Chapter 7 - Ikaapat na Yugto

859 65 0
                                    

Tahimik na nakaupo si Nawi sa silyang nasa sulok sa loob ng malamig na conference room ng Kimberly. Ngayon ang announcement ng mga modelong kabilang sa segment ng fashion show na magaganap bukas ng gabi. Hindi siya makapaniwalang napasama siya sa grupo ng mga batikang supermodels ng bansa para sa finale ng women's gallery.

"Lastly, for the main course of the event..." nagpatuloy si Julie Andromida, ang CEO ng kompanya. "Segment for the men's gallery will be showcased by Wayve Romualdez together with his partner, Nami Leamse as spokeperson for the women's gallery."

She didn't expect it. Akala niya si Xiellou Durano ang makakasama ni Wayve sa segment finale dahil iyon ang nasa dating roster. She can only hope the other models will be objective instead of taking this changes differently. Kahit sa part niya, maiintindihan niya kung ma-offend ang ibang modelo na mas matagal na sa industriya kaysa sa kanya. Lalo't ang pinag-uusapan ay ang nag-iisang Wayve sa modeling world.

"Special treatment, what else?"

"That girl is getting into my nerves."

"Can't we ask for another deliberation? This is ridiculous! She can't handle the encore, I'm sure of that."

"Hayaan n'yo na. Hindi niya alam na nilagay lang siya sa segment dahil viral ang live confession ni Wayve sa kanya. Kapag pinagsama nga naman sila hahakot iyon ng atensiyon."

Nasa lobby siya nang marinig ang ilan sa mga kasamahan niyang nag-uusap. Sa disgustong sulyap na ibinato ng mga ito'y halatang siya na naman ang paksa. Imposible nga sigurong mapapalampas ng mga ito ang desisyon ng management. Pero wala naman siyang pwedeng sabihin para depensahan ang sarili o ang layunin ng kompanya.

"Ignore them." Nagsalita sa likod niya si Kate. "Kung may dapat magreklamo, si Ma'am Xiellou dapat pero balita ko siya pa ang nagsuggest na ikaw ang ipalit sa puwesto niya, that's means you can do it."

Tumango siya at tipid na ngumiti. "Thanks. Wala naman akong balak na patulan sila. I have so much in my head to think about, hindi ko na sila maidadagdag pa."

"Insecurity is everywhere, really." Napailing ito at pinukol ng masamang tingin ang umpukan.

Siya naman ay sinipat ang oras sa kanyang cellphone. Biglang umingay ang looban ng lobby nang lumitaw mula sa elevator si Atty. Alexial Andromida at naglakad papalapit sa kanila ni Kate. Binati ito ng mga modelo. He gave them a subtle response.

"Done for today, Nami. No more appointment in your schedule."

Banayad siyang tumango at nagpaalam kay Kate. "I'll go ahead."

"Sure, take care." Kumaway ito sa kanilang dalawa ni Alexial.

Pumasok sila sa executive elevator pababa ng basement parking.

"You looked exhausted," puna ng abogado.

Hindi siya kumibo. Kahit naman sabihin niyang okay lang siya ay hindi ito maniniwala. Hindi siya pagod. Hindi siya apektado sa mga narinig mula sa ibang modelo. Matamlay siya dahil namimiss niya ang asawa. Masyado na itong abala sa nakalipas na mga araw. Sa rehearsals nito sa banda, sa kompanya nito at sa pictorials para sa parating na fashion show. Hindi ito nakalilimot magchat at tumawag. Pero iba pa rin kung nasa tabi niya ito at ramdam niya ang init ng katawan nito.

Hinatid lang siya ni Alexial sa condo. Mula roon ay si Leihnard na ang bahala sa seguridad niya. Pagkatapos magbihis ay nagtungo siya ng kusina at kinuha sa fridge ang ice cream. Naglagay siya sa bowl at binuhusan ng cereal. Hinalo sa kutsara at binitbit papuntang sala. Dinampot niya ang cellphone at binuksan ang chatbox nila ni Yamraiha.

Yam: I deactivated your accounts for the meantime.

Siguro ay nagsimula nang umatake ang bashers niya. Nagplug na malamang ang ibang modelo sa ganap kanina sa Kimberly.

Her: Okay.

Yam: Scale up.

Ngumuso siya at tumingin sa sukatan na ginawa nito para sa kanyang height. Ibinaba niya ang cellphone at lumapit doon. Dayain kaya niya si Yamraiha? She tiptoed and marked the scale up to 5 plus something. Kinunan niya iyon ng litrato at ipinasa sa lalaki.

Yam: You're cheating.

Natawa siya at hindi na nagreply pa. Kinain niya ang ice cream na may cereal at inaliw ang sarili sa mga larawan ni Wayve. Hindi na niya nasundan ang mga posts ng asawa sa accounts at official Alon page. Some of his fans kept bombarding her queries about their status. Minsan ay natutukso na siyang sabihin na mag-asawa na sila.

Ilalapag na lang niya ang cellphone nang tumunog iyon. Tumatawag si Wayve. Muntik na siyang mabilaukan sa cereal mabilisan niyang nilunok kahit hindi pa niya nangunguyang mabuti.

"Kab?"

Walang sumagot bagkus ay narinig niya ang tugtog ng piano. Kasunod ang kumakantang boses ng lalaki. Her heart tightened, tears pooled blocking her vision.

🎶I counted the time, seconds like infinite stars above...

🎶Been wondering who will be there by your side...

🎶When the clouds no longer dark, I'll find my way back...

🎶to you...

🎶to where my heart lies...

🎶and dreams begin...without goodbyes...

Umiiyak siyang nahiga sa couch, hawak ang cellphone at pinakikinggan ang serenade ng asawa. Dama niya ang tunay na emosyon sa likod ng pag-awit nito. Ang pagtitiis na akala niya matatapos na sa sandaling maaayos nila ang gusot. Pero ang totoo'y nagsisimula pa lamang pala ang pagsubok na hahamon sa tibay ng kanilang pagmamahalan.

May mga sandaling naiisip niyang itanong sa sarili kung mas makabubuti ba para kay Wayve na hindi na lang siya dumating sa buhay nito. Hindi rin sana kailangang madamay ng mga taong nag-aalala para sa kanila.

"Nawi, I received the roster for the event tomorrow night." Nagsalita ang asawa sa gitna ng pagkanta nito.

"Um, ako ang pinili nila para maging partner mo sa finale," napahikbi siya.

"Hey, are you crying?" may bahagyang galit sa boses nito.

"Namiss na kasi kita," ungot niyang pinahid sa likod ng palad ang mga luha.

"I missed you too, so much. We will catch up twice after the event tomorrow."

Narinig niya sa background ang mga drums. Nasa music studio ba ito? Siguro ay pumuslit lang ito para kantahan siya.

"Alam mo tumangkad ako ng kunti, half inch." Sumulyap siya sa scale up.

"Tamang-tama para sa sorpresa ko bukas. Matutulog ka ngayon ng maaga para madadagdagan iyan ng another half inch."

Napangiti siya sa biro nito. Muli siya nitong kinantahan hanggang sa nakatulog siya.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon