Chapter 9 - Ikaapat na Yugto

895 67 0
                                    

Walang choice si Nawi kundi maghintay kay Wayve. Ayaw kasing makisama ng mga binti niya at mga paa. Kung noon sa una nilang kasal ay takot siyang sulyapan ang madilim na mukha ng lalaki ngayon ay hindi niya maalis dito ang paninging nanlalabo dahil sa mga luha. His eyes, his lips, he's all smile. Ang pinakaguwapong ngiting nakita niya sa buong buhay niya.

A small microphone is extending just below his mouth from the lapel he is wearing. His built gave off a bold strike of maculine justice to Kimberly's diamond belt tux. May suot itong earcuffs na bahagi ng disenyo ng damit at agaw-pansin iyon.

"Sibol," he whispered and his rugged breathing is telling her he is holding himself from breaking down.

"Kab," sambit niyang pigil din ang hagulgol.

"Will you marry me again?" Ang pahayag nitong iyon ay narinig ng lahat sa loob at labas ng big dome.

Tumango siya. "Yes, yes!" Mahigpit siyang humawak sa mga kamay nito.

The lights changed into flickers of colorful flowers over the mighty stage of Kimberly's fashion arena. This is more than just a surprise. This is Wayve's declaration of love in full scale. Tinanaw niya ang mga magulang at mga kapatid na nakangiti at kapwa nagpupunas din ng luhaang mga mata.

Lumapit sa kanila si Andrew at sinuotan siya ng lapel. Sina Claudia, Nikola at Nana ay nakabantay sa mesa kung saan nakapatong ang arras at wedding necklaces. Hindi na wedding rings dahil mayroon na sila n'on.

"Welcome back to the Romualdez, sister in-law," bumulong sa kanya ang bayaw.

"Thank you," napahikbi na siya.

Mistulang walang tao ang dome sa sobrang katahimikan. Tinawid nilang dalawa ni Wayve ang aisle. Isa-isang niyang tiningnan ang mga magulang ng asawa niya at ang kanyang Papang at Mamang na bakas ang ngiti at kasiyahan. Para bang lahat sa pamilya nila ay inaasahan ang kaganapang iyon at siya lang ang walang ideya.

Maingat si Wayve sa pag-akay sa kanya habang nakakapit ang kanan niyang kamay sa bisig nito at ang kaliwa ay binitbit ang bahagi ng kanyang gown na kaladkad niya ang buong haba. Saglit pa siyang napahinto at suminghap sa pagkamangha nang mapansin na ang nadadaanan niya ay nagiging lantay ng mga bulaklak. Kung titingnan tuloy ay tila ba nagmumula sa gown niya ang mga bulaklak pero ang totoo'y nagpapalit lang ang carpet.

"Parang magic," sambit niya.

"You are the magic, you made everything wonderful and beautiful..." pakli ni Wayve.

Nagpatuloy sila sa mabagal na paglalakad patungo sa altar na naghihintay sa kanila at sa pari na magpapatibay ng bigkis ng kanilang panunumpa sa ikalawang pagkakataon. Emosyonal pa rin siya nang pormal na simulan ang seremonya. Kahit si Wayve ay hindi na rin napigil na pakawalan ang mga likidong kanina pa sumisilip sa mga mata nito.

"Do you come to offer yourselves to each other, freely and without reservation?"

"I do/ I do," sabay nilang sagot.

"Will you love and honour each other for life?"

"I do/ I do."

"Will you accept children lovingly from God and bring them up according to the values of faith?"

"I do/ I do."

"You may now professed your vows to one another."

Inabot ni Wayve ang necklace para sa kanya at nagsalita ang asawa.

"Minsan ka nang sinaktan ng mundong ginagalawan ko kaya narito ako ngayon at sa mundong ito papatunayan kong walang makapipigil sa akin para mahalin ka." Isinuot nito sa kanya ang kwintas. "All the pain I've caused you, I'll pay them with my love. I will share my life with you through the best and worst of what is to come, as long as we live. I, Wayve Lizandro Romualdez, vowed to you, from this moment onward I will stay faithful as your husband until we are parted by death."

Now her heart is so much ready for his words. Unlike before, there is no doubt. No more fear. No more unanswered questions. He is the man that fate has crafted for her. Bawat salitang binigkas nito ay walang hangganan ang kahulugan.

When her turned came, she looked around. Blinked the tears away and claimed the moment as she had faith she owned it. Finally, she will become his wife in front of the people who might saw her less of a woman for him, in a world where she fought to find her place to be able to stand by his side.

"I, Nadzwina Mila Leamse, take you, Wayve Lizandro Romualdez, to be my husband..." malakas ang kanyang boses, puno ng katiyakan. "I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honour you all the days of my life." Isinuot niya sa asawa ang kapares na kwintas.

"You have declared your consent before the Church. May the Lord in his goodness strengthen your resolve  and fill you both with his blessings. That God has joined, man must not separate."

Nang lumapat ang halik ni Wayve sa kanyang labi ay saka lamang niyanig ng sumasabog na palakpakan ang buong fashion dome. Matapos ang halik ay umangat siya sa sahig dahil sa yakap ng asawa. Umulan ng bulaklak at confetti mula sa ceiling habang hinarap nila ang mga bumabati. Nauna ang pari at sunud-sunod nang lumapit ang pamilya nila.

"So happy for you, darling." Naiiyak na niyakap siya ng biyenang babae.

"Thank you po, Mommy."

"And I am forever grateful you haven't given up on my son despite of the scheme I made to your first marriage," salo ni Sir Andro na hinagkan ako sa noo. "My household is very lucky to have you, Nawi."

Wayve is watching them with pride in his eyes. Nakaakbay rito ang kapatid na si Andrew na hawak naman sa kamay ang asawang si Claudia. Bakas din sa anyo ng kanyang mga magulang ang pagmamalaki. Tumango-tango ang Papang niya habang si Nadia ay hindi na natigil ang pagpupunas ng panyo sa sulok ng mga mata. Samantalang sina Nikola at Nana ay humahagikgik. Sukdulan siguro ang kilig ng mga ito gaya niya.

"You have witness the segment finale of Kimberly's founding anniversary fashion stand-off. Ladies and gentlemen, we gave you the newly wed, Mr. Wayve Lizandro Romualdez and his wife Mrs. Nadzwina Mila Romualdez, Kimberly's men and women gallery spokepersons!" Nagsalita ang host mula sa naglalakihang speakers sa bawat sulok ng dome. "At this juncture, we welcome on stage the creator, Kimberly's top designer and CEO...Mrs. Julie Martinez Andromida!"

Pumasok si Julie kasama ang asawa nitong si Atty. Alexial Andromida. Hindi niya alam kung paano pasalamatan ang mag-asawa na alam niyang malaki ang contribution sa matagumpay na surprise wedding sa kanya ni Wayve. Palagay niya ay matagal nang nakaplano iyon at nakahanap ang asawa niya ng tamang mga tao na handang tumulong.

HEARTBREAKERS 03: OPERATION BREAK-UP ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon