok siya sa modeling ay mga miyembro ng ALON, ang official fanbase ni Wayve. Pero hindi siya gaanong active sa group at page kahit kasali siya roon. Baka kasi may makahalata na minsan siyang naugnay sa lalaking hinahangaan ng mga ito. Hindi naman siya takot na awayin o ano, ayaw lang niya ng gulo at lalong iniiwasan niyang maungkat sa publiko ang nakaraan nila ng ex-husband niya. Hindi siya gagawa ng dahilan na ikasisira ng tahimik niyang buhay.

Natanaw niya agad sa may veranda ang dating biyenan. Tumayo ito at ngumiti. Dalawang mesa lamang ang mayroon doon at nasa magkakabilang dulo. Pinasalamatan niyang muli ang dalawang crews na naghatid sa kanya.

"Mommy," nakipagbeso siya sa babae. Hindi na niya nabago ang tawag dito maging kay Sir Andro. Pakiramdam niya kasi ay magtatampo ang mga ito.

"It's good to see you, Nawi. I was a bit worried if you can make it here today, alam kong busy ka para sa fashion show bukas."

"Rest day ko po ngayon at wala rin kaming pasok sa school."

"Perfect timing, I guess?" Natawa ang ginang.

They both sitted and their lunch was serve.

"By the way, your daddy and I have booked our schedule tomorrow. We will watch you at the fashion show," anunsiyo nitong maganang nilantakan ang paborito nitong pasta.

"Thank you, Mommy, that would add up to my motivation."

The couples supported her all the way with her career and did not try to make her agonizing break-up with Wayve an issue. Kaya siguro hindi naging mahirap sa kanya ang mag-adjust sa bagong landas na kanyang pinili. Isa sa mga bagay na sobra niyang na-appreciate,
tuwing nagkikita sila gaya ngayon, iniiwasan nitong banggitin ang tungkol kay Wayve.

***
Binuksan ni Wayve ang inbox at binasa ang kapapasok lamang na chat ni Xyra. Nagpasalamat ito sa gift na ipinadala niya para sa kasal nito dalawang linggo na ang nakaraan. Nasa honeymoon pa ang babae at ang asawa nitong non-showbiz.

Xyra del Valle was the actress that his fans rumored as his girlfriend. Noong nadisgrasya siya ay galing siya ng party nito para sa bagong movie. Kunting appearance nila noon sa publiko ay naglilikha agad ng usap-usapan at mabilis na kumakalat kaya kahit hindi legit ay pinupulot ng media kasi humahakot ng atensiyon.

A notification for a call from one of Lei Rynn's elites came in. Tinanggap niya ang tawag at pinukol ng tanaw ang bukana ng restaurant. Nasa loob ang Mommy niya at si Nawi. Pero hindi siya makapasok dahil nasa labas si Yamraiha. Natunugan yata nitong naroon siya, nagmamanman.

"Hector?"

"You're not gonna be happy to hear this but I will tell you, anyway." Bungad nito. "Your parents are the one behind your annulment scam with Nawi. Your bodyguard Leo is secretly taking orders from your father and reported to him what you're plans are."

"As I have thought," nagtagis siya ng mga bagang.

"Yeah, unfortunately there will be no change of the situation. Hindi tayo makapasok sa network ng Andromida para i-rectify ang custody ng asawa mo at ilipat sa iyo. They don't open negotiations to us."

"Well, I will never stop trying to change their mind."

A pretty clever idea of his father. Alam nitong ang Andromida lang ang hindi kayang tibagin ng resources niya kaya roon nito inilagay si Nawi. Kahit si Lei Rynn na may direktang connection kay Athrun ay hindi siya matulungan.

He tried to keep his cool and tightened his patience. He has his plans rolling. Babawiin niya ang asawa at walang makapipigil sa kanya.

***
Tatlong oras ding nagtagal si Nawi sa restaurant. Napasarap ang kuwentuhan nila ni Laliza at halos makalimutan na niya ang oras. Bago lumabas ay nagpapicture sa kanya ang mga crew. May iba pang customers ang nag-request at pinagbigyan na rin niya.

"Bye, honey. Good luck for your big night tomorrow." Hinagkan siya ng biyenan sa pisngi.

"Salamat, Mom. Ingat po kayo." Kumakaway siya habang umuusad ang sasakyan nito.

Dinukot niya ang cellphone sa kanyang clutch bag para tawagan si Yamraiha pero napansin niyang naroon na pala sa gilid ng lobby ang sasakyan nila. Baka nakatulog na sa paghihintay sa kanya ang lalaki.

Lumapit siya roon at binuksan ang pinto. Nakangiting sumampa sa loob at bumaling sa lalaking nasa likod ng manibela. Para lang matigagal at tumalsik ang kaluluwa. It was not Yamraiha. The man behind the steering wheel is Wayve Lizandro. Her smile faded. Sweats broke out. Colors drained from her face.

Time became stagnant when his eyes drifted towards her like a slow motion. His lips ripped apart into a victorious smile but his eyes are shooting nails and daggers. Endless pain. Questions. Longing. Intense lust that is familiar to her.

"Finally, I get passed your unbreakable bodyguard. I took the risk and camouflage the car like that of his. Should I take you to the ends of the earth now? Where nobody can find us and no one can snatch you away from me again."

Bakit?

Ano ba ang nangyari at tila walang nagbago sa nasa puso niya? Para bang nakatulog lamang ang kanyang emosyon at ang dating tibok. Ngayong nandito muli si Wayve, sabay-sabay ding gumising ang lahat.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon