Chapter 6: CCTV Footage

272 13 8
                                    

Zyneth's POV

Si Aicken. Comatose. Pano na ngayon? Pano na ang imbestgasyon? Kaya ba namin?

"K-kaya ba natin?" Tanon ko sa officers habang nasa kwarto kami ni Aicken ngayon, nandito na din ang mga magulang niya.

"Hija, kay niyo yan. Si Aicken, hanapin niyo ang gumawa nito sa kanya. Matutuwa niyan si Aicken panigurado ako. Atsaka huwag kayong malungkot, lalaban si Aicken! Dapat masaya tayong lahat." Sabi ng Mommy ni Aicken, alam namin na pinipilit lang niyang huwag umiyak sa harap ni Aicken. Oo, tama ang Nanay niya, kailangan namin siyang mahanap bago mahuli ang lahat. Bago mapatay kaming lahat.

"Officers, umuwi na kayo. Mag-iingat kayo." Sabi ni Ma'am. Haay. Nagpasundo na lang ako dito sa ospital para sigurado. Alam kong lalaban siya, hindi siya papayag ng may nangaapi sa section namin at lalong lalo na sa sarili niya.

"Zyneth, andiyan na si Mang Lando." Sabi ng Mommy ni Aicken kaya nagpaalam na ako, piniga ko yung kamay ni Aicken bago umalis.

JA's POV

Grabe, muntikan na kaming mamatay kanina! Kailangan na talaga naming mag-ingat, anytime pwede na kaming maglaho sa mundong ito ng hindi alam ang dahilan. Si Aicken... coma... half dead.

*Jorenz Calling...

"Pare, napatawag ka?" Tanong ko kay Jorenz. Pero sa kabilang linya eh pagpindot lang ng mouse ang naririnig ko.

"Hooy!" Sabi ko, bumlis lalo yung pindot niya ng mouse.

"A-ano, nasave ko na lahat ng info ng classmate natin sa hard drive." Sabi niya. Tatawag para yun lang ang sabihin? Leche!

"Okay, dalin mo bukas yung hard drive sa school." Sabi ko sabay baba ng cellphone ko. Haay, nakakapagod ang araw na ito, pano pa kaya bukas hano?

Kinabukasan...

3rd Person's POV

Nagtipon na lahat ng estudyante sa kanilang kwarto, walang imik dahil sa mga nangyari kahapon, bakante ang upuan ni Ice, pati na rin ni Aicken.

"Good Morning class." Sabi ng kanilang guro, pero ni isa walang sumagot. Dahil para sa kanila, walang maganda sa umagang iyon. Nawala ang patawa sa klase, pati na rin ang nagpapatakbo dito.

"Alam kong nalulungkot kayo sa nangyari kay Ice at Aicken, pero ipagdasal na lang natin sila ha? By the way, may importante akong sasabihin sa inyo." Sabi ng kanilang guro. Ang lahat ay nakatingin ng diretso sa kanilang guro.

"Ano po iyon?" Tanong ni Calland. Pumasok na si Calland dahil gusto niyang samahan ang pagiimbestiga sa mga nangyayari.

"Si Ice, suicide ang nangyari." Suicide? Pero imposible yun! Nagulat lahat ng estudyante sa loob ng kwarto. Oo, napakaimposible, dahil sinong matinong tao ang dudukot sa sarili niyang mata?!

Ran Alleck's POV

SUICIDE?! HINDI! HINDI YON SUICIDE! Napakaimposible! Sinong imbestigador ang nagimbestiga diyan?!

"P-pero Ma'am! Napakaimposible nun! Nakita namin ang itsura ni Ice! Dinukot ang mga mata niya!" Sigaw ni Ivee. Oo, kitang kita namin, at yung eyeballs niya ay nilagay pa sa kamay ng pumatay dito! Napakawalang puso!

"Hindi imposible yun, ang resulta ng autopsy ay pinatay niya ang sarili niya." ANAK NG ASDFGHJKL!

"Let's start our class." Sabi ni Ma'am. Ish! Physics nga pala kami! Kung ano ano nanamang formula to na mas complicated sa Math. -.- Mas okay ng mag Algebra kami kesa magsolve ng kung ano anong velocity, speed, time!

"Magkakaroon a=tayo ng short quiz pagkatapos kong idiscuss ang Ohm's Law." Ampotek. -.-

"Sinong nakakaalam ng description nito?" Tanong ni Ma'am. Nagtaas na ng kamay ang tatlo. Si Calland, JA at Zyneth. -.- Quizzer e!

Chess Pieces 1: Celestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon