Zyneth's POV
After two weeks...
"Zyneth! Tara na!" Sigaw sakin ni Calland. Sinundo niya ako ngayon sa bahay, papunta kami ngayong Celestine Academy.
"Oo! Pababa na!" Sabi ko sa kanya. Nagpaalam na ako kay Mommy. Tumango lang naman siya, susunod din naman kasi siya.
Sumunod na naming pinuntahan si JA. Kaming tatlo na ngayon ang nandito sa loob ng kotse nila Calland.
"Sila Alleck?" Tanong niya, natawa na lang ako sa isip ko. Magkakasama sila ngayon nila Aicken at Reissah. Ayun, pinuntahan pa nila yung puntod ni Leonaji at Rejinald. Didiretso din naman sila sa school.
"Pupunta muna sila sa sa puntod nila Leonaji, tapos pupunta na sila ng school." Sagot ni Calland sa kanya.
Habang nasa daan kami ay muling nagbalik lahat. Kung paano nahantong ang lahat sa ganitong sitwasyon. Kung paano kami lumaban para sa buhay na pinaka-inaasam naming lahat. Kung paano namin nalampasan lahat ng ito.
Naririnig kong muli ang mga sigawan ng mga kaklase kong nahihirapan sa sitwasyon naming lahat. Masakit sa tenga, sobrang sakit. Ayaw ko ng marinig yun. Nakaka-trauma na.
Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha galing sa mata ko. Bigla ko 'tong pinahid, kasabay ng pagpahid sa lahat ng sakit. Hindi lang ako ang naapektuhan, lahat kami.
"Oy Zyneth, wala namang iyakan! 'Pag si Calland umiyak!" Sambit ni JA kaya napatawa ako. Nilingon ako ni Calland na nasa passenger seat. Nginitian niya lang ako kaya ibinalik ko yun sa kanya.
After ilang minutes ay nakarating na din kami sa school. Required lahat ng estudyante na pumunta. At magtungo sa gymnasium. Magkakaroon ng misa para sa lahat ng yumao. Pati na rin kay Yassi at Warren.
Sana matahimik na siya. Pati si Warren na nadamay dahil sa akin. Napatawad ko na sila. Kasi hindi mawawala lahat ng hirap kung hindi ka magpapatawad. Yun lagi ang sinasabi ni Mommy sa akin.
Alleck's POV
Magkakasama kami ngayon nila Reissah, Leisselle, Aicken, Rielle, Sabrea at Nikolo. Nandito kami sa puntod ni Leonaji. May kailangang isoli daw kasi si Reissah kay Leonaji para makalimutan na niya lahat ng sakit.
"Nandito na tayo." Sabi nung Driver. Agad kaming bumaba nagpunta sa himlayan ni Leonaji.
"Ahm guys, mauna na kayo. Susunod na lang ako." Sabi ni Reissah. Ano namang gagawin niya dito? Nakakatakot kaya dito 'pag mag-isa ka lang!
"Reissah, huwag mong sabihing dito ka magpapakamat-" Naputol ang sasabihin ni Rielle ng biglang umiling si Reissah. Senyales upang magsibalikan na kami sa loob ng Coaster. Umandar na ang coaster.
"Uy Alleck, kanina ka pa walang kibo ah. Kapag yang laway mo napanis!" Sabi ni Leisselle sakin. Hala? Ako pa talaga yung walang kibo?
"Anong ako, si Aicken kaya!" Sambit ko sa kanila, pagtingin namin sa upuan ni Aicken eh tulog siya kaya walang kibo. Kaya pala...
"Syempre tulog." Sabi ni Sabrea, ang cold talaga ni Sabrea!
"Eh si Nikolo din kaya!" Tumingin sila sa harap at nakita nila si Nikolo na naka-head phones. Sige, wag niyo akong suportahan!
"Goodluck kung marinig ka niya." Nagtawanan sila sa loob samantalang ako ay nag-pout lang.
"Oo na, at least gwapo." Sambit ko sa kanila at tinitigan ako ng masama. Anong masama dun?! Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah!!
"Kapag si Yassi nagbalik, alam na kung sino may kasalanan." Sabi ni Rielle. Yassi. Binanggit niya ang pangalang tinanggal ko na sa vocabulary ko.
Katahimikan ang namayani sa loob ng coaster. Halos makatulog na silang lahat. Ilang minuto din ang nagtagal ng basagin ni Aicken ang katahimikan.
"W-wag, p-please nagmamakaawa a-ako." Nananaginip si Aicken. This past days eh sinasabi ni Nikolo na lagi daw napapanaginipan ni Aicken si Yassi.
"Aicken, wake up." Sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang gumising. Namumutla siya kaya ginising ko si Rielle.
"Hoy Babae." Sabi ko kay Rielle pero hindi siya sumagot. Hay nako.
"Aicken, panaginip lang yun." Sabi ko na lang sa kanya para mahimasmasan siya. Tumango lang naman siya. Binigyan ko siya ng tubig.
"Salamat." Wika niya kaya nginitian ko na lang siya. Ang tagal naman naming makarating sa school!
Mga ilang minuto pa ang nagtagal bago kami makarating sa gym. Ito nanaman, bumabalik nanaman lahat ng alaala. Sariwang-sariwa parin lahat.
"GISING NA! NANDITO NA TAYO!" Sabi ko kaya naalimpungatan naman silang lahat. Nauna na akong pumunta sa loob at mabuti naman ay hindi pa nagsisimula. Nahagip ng mga mata ko sila Calland kaya agad akong nagpunta sa dako nila.
Reissah's POV
Nakalayo na sila. Kailangan ko ng bilisan at baka ma-late pa ako sa Mass. Agad-agad akong nagtungo sa puntod niya. Ang puntod ng taong pinakamamahal ko.
"Hello. Hi. Hindi ko alam kung paano 'to sisimulan. Dinala ko lang 'tong mini stuffed toys na 'to. Isosoli ko na sayo. Hindi naman sa hindi ko 'to tinatanggap, pero kasi kapag nakikita ko 'to, naalala lang kita. Dahilan para mabalik lahat ng sakit. Sana maintindihan mo ako. Hindi ko din nasabi sayo na mahal na mahal kita. Leonaji, mahal na mahal kita. Pero kailangan na kitang kalimutan para mawala lahat ng sakit. Sana naman ay nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ninyo." Sabi ko at ibinaba ang mga mini stuffed toys na ibingay niya sakin noong Foundation Day.
Aalis na ako matapos kong sindihan ang kandilang dinala ko at taimtim na nagdasal.
Ngayon ko lang naalala na mahirap nga palang sumakay dito kasi wala masyadong nagdadaang sasakyan. Hay nako, sinumpong nanaman ako ng katangahan. Tinawagan ko na lang si Leisselle at magpapasundo ako.
Agad niya din namang in-accept ang tawag ko.
"Hello Leisselle, nasaan na ba kayo? Pasundo naman dito oh. Wala kasing nagdadaang sasakyan dito." Sabi ko. Pero hindi siya sumagot.
"Uy Leisselle!" Sabi ko pero hindi parin niya talaga sinagot!
"Hello!" Sabi ko. Papatayin ko na sana ang tawag ng ma-realize ko na hindi pala si Leisselle yung tinawagan ko.
Kay Yassi Mari Innocencio pala ang na-dial kong number. P-pero patay na si Yassi eh!
Para akong ewan na biglang pinagpawisan, letse. Binilisan ko na ang paglakad, hayun. Nakakita na rin ako ng tricycle. Pagkasakay ko ay nagulat ako sa nakita ko, nabitawan ko ang cellphone ko. N-nakita ko nanaman ang nakakalokang ngiti na yun, ang mga ngiting nagpahirap samin.
---x
A/N: YES! TAPOS NA!!! :D Author's Note naman! Putek hahaha. xD
BINABASA MO ANG
Chess Pieces 1: Celestine Academy
Misterio / SuspensoBook 1 of Chess Pieces Trilogy 1st Section 50 students 1 killer Try and find before 50 shades of red ink take over. Are you ready to take risk in a game where your own life is at stake? This is CELESTINE ACADEMY, where one wrong move KILLS YOU! 5 4 ...
