Chapter 3: The First

430 18 6
                                        

Ricaira's POV

Ang sama sama niya! Anong ginawa ko sa kanyang masama? Watdahel. Nice. Ngayon ko lang narealize na ginagago lang pala ako ni J.A.

"Hindi porke't nasa Cream Section tayo e wala ng masama satin! Leche kamo siya! Sabi ko sayo e iiwan ka lang ng mokong na yun e! Ayaw mo kasing maniwala sakin!" Leche wala akong pakialam. Nangyari na ang mga nangyayari.

"Sorry na! Hindi ko naman alam e!" Akala ko pa naman e icoconsole ako ni Ryllie pero kinonsensya pa ako! Lechugas! Spell BADTRIP!

"Sorry po, na-late ako. May nangyari lang po kasi e." Wow. Ang dakilang lecheng putspa any dumating na, na kanina pa hinahanap ng mga teachers namin.

Nilapitan ko siya, nginitian at *PAK* sound effect yun ng sampal na lumagapak sa makapal niyang pagmumukha! AAHHH! Leche talaga! I can't help it.

Aicken's POV

Nagulat ako sa pagsampal ni Ricaira kay J.A. Well actually lahat pala kami ay nagulat.

"Maupo na kayong lahat at magsisimula na ang klase ko! Kung ayaw niyong makinig e magsilabasan kayo!" Sabi ng teacher naming laging HB.

"Sorry po." Saad ng mga kaklase ko.

J.A's POV

"Ngayon ay maglalaro tayo ng Chess." Sabi ng MAPEH teacher namin.

"First Chess battle. J.A. And Yassie Mari." Oh crap! Sa dinami dami ng pwede kong makalaban e si Yassi Mari pa!

"Galingan mo! Alam mo namang expert ako sa Chess e!" Sabi niya sakin sabay ngiti. Creepy. Lechugas! Hindi pa nga ako nakakamove on sa pagkakasampal sakin ni Ricaira e!

Maya maya pa habang naglalaro kami ni Yassi Mari, nalalag ang isang chess piece, particularly pawn ay may nadinig kaming sigaw. Sigaw na pamilyar sa pandinig ko. Hinding hindi ko pwedeng makalimutan ang sigaw na yon. At yun ay sigaw ni Ice.

Biglang tumakbo ang teacher namin palabas. Pati ako, dahil katropa ko lang naman siya. Pagkakita ko sa kanya, hindi ako makapaniwala. Nakabulagta. Walang buhay. Balot ng pulang likido ang kanyang puting polo. Binulag siya. Leche sinong gagawa nito sa kanya?

Imposible namang may nakaaway siya kase napakafriendly niya?

Nakita ko namang biglang lumapit si Ivee sa kanya na iyak ng iyak. I feel sorry for Ivee. Boyfriend niya kasi si Ice.

"Hinding hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa kanya!" Sigaw niya. Naiintindihan namin siya. Masakit mawalan ng masayahing boyfriend.

"Ivee! Lumayo ka sa kanya! Kailangan natin tong ipainvestigate!" Sabi ng lintik naming teacher sa MAPEH. Lahat kami ay buisit sa kanya.

"Ano ba kasing nangyari?! Naglalaro lang naman tayo ng Chess ah? Sinong kapartner ni Ice sa Battle?" Sabi ni Zyneth. May pagka detective kasi to.

"Kanina naglalaro lang kami tapos nagpaalam lang naman siya sakin na magc-cr siya. Tapos tumango lang naman ako." Sabi ni Charmaine.

"Eh bakit hindi sakin nagpaalam?!" Sabi naman ng teacher naming napaka HB.

"Nakikipagdaldalan daw po kasi kayo sabi niya." Natahikik bigla ang gusto kong mapanot na MAPEH teacher namin.

"Mr. Aizawa! Anong nangyari dito?" Sabi ng guard namin na kasama pati ang principal. May napansin akong kakaiba. May hiwa sa kanyang pisngi si Ice. Na kung titignan ay nahahawig sa letter I?! Is it initial ng pumatay sa kanya?! Eh?! I... I... Ivee?! Pero bakit naman niya papatayin si Ice?

"Section Eternity! Bumalik na kayo sa room!" Sabi ng principal. Ang mga kaklase ko naman ay gulat na gulat sa nangyari. At hindi din kaaya aya ang pagkamatay ni Ice.

Habang pumapasok na kami. May nakita akong sulat sa pader ng CR

"Someone's looking for you, find me now before I kill you." Hah?! Sino yun?!

"A-abigaille?!" Gulat na tanong ko.

"O? Nakagulat ang mga nangyari no? Hindi kaya isa isahin tayo? Hanggang sa siya lang ang matira?" Oo nga ano?

"I SAID SECTION ETERNITY! GO BACK TO YOUR RESPECTIVE ROOM!" Sabi nung principal.

Habang pabalik kami, napansin din nila ang sulat na nabasa namin. May posibilidad kaya na nabasa yun ni Ice bago siya mamatay? Haay.

Chess Pieces 1: Celestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon